Chapter 34

131 11 0
                                    


YNA'S POV

Sinundo ako ni Ice sa bahay at papunta kaming ospital ngayon bago kami pumasok. Nandoon rin yung apat nag hihintay samin, naisip namin bisitahin si Sofia.

Naiintindihan ko namang nagawa niya lang iyon dahil sa may sakit siya sa pag iisip. Alam ko namang mabait si Sofia eh. Talagang nagalit lang siya dahil sa inakala niyang may gusto sakin si Harvey.

Maya maya lang ay biglang may pumasok sa isip kong tanong at napatingin ako kay Ice.

"Ice.." pag tawag ko sakanya.

"Hmm?"

"Anong gagawin niyo kung may manligaw sakin?" Tanong ko sakanya.

Sandali siyang tumingin sakin bago ibinalik ang tingin sa kalsada.

"Malamang, dadaan muna siya samin. At tsaka mag bo-boyfriend ka na ba? Sumbong kita kila Tita at Tito eh.." masungit na sabi nito kaya napanguso na lamang ako.

"Uhm.. lahat ba kayong lima walang mga kapatid?" Tanong ko kay Ice.

"Si Dave, Harvey at Lhester lang ang may kapatid. Yung kapatid ni Harvey sinama ng magulang niya sa ibang bansa, yun ang sabi niya. Si Lhester naman at Dave hindi close sa mga kapatid nila kase nga may family issues sila. Maldita kaya yung kapatid ni Lhester tapos yung lalaki naman hindi namamansin. Tapos yung kay Dave naman apat silang mag kakapatid. Yung dalawa talaga ayaw sakanya kase pangatlo siya tapos yung bunso na babae close sana sila kaso inilayo sakanya yung bata ayon dinala sa probinsya." Mahabang kwento nito at tanging tango lang ang isinagot ko.

Hindi na ako umimik ng makarating na kami sa ospital. Akmang bababa na ako ng kotse ng inunahan ako ni Ice na buksan ang pinto sa side ko. Nang pumasok na kami ay bahagya niyang hinapit ang bewang ko at sumabay sakin sa pag lalakad.

Sa una ay nailang ako kaya pinilit kong umalis pero mas lalo niya iyong hinigpitan. Nang marating namin ang second floor kung saan nandoon ang kwarto ni Sofia ay bumitaw na rin siya. Pag kapasok namin ay saktong nandoon ang doktor kaya hindi ko mapigilang hindi mag tanong.

"Hello po, kumusta ang kaibigan ko?" Tanong ko dito habang nakatingin sa natutulog na si Sofia.

"Maayos na ang lagay niya, successful naman ang operation. Ang problema lang is lumala ang sakit niya sa utak kaya naman muli namin siyang susuriin at susubukang gamutin.." sagot niya sakin kaya tumango naman ako. "Mauuna na ako.." paalam nito kaya tumango naman kami.

Malungkot kong tinignan si Sofia. Alam kong lumalaban siya sa sakit niya. Alam kong hindi niya ginustong saktan ako at gawan ng masama. Nakakalungkot lang isipin na pinag kaitan siya ng kalayaan ng kaniyang isipan. Kung ano-ano siguro ang naiisip niya at bumubulong sakanya kaya niya 'yon nagagawa..

"Yna." Pag tawag sakin ni Zion kaya nilingon ko siya, nakatingin ito sa braso ko. "Anong nangyari diyan?" Takang tanong niya habang nakatingin sa sugat ko.

Napakamot ulo ako at tinignan iyon saka ngumuso. "Hindi ko alam eh.. basta meron na ako niyan pag katapos ng dinala ako doon ni Sofia." Tumango na lang siya sa sagot ko at tumingin kay Sofia.

Napatingin naman ako kay Harvey na nakaupo sa tabi ni Sofia habang tinitignan itong natutulog. Kahit man sabihin niyang hindi niya na ito gusto may pakialam pa rin si Harvey sakanya 'no. Kaya naiintindihan kong nasasaktan din siyang makita si Sofia na ganito ang kalagayan.

"Sabi ni Tita hindi muna daw kakasuhan si Sofia?" Tanong ni Dave kaya napatingin kami sakanya.

Sandali kong tinignan ang kalagayan ni Sofia saka umiling. "Huwag na.. tsaka, naiintindihan ko namang may sakit siya kaya niya nagawa 'yon. Hindi niya naman ako nasaktan eh" sabi ko sa mga ito na ikinatahimik nila.

"Tsaka alam ko namang hindi sinasadya ni Sofia 'yon. Talagang lumala lang yung sakit niya.." sabi naman ni Harvey kaya napatango ako.

Inilapag ko ang bag ko sa table at inilabas ang maliit na stuff toy doon na may nakasulat pang Y sa heart na hawak ng teddy bear. Inilagay ko iyon sa katabing table ni Sofia kung saan nilalagay ang mga regalo o pasalubong ng bisita. Tiyak akong matutuwa siyang makita iyon pag gising niya.

"Tara na, kailangan na nating umalis.." sabi ni Lhester kaya nag si- kilos naman kami.

Nauna na sila at ako naman ay lumapit kay Sofia. Hinawakan ko ang kamay nito ng mahigpit saka pilit na ngumiti sakanya.

"Mag pagaling ka, pag galing mo puntahan mo ako, ah? 'Wag ka mag alala, hindi ako galit sayo.." nakangiting sabi ko rito bago ko maramdaman ang butil ng luha ko saka dali- dali iyong pinunas.

Nag lakad na ako papaalis at sumunod kila Ice ng makalabas ako ng kwarto. Sakto naman ay bumalik na ang kapatid ni Sofia upang mag bantay sakanya, nag pasalamat din ito sa pag bisita namin.

Nang makalabas na kami ng ospital nauna na silang lima sa parking lot. Sumunod na ako para sumabay ngunit natigilan ako sa pag lalakad ng mag kakatabi silang lima sa mga kotse nito at motor. Pare- pareho silang hinihintay akong sumakay, napakamot ulo na lamang ako.

Nang makita nilang naguguluhan ako kung saan sasama nag tawanan ang mga ito kaya napanguso ako.

"Kayo ah! Pinag ti-tripan niyo na naman ako, hmp!" Inis na sabi ko sakanila.

"Sakin ka na sumabay.." sabi ni Harvey kaya naman nag lakad ako papalapit sakanya ngunit nag salita si Zion.

"Dito kana, Yna" turo nito sa kotse niya. Nakita kong sumeryoso ang mukha ni Harvey kay Zion. "Bakit? Ikaw naman bukas mag hahatid sakanya ah? Kaya ako na lang.." sabi nito dito saka lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko, hinila niya ako papasok ng kotse at hindi na ako nakaimik.

Nauna na kaming umalis ni Zion. Habang nasa byahe ay wala sana akong balak mag salita ng bigla siyang mag tanong.

"Si Harvey ba.. nag confess ba siya sayong gusto ka niya?" Tanong nito sakin na ikinakunot ng noo ko at umiling.

"Hindi, Bakit mo natanong?" Tanong ko sakanya.

"Nothing.."








ZION'S POV

[FLASHBACK~]

Matapos tumila ang ulan ay napag pasyahan naming bumalik na sa room kahit late na kami sa first subject ng pang hapon. Nauna sila Yna, Ice, Dave at Lhester bumaba. Mag kasabay kami ni Harvey sa hallway ng bigla siyang tumigil at hinarap ako.

"Don't lie at me, Zi. Alam kong gusto mo si Yna.." seryosong sabi nito kaya naman napakamot ulo ako.

Here we go again into confronting scene na ayaw ko sa lahat lalo na kung sila.

Napabuntong hininga ako. "It looks like you already know.." mahina akong tumawa upang mabawasan ang tensyon sa pamamagitan namin.

I know Harvey have feelings for Yna. Kilala ko siya, madali siyang mahulog..

In fact lahat ata kami madaling mahulog sa babae. Si Dave hindi siya showy ng feelings niya pero sasabihin niya mahal ka niya. Si Lhester naman mapang angkin, kapag gusto niya, gusto niya. Si Harvey ang torpe pero talaga namang maeffort siyang manligaw, torpe pero madaling mahalata. While Ice, well.. hindi naman sa torpe siya pero palagi niyang idine- deny kahit huling- huli na siya, pero kapag naman sinabi niya na asahan mong sobrang mahal niya na yung taong 'yon.

Me? Don't asked me, hahaha. Kapag gusto ko sinasabi ko, pinapakita ko, nag e-effort ako. But this time kay Yna nagiging maingat ako, alam ko kasing may masasaktan ako sa mga kaibigan ko.

"Gusto ko si Yna.." sabi ni Harvey na talaga namang ikinaseryoso ko. "Paano na niyan kung gusto ko rin si Yna? Alam ko namang hindi ka mag papatalo, eh"

Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Hindi ko rin alam ang gagawin ko kung pareho kaming may gusto sa iisang babae.

Ano nalang ang gagawin namin kung lahat pala kami? Hindi ako tanga para hindi mahalatang parang lahat kami iba ang pag aalala kay Yna. Don't tell me mag aaway- away kami ng dahil sakanya?

No. Hindi pwedeng mangyari iyon. At lalo ng walang kasalanan si Yna dahil 'don..

"Then, may the best man win.."



Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon