YNA'S POV
After that crazy confession. I feel like I'm so free. Tama nga sila Tita, ako lang ang nakakaalam ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sakin ng gabing 'yon basta't sinunod ko lamang ang tinitibok ng puso ko and I think that I really like Ice at hindi ko lamang ito napapansin or pinag tutuonan ng pansin.
Kahit pa sinabi kong mas pipiliin kong maging crush si Zion kesa sakanilang lahat. Well totoo 'yon but I have a strange feeling everytime I look at Ice. Siya rin ang unang naging kaclose ko.. (sort of) at hindi ko maide- deny na kakaiba talaga ang kagwapohan niya over his friends.
I mean, gwapo silang lahat oo. Pero bukod kay Lhester at Zion? Si Ice ang may pinaka magandang ngiti na nakita ko.Arghh! Simula talaga ng gabing 'yon ay sinampal ako ng katotohanan! Palagi ko ng naiisip ang mga nangyaring bagay noon na simpleng nakikitaan ko si Ice ng pag hahanga. Tss, eh kase naman never kong naexperience ang love- love na 'yan! Tapos ng may nag kagusto naman sakin sakit sa ulo ang ibinigay.
Naniniwala na talaga ako kila Tita ngayon! Na hindi mo basta- basta maipapaliwanag na gusto o mahal muna ang isang tao, basta alam mo lang sa puso at sa sarili mo na gusto mo siya! Na mahal mo siya! Arghh ang korniii kooo!
"Hey Yna!" Nanlaki ang mata ko ng marinig kong sumigaw mula sa 'di kalayuan si Dave.
Nang makalapit siya sakin ay nginitian ako nito saka hinawakan ang kamay ko. Nag taka naman ako kaya hindi ko mapigilan na hindi mag tanong.
"Bakit? Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko rito.
"Basta, sumunod ka sakin!" Excited na sabi nito kaya naman agad na rin akong nag pahila sakanya.
Mukha kasing good news ito at maganda dahil tuwang- tuwa siya. Nag taka ako kung bakit dumeretso kami sa music room pero bago pa man ako makapag salita ay pumasok na kami at unang bumungad sakin sila Lhester, Zion at Harvey na inaayos ang mga instrumento doon. Napakagat labi na lamang ako ng makita sa maliit na stage si Ice habang busy sa pag a-ayus ng mic.
"Anong meron?" Tanong ko sa mga ito.
Umangat ng tingin si Harvey. "Oh, Yna. Nandito kana pala!"
Tumigil naman si Lhester sa pag ayos at tumingin sakin saka ngumiti. "Sasali kami sa contest."
"Eh?"
"Psh. Have you lost your memory last month ago? Hello? Meron tayong event sa school next week at kailangan ng representatives o mga sasali ng music competition." Paliwanag naman ni Zion.
Napakamot ulo na lamang ako saka tumango na lang sakanila. Nang tinignan ko si Ice ay nag tama ang mga mata namin na agad ko namang ikina-iwas ng tingin dahil sa pakiramdam ko matutunaw ako ngayon sa kinatatayuan ko.
"So.. dahil kami mag pa-play ng music." Tinuro ako ni Lhester sabay ngisi. "Ikaw kakanta" aniya na ikinagulat ko at agad na umiling.
"H-ha?! Nababaliw kana ba? Ayoko 'no! At tsaka.. h-hindi ako marunong kumanta!" Pag tatanggi ko rito.
"Sige na, narinig ko kahapon yung.. Aking kana langg~ akin kana laangg~ ang dinarasal sa araw-araw~" Pang aasar nito sakin sabay tawa ng makita ang nakasimangot kong ekspresyon.
"Oh c'mon. Inaasar kita pero maganda ang boses mo, Yna.""Really? You heard her sing?" Curious na tanong ni Ice at parang na amazed ito ng malaman iyon.
"Yeah haha.. she's too good at it." Nakangiting sabi ni Lhester.
"Sus, pumayag kana Yna. Tsaka ngayon lang kami ulit sasali sa ganito.." sabi naman ni Harvey.
"Oo nga, atleast ngayon kasama ka na namin" dagdag naman ni Dave kaya naman nilingon ko siya.
"Marunong ka tumugtog ng instrument?" Takang tanong ko at hinarap silang lahat. "I m-mean, lahat kayo marunong?" Tanong ko sa mga ito habang sila naman ngayon ang naguguluhan. "Okay then.. sali ako" nakangiting sabi ko sa mga ito na talaga namang ikinangiti nila ng lubos.
Narinig kong tumugtog ng piano si Ice sa isang tabi. Kinuha ko ang chance at umakyat ako ng stage. Medyo alam ko ang kantang tinutugtog niya kaso sa chorus lang. Hinawakan ko ang mic saka sinabayan ito.
SAYO by: Silent Sanctuary
"Kaya mo bang.. isigaw~ iparating sa mundo~" kanta ko na ikinatigil nilang lahat.
Maging si Ice ay napatigil sa pag piano at napaangat ng tingin sakin. Nginitian ko siya saka binigyan ng sign na ituloy niya, tumango naman ito habang nakangiti.
"Tumingin~ saking mata~ mag tapat.. ng nadarama~ 'di gustong.. ika'y mawala~ dahil handa akong ibigin ka~ kung maging tayo.. sayo na ang puso ko~"
Natapos ang kanta at nakatitig lang sila sakin kaya natawa ako.
"Bakit ganyan ang itsura ninyo? Ngayon lang kayo nakarinig ng ganon kapangit na boses?" Natatawang tanong ko sakanila.
Umiling si Zion. "No! We heard an angelic voice"
"D@mn it, why you're hiding your talent?" Tanong naman ni Harvey.
"I told you guys.. I heard her last day" sabi naman ni Lhester.
"Psh.. ano ba yung itutugtog natin?" Tanong ko sa mga ito, iniiba ang usapan.
"Well.. we're still thinking about it." Sabi ni Lhester kaya tumango na lamang ako.
Nag practice muna kami gamit ang kantang Heaven Knows. Medyo alam ko naman iyon kaya pumayag na ako. Nag enjoy ako, super. First time ko kasing makakasali sa ganito, nakaranas naman ako sumali sa singing contest noon sa baranggay namin tapos 2nd runner up lang ako. Pero ganitong parang banda tapos kasama kupa yung mga kaibigan ko talagang nakaka enjoy, hehe.
Kinakabahan nga rin ako. Isipin mo yung ibang mga estudyante ay talagang ayaw sakin, malandi daw ako tsaka inaakit yung lima kaya nangyaring naging mabait sila sakin. Hindi ko sila masisisi kase minsan na mamangha pa rin talaga ako dahil parang kaibigan na talaga ang turing nila sakin.
Masaya akong naayos namin muli ito. Hindi nila ako tinigilan at nag effort para lang mapatawad ko sila. Ang sarap sa pakiramdam na malaman kong may pakialam talaga sila sakin at mahalaga ako sakanila. Gusto kong maiyak sa tuwa tuwing naaalala ko kung gaano sila kabadboy dati hanggang sa unti- unti na silang nagiging mabait.
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...