A/N: ayan na nag update nako wag niyo na akong awayin😭 HAHAHA
YNA'S POV
Masaya akong nag hahanap ng pag kain dito sa 7 Eleven. Ang sabi ko ay tatambay muna ako dito hangga't nandoon pa yung lima pero nagutom ako eh, hihi.
Nang matapos akong kumain ay napag pasyahan ko ng lumabas doon at saka mag patuloy sa pag shopping. Pag kapasok ko ng mall ay agad kong tinungo ang book store ng makapili na ako ay agad akong tumungo sa cashier.
Mga 16 nabili ko hehe, talagang gusto kong mag basa eh. Tsaka noon hindi pa ako masyadong pinapayagan lumabas ng mag isa o mag shopping.
Pag kabili ko 'non ay nag libot- libot ako sa mall. Bumili nalang ako ng groceries saka umuwi na. Wala naman akong ibang bibilhin pa eh, kung hindi lang dumating yung apat.
Pag kauwi ko sakto kakain na ng tanghalian kaya naman kaagad akong na bihis sa kwarto. Pag baba ko ay hinihintay na ako ni Mawiee.
"Kumusta naman ang pag shopping niyo ni Dave? Bakit hindi muna siya kasama pag uwi?" Tanong sakin ni Mawiee.
Lagot, akala ko hindi niya napansin kanina na naka taxi lang ako..
"Ahm.. pinauna kuna siya Mawiee kase malayo layo pa ang bahay nila saatin, ilang street pa tsaka nag ka emergency daw sa bahay nila" pag sisinungaling ko dito at nag simula ng kumain.
"Hmm, okay" sagot niya sakin saka ako nginitian. Maya't maya pa ay muli siyang umangat ng tingin sakin. "Baby Piwiee, starting tomorrow papasok na ako sa work ko okay? Be a good girl. Uuwi ka ng hapon sa school na wala ako at si Pawiee mo kaya kung maaari ay huwag ng matigas ang ulo mo. Kung gusto kang ihatid ng friends mo mag pahatid ka na lang para safe ka, okay?" Tanong niya sakin, wala naman akong choice kaya tumango na lang ako.
"All right, Maw.." sabi ko sakanya at ngumiti.
Nang matapos na kami mag lunch ay excited akong tumungo sa kwarto at binuksan ang mga pinamili ko. Sa dami ng librong nabili ko ay hindi kuna malaman kung alin sakanila ang sisimulan ko ng pag babasa.
Inabot ako ng 30 minutes bago mapag pasyahan na huwag nalang tuloy mag basa sa ngayon. Kaagad kong niligpit ang mga iyon at inayos sa book shelves ko, mabuti at may space pa ang mga iyon.
Pag baba ko ay pumunta ako ng kusina at binuksan ang ref, agad akong napangiti ng makita ang ice cream kaya iyon agad ang kinuha ko at sinimulang lantakan iyon. Nasa sala si Mawiee at nanunuod ng tv kaya dito muna ako sa dining, kalahati lang naman ang naubos ko bago iyon ibinalik sa ref.
Sobrang boring na boring ako sa bahay ngayon kaya't napag pasyahan kong matulog nalang ulit tutal hapon naman at inaantok rin ako.
KINABUKASAN ay maaga akong nagising upang mag handa. Sayang maagang umalis sila Mawiee at Pawiee papunta sa trabaho nila. Linggo naman kaya napag pasyahan kong mag simba ngayong umaga.
Pag katapos ko mag handa ng almusal ko ay inayos kuna ang sarili ko at nag bihis ng pang alis. Pag kalabas ko ng gate ay akmang papara ako ng taxi ng mapansin ko ang paparating na kotse sa gawi namin.. kotse ni Lhester iyon.
Ano na naman ang ginagawa ng leche na 'to dito?— este Lhester pala..
Tumigil siya sa tapat ko at ibinaba ang bintana ng kotse. Tinaasan ko agad siya ng kilay.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya sakin.
"Bakit? Pake mo ba, gusto kong mapag isa ngayon" sabi ko rito habang nakataas ang kilay ko.
Bumuntong hininga siya sakin at pilit akong nginitian na para bang gusto niya akong kumbinsihin.
"Pina- pacheck ka saakin ni Tita, kaya saan ka pupunta? May date ka 'no? At tsaka tinakasan mupa kami kahapon" aniya habang nakakunot ang noo.
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...