Chapter 49

105 9 0
                                    



HARVEY'S POV

Lahat kami ay nag aalala kay Yna. Hindi namin siya naabutan sa bahay nila, ang sabi ni Tita ay pumasok na daw ito kaya ang buong akala namin ay nauna na siya.

I'm so fvcking worried right now that I can smashed this test papers in front of me. We're having a quiz but we can't stop thinking of her. Tinanong na namin kanina si April at Victor ngunit wala ito sa classroom nila at wala silang alam sa nangyayari sa pagitan naming lahat.

Nang matapos ang klase at lunch break na kanya- kanya kami sa pag hahanap kay Yna. Kung saan-saan kami nakapunta para lang hanapin siya. Kahit tirik ang araw ay wala akong pakialam basta mahanap lang siya, tiyak rin na malalagot kami kila Tita at Tito nito kapag nalaman nilang dahil saamin kung bakit nag kakaganito si Yna.



YNA'S POV

"Hindi ako umiinom.." sabi ko rito at tipid na ngumiti.

"Ah, sige.. mabuti 'yan, ang bait mo talaga" nakangiting sabi ni James.

Kung sino siya? Siya si James Reid. Charot lang hahaha. Si James na kababata ko noon sa dati naming bahay sa probinsya noon. Mabait siya at kadalasan naming kalaro ni Kuya. Nakita ko siya kanina habang nasa bus ako tapos naisipan kong 'wag na muna pumasok, 'eto niyaya niya akong pumunta sa bar house niya.

"May problema ka ba? Kanina kapa mukhang matamlay eh" sabi nito kaya napailing ako.

"Pretty issues lang" sabi ko rito saka tumawa.

"Ay wow" namamanghang aniya saka tumawa.

"Hahaha biro lang" natatawang sabi ko rito.

"Pero seryoso. Kanina sa bus parang hindi ka talaga okay eh, tapos tignan mo.. hindi ka pa pumasok malalagot ako nito kila Tito." Aniya habang may mukhang nag aalala.

"Wala.. stress lang sa school"

Hindi niya ako makapaniwalang tinignan. Mula ulo hanggang paa at saka ako tinawanan.

"Ikaw? Stress sa school? Eh, ikaw nga laging top 1 noon satin eh"

"Ibahin mo yung school ko ngayon. Mga matatalino nandoon.." sabi ko dito at napakibit balikat na lamang siya.

"Kung sabagay.. iba ang probinsya sa syudad." Sabi nito sabay inom ng kanyang wine.

Maya't maya pa ay narinig kong nag ring ang phone ko. Nang tinignan ko iyon ay agad na nanlaki ang mga mata ko ng may red warning doon. Someone's tracking your location, make sure it's someone you know. Sabi nito sa screen.

"Sino 'yan?"

"E-ewan.." sagot ko rito at agad na inayos ang mga gamit ko.

"Bakit? Anong nangyayari Yna?" Takang tanong ni James.

"Kailangan ko ng umalis—"

"You're late." Napatigil ako ng marinig ang pamilyar na boses.

Agad akong napalingon sa main door at abot ang kaba ko ng masilayan silang lima lahat na nakatayo doon. Waaaah! Nahanap nila ako!

"Yna.. kilala mo ba sila?" Tanong ni James na mukhang nag aalala sakin.

Hinawakan nito ang braso ko at itinago sa likuran niya. Nakita naman iyon ng lima at mukhang gusto na nila itong suntukin base sa pag tingin nila kay James.

"A-ahm.. oo kilala ko sila 'wag kang mag alala." Sabi ko kay James at kumalas sa pag kakahawak niya.

Bumulong siya sakin. "Hindi ako sigurado sa itsura nila Yna. Puro sila lalaki at baka natatakot ka lang mag sabi sakin, sabihin mo.. hindi mo naman sila kilala hindi ba?" Tanong niya kaya napabuntong hininga ako.

Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon