YNA'S POV
12:46 A.M. na pero hindi pa rin ako makatulog. Katabi ko si Chester at patuloy lang ako sa pag haplos dito at pinag mamasdan siyang matulog.
FLASHBACKS-
"Yna.. what do you want to make you believe.. that I'm crazy in love with you?" Bulong niya sa tenga ko na nag pahina ng mga tuhod ko.
Sinalo niya ako at tumawa lang siya ng makita ang kalagayan ko.
"S-sira ka ba, Zion ha?!" Inis na singhal ko at pinag hahampas siya kahit wala akong lakas.
Nakahapit ang isa niyang kamay sa bewang ko at ang isa ay hinuli ang kamay kong hinahampas siya. Ngumisi ito at ibinaba ang kamay ko saka ako niyakap.
"H-hoy! B-bitaw!.."
"I like you, Yna.. At kahit anong gawin mo, kahit anong sabihin mo sa sarili mo. Gusto kita. Gusto kita, Yna.. uulitin kupa ba? Gusto kita. Hindi ko alam kung paano nangyari at kung paano mo nagawang maakit ang atensyon ko. Hindi ko alam kung saan at kung kailan nangyaring nahuhulog nako sayo. I'm unconditionally inlove with you Yna. I'm not joking, keep that in mind.."
~~~
"P-para saan 'to? Para saan 'tong lahat, Harvey?" Naguguluhang tanong ko sakanya.
Hindi niya ako sinagot. Hinawakan niyang muli ang kamay ko saka hinila ako patungo sa mas gitna ng garden. Humarap siya sakin saka ngumiti.
"I know you have issues with Zion right now. Hindi ka pa nakaka move on simula ng sinabi niyang gusto ka niya. A-ahm.. tsk, dapat hindi kuna 'to sinasabi. Pero ang gusto ko talagang sabihin..." Seryoso niya akong tinignan sa mata na talaga namang nakapag patigil sakin. "G-gusto kita, Yna. Gusto kita.. from that accident kissed. I already fell.. ayaw ko lang muna aminin sa sarili ko pero oo. I like you. I'm jealous about you and Zion. I like you, Yna. That's why I brought you here to say this to you."
"Harvey.."
"I know it's hard to process that in your mind but the one thing is.. I'm damn serious Maria Yna. I like you.. a lot.."
~~~
"So you don't believe me?" Seryosong tanong niya. "Don't be little my feelings for you, Yna. Iba yung kila Zion at Harvey! Iba rin yung nararamdaman ko!"
"Hindi Lhester, eh. Parang pinag ti-tripan—"
"I LIKE YOU! That's the truth. Okay? I haven't done this from a girl before, I haven't introduce them from my special uncle before, even my ex who once drive my crazy— but you?! You have gone me more crazy! What did you do?! Halos mabaliw na ako ng ilang gabi, Yna. Kakaisip kung bakit ganito nararamdaman ko tapos ngayon hindi mo ako paniniwalaan?!"
END OF FLASHBACKS-
"ARGH.. ano ka ba, Yna?!" Inis ako napasabunot sa sarili kong buhok at bahagyang gumulong- gulong sa higaan.
Sobrang frustrated na ako kakaisip sa mga sinabi nila. Lahat ng 'yon, nakatatak na ata sa isipan ko. Nakakainis naman! Kung kailan meron akong kaibigan, may gusto naman sila sakin. Anong klaseng pag kakaibigan 'yon? Pag kaka- ibigan? Psh!
Inis ko na lamang na inilagay ang unan sa mukha ko at saka pinilit na matulog. Sa wakas ay dinalaw na ako ng antok at hindi na muling naalala ang mga sinabi nila sakin.
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...