Chapter 35

116 11 1
                                    

Dedicated to RhianneJoyBersamin Thank you po for always supporting my story🥺💙.





YNA'S POV

Pag karating namin sa school ay hindi kuna hinintay si Zion. Lumabas na ako ng kotse sa kadahilanang nakita ko sila Victor at April. Umakbay ako sakanilang dalawa upang gulatin sila.

"Ay palaka!" Singhal ni Victor sa pag kagulat.

"Baliw kang babae ka! Bakit ka nang gugulat?!" Sabi naman ni April at mahina akong hinampas.

Natawa na lamang ako sa reaksyon nila na talagang inaasahan ko.

"Tara na, baka malate na tayo!" Sabi ko sa mga ito at akmang hihilahin sila ng marinig ko ang pag tawag ni Zion.

"Yna! Sandali!" Sigaw nito na ikinalingon ko, hinarap ko siya at hinintay na makalapit sakin.

May tinatago pa itong bagay sa likuran niya na hindi ko makitang maayos kung ano, basta kulay pink iyon at malaki.

"Bakit? May problema ba?" Takang tanong ko rito.

Siniko naman ako ni April na para bang inaasar ako at kinikilig naman si Victor.

Tumikhim siya bago nag salita. "I know it's not a perfect time and a perfect place to ask you this but.. C-can I court you?" Nahihiyang sabi nito sabay labas ng isang bagay na hawak niya sa likod niya, bouquet of pink tulips.

"H-ha?" Natutulala ako dahil sa sinabi niya at napalingon sa paligid. Ngayon ay pinag kakaguluhan na kami..

"Halaaaaa! Si Zion at Yna?! Omg!"

"Sis tignan mo! Si Zion manliligaw daw kay Yna!"

"Waaaaahhhhh! I can'ttt! Please!"

"Babyyy Zion koo, taksil kaaaa!"

Ang ilan sakanila ay kinikilig at ang iba naman ay nag sipag iyakan na para bang may patay, napangiwi na lamang ako dahil sa mga reaksyon nito. Habang sila April at Victor naman ay halos mag sabunutan na sa sobrang kilig.

"P-pwede ba akong manligaw.. Yna?" Tanong muli ni Zion na talagang sigurado ako ngayon na hindi ako nabibingi sa tinatanong niya.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko alam ang isasagot. Hindi na rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Yes na 'yan!"

"Ayieeeehhhh! Mag papaligaw na 'yan!"

"Yna, 'wag kang mag inarte! Jusko! Isang Zion Mace Alcantara ang nag tatanong sayo!"

"Kung ako Yna sasagutin kuna siya agadd waaaahhhh!"

Napakamot ulo ako at nilingon sila April at Victor. Maging sila ay nag ta-thumbs up sakin tanda ng mag yes na daw ako. Kinakabahan kong nilingon si Zion bago humingang malalim.

"K-kung gusto mong ligawan ako.. si Mawiee at Pawiee ang sasagot niyan.." sabi ko sakanya na ikinanganga ng lahat.

"Yna?!" Gulat na tanong ni Victor.

"Pero Yna! Hindi naman sila ang mag de-desisyon eh, ikaw." Sabi naman ni April kaya napayuko ako at muling hinarap si Zion.

Napabuntong hininga ako at tumango. "Sige na.. payag na ako basta mag papaalam pa rin ako kay Mawiee at Pa—"

"Yesss!" masayang sigaw ni Zion sa sobrang tuwa at napayakap sakin.

Bigla namang nag sihiyawan ang mga tao sa paligid namin. Tinapik ko ang balikat ni Zion kaya naman napalayo ito sakin at bahagyang napakamot ulo.

Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon