Chapter 55

101 9 1
                                    



YNA'S POV

Back to school and everything was seems right. Okay naman, cool.. pero simula ng birthday ni April ay pakiramdam ko ako na ang pinaka sikat sa school at ang lima?... Ang body guards ko.

Not totally a body guard kase wala naman akong sinasabi na gawin nila iyon. Basta pag pasok ko nalang ulit ay para silang mga alipores ko o alalay. Hindi ko alam kung anong nakain nila basta ganito nalang bigla ang nangyari.

Akmang kukunin ko ang bottled water ko ng si Zion ang kumuha niyon at binuksan ito bago iniabot sakin habang nakangiti pa.

"Ano ba kayo? Anong nakain niyo?" Kunot noong tanong ko at bahagyang naiinis sa mga ito.

Ayaw ko sana silang pansinin kaso hindi ko naman maiiwasan dahil aaligid- aligid ang mga ito sakin.
Wala akong ibang ideya kundi nag papapansin ang mga ito dahil sa kasalanan nila sakin.

Napakamot ulo si Harvey at nakangiwing nag peace sign.

"Y-yna, gusto lang kase namin na m-mag sorry.. kaya 'eto ang ginagawa namin.." mahinang paliwanag ni Harvey.

"Tsaka.. 'wag kanang mainis, kahit anong gusto mo gagawin namin.. sabihin mo lang!" Sabi naman ni Zion na agad kong ikinapikit ng mariin at napabuntong hininga.

"Sinong hindi maiinis sa lagay niyo, ha? Tignan niyo nga?! Lahat kayo nakapaligid sakin, ni-hindi kuna malunok itong pag kain ko! Bawat galaw ko may naka alalay, hindi ako disabled ah?!" Inis na singhal ko sa mga ito.

"E-eh, pasensya na.. bumabawi lang kami." Kamot ulong sabi naman ni Lhester.

"Ah, talaga ba? Pati sila April at Victor pinauna niyong umalis para mabantayan niyo ako?! Tss. Kulang nalang pati sa pag cr ko kailangan makita niyo pa ako eh, maging sa bahay ba ganun pa rin?!"

"B-bakit ka ba naiinis eh.. nag so- sorry na kami.. hindi na kami mag aaway- away" sabi naman ni Ice saka ngumuso at nag papacute pa ito.

Napairap na lamang ako sa mga ito saka humingang malalim.

"Susundin niyo ba lahat ng sasabihin ko?" Seryoso kong tanong at animo'y para itong mga robot na nag si-tanguan, muntik na akong matawa pero buti naalala ko kung anong sasabihin ko. "Wag niyo na akong sundan kahit saan, 'wag niyo na akong hatid- sunduin sa bahay o eskwelahan, 'wag na kayong umaligid sakin ever again! Okay?" Nang dahil sa sinabi ko ay agad silang nag react.

"Uy, hindi naman pwede yun" —Ice.

"Ang unfair, Yna." —Dave.

"Wag ganyan.." —Zion.

"Paano? Mamimiss ka namin.." —Harvey.

"I won't let you." —Lhester.

Inis akong napabuntong hininga. "Tss. Tumalikod kayo!" Inis na singhal ko na ikinagulat nila.

"H-ha?" —Lhester.

"Tumalikod kayo! Naiilang ako habang kumakain, hindi ako tulad ng YouTuber na nag my-mukbang, okay?" Mataray na sabi ko sa mga ito at mabilis naman silang kumilos at tumalikod na.

Lihim na lamang akong napangiti ng talagang sinunod ng mga ito ang sinabi ko. Habang kumakain ay bigla akong nasamid dahil sa natawa ako. Agad naman silang napalingon at nag alala.

"A-ayos kalang?!" Nag aalalang tanong ni Dave.

Umiling ako habang tumatawa. Weird naman nila akong tinignan na parang ako na ang pinaka worst na baliw sa mundo.

"Wala. May naalala lang ako.. tapos na ako, iligpit niyo na 'yan" agad na utos ko sa mga ito na agad nilang sinunod.

Hindi sa masama ako ah. Gusto ko muna mag enjoy na ngayon ay ako naman ang boss, hihi. Ganto pala ang feeling ng ikaw ang ang uutos.

Nag lakad na ako palayo at hinayaan silang maiwan na nag aayos. Sa hindi inaasahan ay biglang nakabunggo ako sa kung sino at bumuhos sakin ang malamig na juice, as in nasa damit kuna lahat pati sa ulo ko.

"AAAAAAHHHHH!!!"

Agad nanlaki ang mata ko ng biglang nag sisigaw si Trina sa harap ko. Umiiyak na ito habang tinuturo ang dulo ng skirt niya na natapunan ng juice.

"WAAAAHHH! My skirt! Argh! Gosh you have to pay for this!" Maarteng sabi nito habang umiiyak-iyak pa na agad kong ikinangiwi.

"Excuse me? Kumusta naman yung lagay ko?!" Medyo may inis na tanong ko sakanya patukoy sakin na halos sakin natapon lahat.

"Hindi kuna problema 'yan! Haharang- harang ka kase sa daan. And besides it's suits you.. hindi ba basura ka naman talaga?!" Mataray na sabi nito sakin saka sarkastikong tumawa.

Mas nagulat ako ng may marinig kaming isang napakalakas na kalabog mula sa pwesto ng lima. May ideya na ako kung anong mang yayari. Hindi ko ulit kakayanin ang gagawin nila kay Trina na parusa, tsk!

"GO FVCKING SORRY TO HER!" Malakas na sigaw ni Lhester sa galit habang may dugo sa kamao nito dahil sa pag suntok ng malakas sa mesa.

Nanlaki ang mata ko dahil doon. Kakaiba talaga magalit si Lhester.. natatakot but.. at the same time I find it cool and cute.

Wait what?!

"And why would i?! This time siya ang may kasalanan!" Singhal ni Trina pabalik.

Nagulat na lamang ako dahil ang tapang nito. Pero this time buo na ang desisyon ko, hindi nalang palagi na ipinag tatanggol ako ng iba. Gusto kong ako naman ang mag tanggol sa sarili ko, gaya kung paano si Kuya lumaban noon.. sa mga bullies.

Agad kong hinarap si Trina habang galit na galit ang ekspresyon ng mukha ko. Tinaasan niya ako ng kilay habang naka ngisi kaya iyon rin ang ginawa ko. Tinaasan ko siya ng kilay habang may sarkasmong ngiti sa labi dahilan para mainsulto siya pero syempre.. hindi pa rin ito nag pahalata.

"Anong mukha 'yan?! Matapang kana ngayon, ah?! Kung sabagay.." matabang siyang tumawa. "Makapal ang mukha mo simula palang, masyado kang papansin 'diba?! Oh, ayan. Wish come true. You made the five badboys liked you, iw!"

Nginisian ko siya saka bahagyang tumawa na ikinakunot ng noo niya.

"Ganyan ba talaga ang gusto mong palabasin? Naiinggit kalang ata sakin. Bakit? Failed ba yung pang aakit mo sakanila? Naturingan kapa namang campus crush tapos hindi mo sila nagawang maakit, aw.." pang aasar ko dito na talaga namang ikinamangha ng ibang estudyante. Nag simula silang mag ingay at kutyahin si Trina.

Agad itong namula sa sobrang galit. Tinaasan ko siya ng kilay habang naka pamewang. Akmang sasampalin niya ako ng agad ko iyon nasalo bago pa makadapo sa mukha ko.

Ngumisi ako saka tinignan ang mga palad niya na ngayon ay umiiyak sa galit dahil sa hindi nagawang dumapo sakin. Natawa na lamang ako ng mapait saka hinigpitan ang pag kakahawak dito na ikina- aray ni Trina ng malakas.

"B!tch! You c-cannot do this to me—aww! Ouch! Please let go!"

"I don't have to fvcking bow my head on you just because people think you are right. Bullies are bullies and I'm not afraid even a single bit nervous of them anymore, specially you. Now once I released my hand, I. Want. You. To. Be. Nice!" Singhal ko sa sobrang galit saka binitiwan ang wrist niya na ngayon ay sobrang pula sa higpit ng pag kakahawak ko rito.

Tulala ang mga tao sa paligid at maging sila Lhester ay nagulat sa ginawa ko. Tinignan ko naman si Trina na ngayon ay hinahaplos ang wrist niya at umiiyak. Umiwas ako ng tingin saglit saka bumuntong hininga bago ako bumaba at inilahad ang kamay ko sa harap niya.

Sinamaan niya ako ng tingin. "W-what are you going to do?! You're a monster!"

Nag smirk ako dahil sa kashungaan niya. "Nag sabi yung hindi.." nakangisi kong sabi rito saka inabot ang kabila niyang kamay at hinila siyang tumayo. "Dalhin kita sa clinic. Mag pahinga ka, pati 'yang utak mo ipagamot mo ha? Nakakaawa ka."










Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon