A/N: Tagal ko di nakapag update. Sorry hahaha, nabusy lang
YNA'S POV
Palabas na ako ng bahay at nakita ko na si Harvey sa labas ng gate. Malungkot ang mukha kong lumapit dito at walang imik na kanya namang ikinakunot ng noo na mukhang kaagad niya itong nahalata.
"Bakit ganiyan itsura mo?" Takang tanong niya.
Napakamot ulo na lamang ako."Wala naman.. first time ko lang na hindi kasabay mag breakfast sila Mawiee at Pawiee. Nag ka emergency sa trabaho ni Mawiee kaya maaga siyang umalis. Hayss.." malungkot na pag ke-kwento ko rito.
Kahapon din ay hindi namin naabutan ni Zion sila Mawiee. Hanggang ngayon ay busy sila. Si Zion ang nag hatid sakin pauwi kahapon kahit na duty ni Ice ngayon kuno sa pag hatid sundo sakin. Pinag bigyan ni Ice ito dahil nga mag papaalam si Zion kila Mawiee at Pawiee kaso busy ang mga ito ng tinawagan ko.
"Kumain ka ba ng maayos?" Tanong nito sakin at umiling ako. Bumuntong hininga siya at saka sumampa sa motor, inalalayan ako nito sumakay. "Sumakay kana, baka malate pa tayo.." sabi niya kaya kumilos na ako.
Ilang minuto lang ng pag di-drive ay tumigil kami sa isang mini mart sa isang village malapit sa school namin. Bumaba kami at pumasok doon. Mag tataka na sana ako kung bakit pero ang tanga ko naman para hindi maisip na may bibilhin si Harvey dito.
"Ano bang bibilhin mo?" Tanong ko sakanya habang nag pipili sa mga pag kain.
"Ano bang gusto mong kainin?"
"H-huh?"
"I mean.. hindi ka kase ata nakakain ng maayos kaya 'eto gusto kitang bilhan ng pag kain. Anong gusto mo?" Tanong niya kaya naman napangiti ako.
He's so kind..
"Kahit ano nalang diyan.. basta 'wag madami kase busog naman na ako.." nahihiyang sabi ko rito na mahina niyang ikinatawa.
Tumango na lamang siya at ako naman ay hinintay siyang mag bayad. Sa labas na kami kumain. Habang kumakain ay nag tanong si Harvey.
"So.. nakapag paalam na ba kayo kila Tito at Tita?" Tanong niya sakin at umiling naman ako.
"Busy sila, kaya sabi ko sa susunod nalang."
"Hindi pa nila alam?"
"Hindi pa.." sagot ko rito sabay kagat ng tinapay na may cheese dog don.
Mahina siyang tumawa at tinignan ang oras sa wrist watch niya saka umangat ng tingin sakin.
"Mamaya.. ako naman ang mag hahatid sayo pauwi 'diba? May pupuntahan tayo.." aniya na ipinag taka ko.
"Saan naman?" Kunot noong tanong ko rito habang hinuhuli ang tingin nito ngunit inaayos niya ang helmet niya.
Bigla siyang dumukwang upang tulungan ako mag ayos ng helmet at dahil naka harap ako sakanya ay muntikan ng mag lapit ang mga labi namin, napasinghap ako. Mabuti nalang at bahagya niyang iniwas iyon at madaling naayos ito.
Ngumisi siya sakin at hinawakan ang chin ko saka biglang inilapit ang mukha niya sakin na this time ay sinasadya niya talaga.
"Don't you know that I'm starting to get addicted to your scent?" Tanong nito saka lumapit sa may bandang leeg ko at bumulong. "I like your perfume.."
Teka si Harvey ba talaga 'to?
Sa pag kakaalam ko ay mabait si Harvey, hindi masyadong madaldal at simple lang. Pero these past few days, yung mga pinapakita niya.. ang possessive niya at yung way ng pag tingin niya sakin... Kakaiba.. parang.. gusto niya akong kainin, I mean, basta parang may kakaiba talaga sa mga mata niya na hindi ko maintindihan.
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...