Chapter 20

144 9 0
                                    

A/N: Sorry ngayon lang ulit nakapag update WHAHAHAHA send kasipagan kase😪 tinatamad ako these days pero ehe exciting itong chap na 'to.

Enjoy!😚



DAVE'S POV

Dinala ko si Yna sa isang malapit na park dito. Medyo natagalan pa kami bago makapunta doon dahil lumiko ako sa isang street. Ayoko dumaan sa bahay nila Ice dahil paniguradong mang gugulo lang iyon saaming dalawa kapag nakita kaming dumaan doon.

Hindi sa pagiging selfish pero pareho lang silang dalawa ni Yna na makulit, kay Yna palang nga ay nakukulitan na ako tapos dadagdag pa si Ice.

Nakaupo si Yna sa may bench malapit sa mga batang nag lalaro, natutuwa siya habang pinag mamasdan ang mga ito. Lumapit ako sakanya matapos igarahe ang bike niya katabi ng mga ibang bike.

"Ang cute nila oh" natutuwang sabi ni Yna patukoy sa dalawang batang nag hahabolan habang tawang tawa sa isa't isa.

Napangiti din ako ng kaunti at umiwas ng tingin. Yeah they are cute.. but I can't stop myself to feel jealous about them. They are so lucky to have sweet siblings and caring parents.. 'cause I never felt that way, I never felt to be love anyway.

"Uy!"

Nagising ang diwa ko ng tinapik ni Yna ang balikat ko na kanina pa pala ako kinakausap ngunit lutang ako kakaisip.

"Ba't ayaw mo sumagot? Suplado talaga 'to.." aniya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"May iniisip lang ako"

"Eh, ano naman iniisip mo?" Tinaasan niya rin ako ng kilay kaya napaiwas akong tingin at mahinang natawa.

I can't deny that she's cute when she's doing that kind of expression. But I only said a compliment to her.. I'll never fall in love to Yna..

Such a clumsy? Childish? Short girl? Talkative? And bossy? No way.. and another fact. She's like a penguin when she's mad.

Pftt.. ano ba pinag sasabi ko

YNA'S POV

Tignan mo itong lalaking 'to.. kung hindi mag susungit ay tutulala at hindi mamamansin. Haystt, bakit kaya may mga taong ganto 'no?

Pero bago 'yan may naisip akong gawin ngayon since wala namang pasok hihi. Tapos nandito na rin naman si Dave.

"Psst.." tinapik ko ang balikat nito kaya nilingon niya naman ako. "Samahan mo ako"

"Saan naman?" Takang tanong niya sakin.

"Uuwi muna ako tapos samahan mo ako mag mall, hihi. May bibilhin lang ako" nakangiting sabi ko rito para pumayag siya.

Sana lang tumalab charms ko sakanya..

Kumunot ang noo nito at tinaasan ako ng kilay. "No."

Napangiwi ako. "Eh? Bakit?! Hindi ba ang sabi mo mag sabi lang ako kung saan ko gustong pumunta?" Tanong ko sakanya. Ngumuso ako at nag pa cute sa harap nito.

Napapikit siya ng mariin sa frustration saka ako muling tinignan at tumango.

"Oo na, sige na. Tss.." parang napipilitang sabi nito kaya naisip ko pang pag tripan siya.

Nag kunwari akong nasasaktan at umiwas ng tingin habang malungkot ang ekspresyon sa mukha.

Tinapik ako nito.

"Huy.. ginagawa mo? Akala ko ba gusto mong samahan kita?" Inip na tanong niya.

"Huwag na.. mukhang napipilitan ka lang rin naman eh"

Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon