A/N: it's very very confusing talaga!
YNA'S POV
Gabi na at nakatitig ako ngayon sa labas habang tinatanaw ang mga bitwin at buwan sa langit. Napabuntong hininga ako saka tinignan ang cellphone na hawak ko. In-open ko iyon at maraming messages ang nag si- datingan simula pa ng araw na umalis ako.
Maging sila Mawiee at Pawiee ay nag te-text at nag aalala dahil sa wala akong paramdam simula ng umalis ako ng maynila.
Isa-isa kong binuksan ang mga messages nila at puro iyon tanong tungkol sa aking kalagayan at kung nasaan ako. Pero bigla akong natigilan ng makita ang message ni April.
From: April
Ano ka ba, Yna umuwi kana
Nag aalala kami sayo
Gusto ko sa birthday ko nandito ka!
Birthday? Mag bi-birthday na siya?
Hindi ko magawang matiis si April kundi I-text pero nag t-type palang ako ay nagulat ako ng mag ring ang phone ko at nakita ko kaagad ang caller.
Ice..
Napalunok ako at nag aalangan kung sasagutin ko ba ito. Kinakabahan ako baka mag kakasama sila. Pero... In the other side sinabi ni Ice na kailangan ko na muna talaga ng pahinga dahil sa mga nangyayari. Tingin ko naman ay hindi niya sasabihin na nakausap niya ako.
Kaya naman.. sinagot ko ang tawag niya.
Hindi ako umimik at wala rin kaingay- ingay ang kabilang linya. Nag taka ako at akmang mag sasalita na sana ako ng mag salita siya.
[I miss you..]
Nang dahil doon. Halos sumabog na ang puso ko, para akong shunga na biglang napangiti dahil sa narinig ko. Teka, bakit ba ako kinikilig. Nakakainis naman!
"B-bakit ka napatawag?" Lakas loob na tanong ko rito.
ICE'S POV
Nakaupo ako at nandito sa terrace habang nakatitig sa buwan at mga bitwin sa langit. Nakangiti ako habang inaalala ang mga araw na makulit si Yna at yung araw na galit siya. Everything about her is.. so cute.. I don't even know how it started but I guess it's because of that day that I grab her and I was angry that time.
FLASHBACK-
Kwenelyuhan ko si Yna dahil sa inis. Ni wala pang babae ang gumawang sumampal sakin. Siya na nga itong may kasalanan samin siya pa ang mayabang at matapang ngayon.
"Ano? Kaya mo? Paano kaya kung ipaalam ko sa buong school na ang isang campus crush ay nanakit ng babae? Hindi ako masisindak niyang mukha mo kahit pa gwapo ka.." bulong niya sakin habang nakatitig sa mga mata ko, hinahamon ako nito.
Natigilan ako saglit at pinagmasdan ang buong mukha niya. Naramdaman kong parang bumibilis ang tibok ng puso ko, napalunok din ako.
As I look at her cute small face I noticed her brown eyes, with pointy nose and sweet red kissable lips. Her chubby cheeks that making her so cute at this moment and her scent.
Fvck, what am I doing?
Dahan-dahan akong kumalma at dahan-dahang binitiwan siya. Bigla ako nakaramdam ng hiya at guilt kaya ako nag lakad paalis.
END OF FLASHBACK-
That was the first time that I felt guilty of hurting a girl. As I look on her innocent eyes.. I'm weak. Her smile, her laugh, her cute face reaction when she's mad. All of her gives me weakness..
Sa pag iisip na iyon ay hindi ko alam pero bigla ko na lamang siyang tinawagan. At bigla akong napaayos ng upo at nanlalaki ang mata ng marinig kong mag ring ang phone ko.
Teka.. natatawagan kuna siya?!
Kada kase tawagan namin ito ay cannot be reach o kaya naman kaagad na napuputol ang linya.
Sa sobrang tuwa ko ay hindi ko na magawang makaimik ng bigla niya itong sinagot. Wala rin akong ingay na naririnig mula sa kabilang linya at mukhang ako talaga ang unang mag sasalita.
"I miss you.."
Fvck, ba't yun ang nasabi ko?!
[B-bakit ka napatawag?]
Halos mag collapse ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang napakagandang tinig ng boses niya sa kabilang linya. Halos sasabog na ata ang puso ko sa tuwa at kilig dahil sinagot niya ang tawag ko.
Tumikhim muna ako bago nag salita. "K-kumusta?.. Ilang araw na ah.. umuwi kana.." malambing na sabi ko rito para lang maconvince ko na umuwi na siya. "I really want to see your face badly."
[Bawal pa..]
"Bakit naman? Miss kana namin. Hindi na kami magiging pasaway.." mas pinalambing kupa ang boses ko na animo'y parang bata na gusto ng candy.
[Uuwi rin ako pero ilang araw pa..] aniya sa kabilang linya kaya napalabi ako.
"Daya mo naman.. pero alam mo ba, alam na namin ni Dave location mo, hmm? Do you want a surprise?" Nang aasar na sabi ko rito.
It's not blackmailing but I guess I need it para matakot siya at umuwi nalang.
[H-huh? Pano niyo nalaman?!]
"Secret." Sabi ko rito saka tumawa ng tumawa. "Kapag hindi ka umuwi pupunta kami diyan at bibitbitin ka namin pabalik dito, hahahaha" natatawang sabi ko rito.
I could barely imagine her face right now. Salubong ang kilay at nakanguso. Haystt, I really miss her. She really drives us crazy. she tricked us in her charm.
[Wag kang manakot Mark Ice Santilian, dahil hindi muko madadaan sa ganyan]
"D@mn. Did you just pronounced my name with your angelic voice. Ang ganda pakinggan kapag binibigkas mo ang pangalan ko Maria Yna Reyes.." sabi ko rito na may bahagyang pang aasar.
Wala akong narinig mula sa kabila. Hindi siya umimik kaya nag taka ako.
"Uy, ayos kalang?"
[Matutulog nako. B-bye.. G-Goodnight] pag kasabi niya 'non ay agad niyang pinutol ang linya kaya napakamot ulo na lamang ako.
YNA'S POV
Whoooo! Para na talagang sasabog ang puso ko ano mang oras!
Natulala ako sa cell phone ko habang nakaupo sa sahig at hawak-hawak ang dibdib ko sa sobrang lakas ng pag tibok nito. Ayoko man isipin ito pero bakit kapag kay Ice kinikilig ako ng sobra na ewan, para akong t@nga. Ayaw kong isipin na... May gusto na ako sakanya.
Tama nga sila Tita Rosalinda at Tita Marie. Malalaman mo ang kinaibahan ng nararamdaman mo. Marahil kikiligin ka sa iba pero mas iba pa rin ang pakiramdam ng totoong nagugustuhan mo ang isang tao. At hindi ko rin magawang maipaliwanag 'yon.
"T-teka.. i-ibig sabihin ba nito.. may gusto ako kay Ice?!" Wala sa sariling tanong ko habang nanlalaki ang mata ko at nakahawak pa rin sa dibdib ko ang isa kong kamay.
Hindi pwede!
Pero... Paano ko rin nasabing gusto ko siya? Paano ko nalaman ang pag kakaiba kapag isa kila Lhester ang kasama ko o kausap ko?! Haysstt!! Sobrang nas- stress na naman ako! Nakakainis ka naman Ice eh! May patawag- tawag kapang nalalaman. Psshhh!
Bahala na si Darna!
---
SINO BA TALAGAAA?!!!
Team Zion
Team Ice
Team Lhester
Team Harvey
Or
Team Dave
Nako, balakayodiyan.
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...