YNA'S POV
Nakasimangot ako habang nakaupo sa tabi ni Zion. Kumakain sila ng pinabili nilang pag kain saakin. Hindi kuna nga nabili lahat dahil sa dinudumog kami ni Ice ng mga estudyante doon. Nakakairita din pakinggan ang sinisigaw nila na pinag halong pangalan namin.
"Oh, ayaw mo?" Alok ni Ice sakin ng royal.
Iniripan ko siya. "Sayo na. Tss.."
"Sorry na love oh.. hindi ko naman sinasadyang malaman nila.." malambing na sabi nito sa tabi ko na halata namang inaasar ako.
Lalong kumot ang noo ko sa inis at tumayo. Tumabi ako kay Harvey at hindi siya pinansin. Ayon, tumatawa na naman ang loko dahil nasisiyahan sa itsura ko.
"How could the two of you be in a relationship? Ice, do you like Yna?" Takang tanong ni Harvey na kanina pa niya paulit ulit tinatanong sa sobrang pag kacurious nito.
Tinignan kong masama si Harvey na ikinatahimik niya.
"Sinabi ng tumigil eh.." inis na sabi ko dito. "Hindi nga kami okay?! Mukha bang papatulan ko ang gunggong na 'yan! Mas sisikmurain ko pang maging crush si Zion 'no!" Singhal ko at maya maya ay napatigil sila.
"Ano?!" Sabay sabay na gulat na sabi ng mga ito.
Nagulat din ako sa sinabi ko at nilingon sila. Agad akong umiling upang sabihing nag kakamali lang ang mga ito pero binigyan ako ni Harvey ng nanunuksong ngisi.
"Ayiiieee! Crush niya si Zion!" Pang aasar nito sakin na ikinainis ko.
"Mga bwisit talaga kayo!" Sigaw ko sa inis.
Nag simula na rin mang asar si Dave at Ice habang si Lhester ay pangiti ngiti lang pero halatang nang aasar din naman. Si Zion naman ay hindi maipinta ang mukha at... Teka nag bu- blush siya?!
"Hoy love pinag papalit muna ako sa mukong na 'to?!" Kunyaring nasasaktan na tanong ni Ice.
"Ikaw Yna ah, wala kang sinasabi na may natipuhan ka rin naman pala saaming lima.. but I'm glad that it's Zion, mabait siya at caring.." sabi ni Dave. Seryoso lang ang pag kakasabi niya pero alam ko namang hindi at nag bibiro lang siya.
"Shhhh! Shut up! Tumigil kayo!" Naiinis na singhal ko at tumayo. "Wala akong nagugustuhan sainyo okay?! Hindi ko rin crush si Zion sinabi ko lang 'yon para asarin si Ice" paliwanag ko sa mga ito pero tinawanan lang nila ako.
Napapikit ako ng mariin sa sobrang frustration at akmang mag lalakad paalis ng hinawakan ni Lhester ang kamay ko.
"You can't leave.. mamaya na." Sabi nito.
"At bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Dito kalang muna"
"Para ano? Para asarin niyo?"
"Exactly!" Singit ni Ice na kaagad kong pinukol ng masamang tingin.
Napakamot ulo si Lhester at hindi na umimik.
Tuluyan akong bumaba ng building na iyon. Hindi ko alam kung bakit ba naiirita na naman ako sakanila. Nag desisyon akong kunin ang loob nila at sundin ang mga utos nila pero ang hirap kase pikon ako eh. Paano ko ba makukuha ang loob nilang umayos na sila sa mga buhay nila, tignan mo nakatambay sa roof top hindi nag attend ng first class.
Siguro susubukan ko munang alisin ang pag kapikon ko. Lalo na kay Ice na panay ang pang asar sakin. Susubukan ko sigurong ituring silang kaibigan..
Paano naman? Tropa tropa ganon?
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...