HAPPY BIRTHDAY MARIA APRIL DE VERA!🎂🎈🥳
APRIL'S POV
"Oh, paki ayos naman po nun manong oh.." sabi Mommy sa mga nag aayos ng decorations para sa debut ko.
Ngumiti siya at humarap sakin. "Malapit ng maayos ang halat, baby. Go and prepare. It's your special day" nakangiting sabi ni Mommy kaya tipid naman akong ngumiti dito at tumango.
"Yeah.. thanks mom"
Umakyat na ako sa taas para mag ayos ng sarili ko. Kahit man kaarawan ko ngayon ay may lungkot sa puso ko. Still.. I want Yna to be here.
Narinig kong nag ring ang phone ko at agad akong napangiti ng si Yna ang caller na iyon. Agad ko itong sinagot.
"Hello?! Yna?! Makakapunta ka ba sa birthday ko?!" Natutuwang pag sagot ko sa tawag nito.
[Happy birthday, April..]
"Awhh, Thank youu!" Natutuwang sabi ko rito. "Ano? Makakapunta ka ba?! Miss na miss na kita!"
[P-pasensya na pero.. alanganin eh. Hindi ko magawang makaalis ngayon] malungkot ang tono nito sa kabilang linya.
Nang dahil doon ay agad na napalitan ang mood ko at nalungkot.
"G-ganun ba.. bakit ba kase umalis ka?! Nakakainis ka naman eh!" Naiiyak na sambit ko rito.
[Sorry .. babawi nalang ako pag balik ko]
Pag katapos niyon ay agad niya ng pinatay ang tawag na agad kong ikinaiyak. Ito ang first time na ang isang matalik kong kaibigan ay wala sa birthday ko. Si Victor kase expected naman na makakapunta siya.
Napag pasyahan ko na lamang na mag ayos ng aking sarili dahil wala na akong magagawa pa kung hindi siya makakapunta. Nandito na 'to, naka ayos na lahat sa baba at ayaw kong ma disappoint si Mommy kapag umayaw ako.
Sa huli ay natuloy ang party. Naging maayos ang lahat.. masaya naman at nandito ang ilang classmates ko. Nandito rin yung lima at masaya ako dahil nagawa rin nilang mag attend sa birthday ko.
"Naku, ayan na teh!" Natutuwang sabi ni Victor.
Hindi ko alam kung anong biggest surprise daw na sinasabi niya. Nag announced na ang MC at medyo na excite rin ako sa surprised na iyon.
"Okay, One.. Two.. Three!" Sigaw ng MC habang nakangiti.
At mula sa back stage ay lumabas si Daddy na ikinanlaki ng mata ko. Agad akong napatayo sa tuwa ng makita siya.
"Go na baby girl! Go and hug your daddy na!"
Agad naman akong tumakbo papalapit kay Daddy at niyakap siya sa sobrang tuwa. Umangat ako ng tingin dito.
"Happy Birthday, Baby.." nakangiting bati niya sakin.
"Thank you, Dad. But you never said you'll be home?" Nakangusong sabi ko rito na ikinatawa niya.
"It's a surprise.."
"At meron paaa!" Sigaw ng MC na ikinagulat ko. Tinignan ko si Daddy pero ngumiti lang siya. "Ang message niya sakin bago daw siya lumabas ay sana 'wag mo daw siya awayin" Natatawang sabi ng MC sakin na ikinangiwi ko pero tumawa rin.
Agad na nanlaki lalo ang mata ko ng makita ko si Yna! Naka black skirt, white blouse with cute bunny head band. Nakangiti ito habang dala ang isang bouquet at lumapit sakin.
Hindi ko napigilan na hindi mapaluha kaya tumalikod ako saglit habang natatawang mahina siyang hinampas.
"Ang sabi hindi ka dadating.." naiiyak na sambit ko dito na bahagyang tumatawa.
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...