Dedicated to maecally Thank you for always supporting my story, mwuah.😸🥳
YNA'S POV
Wala kaming imikan na tatlo sa kwarto habang nag uusap-usap sila Lhester, Ice at Dave. Pag katapos mangyari ang aksidente kanina ay hinila ako ni Harvey pabalik sa kwarto at iniwan si Zion doon pero sumunod din ito maya maya.
Katabi ko si Ice at Harvey habang si Zion ay nasa harap ko katabi niya naman si Dave at Lhester.Tumingin ako sa bintana. "Bakit kaya sobrang lakas ng ulan— WAAAHH!" napasigaw ako bigla at napayakap kay Ice ng biglang kumulog.
Umangat ako ng tingin sakanya at ngumiti lang sakin si Ice. Napanguso ako at ng muling kumulog ng malakas ay mas lalo akong lumapit at yumakap sakanya. Isiniksik ko ang sarili upang mabawasan ang takot.
[FLASHBACK~]
Malakas ang ulan kaya hindi pa ako makaalis sa kinatatayuan ako.
Nasaan na kaya si Kuya? Huhu sana ayos lang siya..
"Hoy babae!" Napaigtad ako at napalingon kila Enzo.
Lagot! Nandito na naman yung mga bully!
Napalunok ako at napayuko. Kasabay ng pag lapit nila ay ang pag kikilat at pag kulog ng malakas dahilan upang mas lalong matakot ako.
Nang makalapit na sakin si Stacey kasama si Enzo ay bigla akong tinulak ni Stacey kaya napaupo ako sa sahig.
"Bakit nandito ka pang basura ka ah?! Ano? Wala 'yong Kuya mo 'no?" Nang aasar na sabi nito habang nakangisi pa.
Matapang ko silang tinignan. "P-pupuntahan ako ni K-kuya! Lagot kayo sakanya!" Singhal ko sa mga ito.
Mapaklang tumawa si Enzo saka tinadyakan ako sa tyan dahilan para mapahawak ako doon at mapaubo.
"Itigil niyo 'yan! Don't you dare bully my sister!" Sigaw ni Kuya sa 'di kalayuan.
Ikinumpas ni Enzo ang kamay sa ere at nanlaki ang mata ko ng lumabas ang mga ibang kasamahan pa nila.
"K-kuyaaaa! Tumakbo kana! Kaya ko pa!" Umiiyak na sigaw ko sakanya.
Humalakhak si Stacey at inutusan ang dalawang lalaki na hawakan ako. Nang napipigilan na nila ako habang hawak ang kamay ko ay hinila ni Enzo si Kuya papunta sa field. Dinala nila kaming dalawa doon.
"WAAAAAGGGGG!" napahagulhol ako sa iyak ng biglang pinag susuntok at pinag sisipa nila si Kuya. "KUYAAAAAAA!" umiiyak na pag tawag ko sakanya at mas lalong sumikip ang dibdib ko ng makitang sumuka ng dugo si Kuya.
Mukhang natakot ang grupo nila Enzo kaya binitiwan na ako at tumatawang umalis sila. Agad akong tumakbo papalapit kay Kuya at niyakap siya, nag hihingalo ito.
"K-kuyaaa.. 'wag mukong iwan please! Ikaw nalang ang kakampi ko, Kuya!" Umiiyak ako habang niyayakap siya. Sinubukan kong humingi ng tulong, mabuti nalang at nakita kami ni Teacher Giselle.
Ngunit habang sakay palang si Kuya sa ambulance ay nawalan na ito ng buhay..
[END OF FLASHBACK-]
"Shh.. Yna, tahan na.." hinahagod ni Ice ang likuran ko habang humihikbi ako.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang mahigpit ang yakap ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...