ICE'S POV
She really do amazed me. Oh, fvck. I can't help it she's too good earlier, with a mad face she can still be pretty. She's cute and beautiful all the time, brave, independent and strong woman. I think I really fall harder and loving her more now.
Nag lalakad ako sa field dahil hinahanap ko si Yna. Umalis na siya sa clinic matapos ihatid si Trina. At ngayon ay hinahanap ko siya para sabihin ang bagay na matagal ko ng gustong sabihin.
But I guess this is not the right time. Nakita ko si Yna malapit sa isang puno.. kausap si Harvey. And they are laughing, happy to each other. I don't want to disturb them.. maybe I'll just say it next time.
YNA'S POV
Pag labas ko ng clinic ay nakita ko si Harvey. Ngumiti siya sakin kaya nag taka naman ako pero bago pa man ako makapag tanong ay hinila niya na ako.
"Bakit?" Takang tanong ko sakanya habang hinihila pa rin ako nito.
Nakaabot kami sa kabilang building kung saan walang masyadong tao. Nasa ilalim kami ng puno ng hinarap niya ako saka ngumiti.
"Nandito ako para sabihin na... Pinapalaya na kita!" Aniya na ikinanlaki ng mata ko.
Seriously para siyang.. shunga.
I mean. Siya lang yung nag paubaya nag palaya or whatever sa taong nagugustuhan niya ng nakangiti?
"U-uhm?.. M-mabuti 'yan! Alam ko naman na simpleng pag hanga lang 'yang nararamdaman mo. Maging ang mga kaibigan mo ay mag sasawa rin sakin at sasabihin din 'yan." Sabi ko rito saka ngumiti.
"Nako hindi ah!"
Agad akong natawa dahil sa pag tanggi niya kahit alam kong totoo iyon.
"Bakit ka tumatawa?"
"Eh kase nag sisinungaling ka kahit iyon naman ang totoo" natatawang sabi ko rito.
Nakalimutan kuna ang bagay tungkol sa pag tripan silang lima at hindi sila papansinin. Sobrang namiss kong makipag biruan sakanila lalo na dito sa isang 'to.
"Tss. Si Lhester? Si Zion at si Ice? Seryoso ang mga 'yon sayo!"
S-si Ice?
"Psh. Si Ice? Ni- hindi ko nga siya naalalang nag confess sakin, eh?" Sabi ko rito saka tumawa.
"Gusto ka ni Ice.." seryosong sabi nito. "Matagal na kaming mag kakaibigan at ganun siya, hindi siya madaling mapaamin pero nararamdaman namin na gusto niya ang isang babae. At tsaka! 'Wag ka ngang maging manhid, pakiramdaman mo naman ang mga nasa paligid mo maraming nag kakagusto sayo!" Dahil sa sinabi ni Harvey at tinignan ko naman ang ibang mga lalaki sa paligid ko.
Ang iba ay hindi naman, pero yung iba? Panay sulyap sakin, yung iba naman ay parang nag seselos (pero hindi ako nag a-assume, ah) at yung iba ay nag papacute. Napakamot ulo na lamang ako.
"Psh. Hindi ako manhid 'no" iniripan ko ito na ikinatawa niya.
"Hindi nga, medyo lang"
Napailing iling na lamang ako saka tumalikod at iniwan ito. Sumunod siya sakin sa pag lalakad hanggang sa makarating kami sa hall kung saan patungo sa swimming pool.
"Samahan mo muna ako" aniya na ikinatango ko na lamang.
Pag pasok namin sa hallway ay agad na nanlaki ang mata ko ng makita ang mga petals sa baba, may mga balloons at may banner sa harapan ko.
Sorry Yna
Takha kong tinignan si Harvey pero nag kibit balikat lamang ito saka nginitian ako. Pag lingon kong muli ay nag lakad papalapit sakin isa- isa sila Lhester, Ice, Zion at Dave. Binigyan nila akong lima ng bulaklak habang nakangiti.
Kailangan ba talaga dito?
Pero sabagay. Kung doon sa maraming tao ay magiging maingay, mabuti nalang at pinili nilang dito kung saan sarado ngayon ang clubs at walang dumadaan dito ng ganitong oras.
"Sorry Yna.." sabay- sabay na sabi ng mga ito habang nakapalibot sakin.
Tulala lang akong tinignan sila isa- isa saka umiwas ng tingin at tinignan ang bulaklak.
"B-bakit.. bakit kailangan pa nito? P-psh, nag gastos pa kayo." Sabi ko sa mga ito, hindi pa rin magawang ibaba ang pride.
"You are our princess. Of course we will do anything for you, besides kulang pa 'yan sa pag papaiyak namin sayo.." seryosong sabi ni Lhester na tipid kong ikinangiti.
"We're so sorry, Yna.." mahinang sabi naman ni Dave.
"What should we do to make her happy?!" Takang tanong ni Zion. Ngumisi siya. "Dapat ba kaming.. sumayaw?" Nakangiting tanong niya sabay giling ng katawan.
Muntik na akong bumigay pero dahil gusto kong makita kung anong gagawin nila ay tiniis kong matawa at nag taray- tarayan pa rin.
"Ayaw niyang ngumiti, oh" sabi naman ni Ice saka pumorma. Akala ko kung ano ang gagawin pero bigla itong kumanta ng malakas. "Sorry naaaa~ wag ng magalit paaa~ hindi namannn.. sinasadyaa~" Muli, muntik na akong matawa lalo na't wala naman sa tono ito.
Agad siyang binatukan ni Lhester. "Ang baduy mo." Inis na sabi nito pero nagulat kami ng bigla siyang lumuhod saka nag acting na parang umiiyak. "Aming mahal na prinsesa! Patawarin mo kami sa aming kasalanan, 'wag mo sana kaming ipapatay!" Aniya habang hawak ang isa kong kamay.
"Sus. Ano ba 'yang ginagawa niyo?" Natatawang tanong ni Dave sabay baling sakin. "I bet you more like this one, Princess.." nakangising sabi nito sabay labas ng Ice cream na hindi ko alam kung saan nang galing ito.
Agad akong napalunok ng makitang favorite flavor kupa ito. Argh, not my weakness.
"Alam mo, Yna.." inakbayan ako ni Harvey. "Simple lang 'yan eh. Papatawarin mo kami o papatawarin mo kami. Madali lang naman hindi ba? Baka gusto mo pang..." Sandali niyang pinutol ang sasabihin saka may kinalikot sa phone niya. Nagulat ako ng tumugtog ang budots sa cellphone nito. "Mag budots kami?"
"H-ha?" Natatawa kong tanong.
"Oy! Natawa na siya" natutuwang sabi ni Ice.
"Ngingiti na 'yannn" pang aasar naman ni Zion.
Pero dahil nag play na ang music ay tinuloy pa rin nila ang balak. Sumayaw ang mga ito ng parang mga shunga, nag budots nga sila at dahil doon ay tuluyan akong natawa.
"Mga baliw! Ano bang ginagawa niyo?!" Natatawang tanong ko sa mga ito habang sinasayawan ako.
"Kunyari kapa, sumayaw kana lang din!" Nakangiting sabi ni Dave na hindi natitigil ang tawa dahil sa kalokohan nila.
"Hindi namin alam kung anong ginawa mo saaming babae ka!" Singhal ni Lhester habang tawa ng tawa at enjoy na enjoy sa pag sayaw.
"Ewan ko sainyo.." napapailing na sabi ko sa mga ito saka inilapag ang mga bulaklak sa isang maliit na box sa gilid at sinabayan ang mga ito.
"Whoooo! Yun oh!" Natatawang sigaw ni Zion saka mas lalong pinag igi ang pag sayaw.
Hindi ko mapigilan ang tumawa ng tumawa sa mga ginagawa nilang dance moves at sa sarili ko. Maging ako ay nabudol nila at napasayaw. Hindi ko talaga maitatanggi na kakaiba rin minsan ang mga kalokohan ng limang ito, pero ganun pa man ay sobrang saya ko kapag kasama ko sila.
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...