APRIL'S POV
"April, tara na teh may mga bibilhin pa tayo" sabi ni Victor kaya tipid akong ngumiti at tumango.
Saturday ngayon at sakto bukas birthday kuna. I'm wishing Yna will be there. Kahit wala ng maraming gifts or bonggang party basta magiging masaya lang ako kapag nandiyan si Yna.
Papunta kami ngayon ni Victor sa mall ng biglang tumawag si Mommy. Agad ko itong sinagot habang nasa loob pa kami ng coffee shop.
[Hey sweetie. Sorry, mommy's a little bit busy. But don't you worry, hmm? 'Wag kanang bumili ng mga gamit na kakailanganin mo dahil meron na akong inihanda para sa 16th birthday mo. I wanted it to be special and celebrate your sweet sixteen.] Aniya sa kabilang linya na ikinagulat ko at ikinatuwa.
"Really Mom?!"
[Yeah, sweetheart. I'll do it for you..]
"Awhh! Thank you!" Natutuwang sabi ko rito.
[Sige na, mag enjoy ka muna. Hang out with friends for awhile. I love you, baby]
"I love you too, Mommy!"
Nang matapos ang call ay humarap ako kay Victor na ngayon ay naiinip na.
"Oh, bakit todo ngiti kana. Kanina lang ang tamlay mo" taas kilay na tanong nito sakin.
"Eh kase nga si Mommy na bahala sa birthday ko bukas! Hihi"
"Akala ko ba ayaw mo ng bongga dahil nga baka hindi makapunta si Yna?" Takang tanong nito.
"Gsga hindi 'yon ang iniisip ko 'no! Iniisip kong may free time ako ngayon wala akong gagawin" nakangiting sabi ko rito at napailing na lamang siya.
"Bakit mo ulit subukang tawagan si Yna? I- text mo" aniya na ikinairap ko.
"Ilang beses na ako nag me- message wala nga eh, tsaka hindi sinasagot mga tawag ko ng babaeng 'yon" inis na sabi ko rito.
"Hayst, ano na kayang nangyayari sa babaeng 'yon? Kalerki ha, balita ko simula ng araw na nawala si Yna girl ay nag away-away daw yung lima teh!" Aniya na ikinasimangot ko.
Agad ko siyang binatukan na agad niya namang ikinareact.
"Aray ko teh ha!"
"Late kana sa balita! Alam ko na 'yan, umalis si Yna para mag isip- isip kase nga biruin mo yung lima may gusto sakanya" sabi ko rito pero iniripan niya ako.
"Oo na!" Mataray na sabi nito. "Pero ang swerte ni Yna ano? May perpektong pamilya at may mga chupapi pa na umaaligid- aligid sakanya" aniya habang nakatukod ang mukha sa kamay.
Binatukan ko itong muli na ngayon ay ikinaingos niya na ng sobra at sa inis ay hinampas niya ako.
"Ano kaba?! Hindi mo ba naalala na kwenento niya tungkol doon sa mga nambubully sakanya sa dati niyang school?! Anong perpekto doon? Tss. Oh, tapos yung Kuya niyang namatay dahil sa bullies.. masakit 'yon, Victor!"
"It's Victoria!" Singhal niya. "Alam mo yung masaket?! Yung Victor ang pangalan ko pero mas keri ko si Victoria teh! Kaya yun ang itawag mo!" Sabi nito at kunyaring umiiyak kaya napailing iling na lamang ako.
ICE'S POV
Muli kaming nag kasundo- sundong lima. Napag usapan namin na hindi na muna mag fo-focus sa panliligaw kay Yna pag uwi niya kundi humingi ng tawad dito. Napag pasyahan rin namin na 'wag siyang gambalain at hayaan na mag bakasyon hanggang sa makauwi ito.
"You want some coffee?" Tanong ni Harvey pero umiling ako.
"Nah, busog pa naman ako.." sagot ko rito habang busy sa pag kalikot ng laptop.
Nandito kami ngayon sa mansyon. Hindi naging madali na papuntahin sila dito pero mabuti nalang at himala ng Diyos nag kasundo- sundo kami.
"How long we are going to wait 'till Yna came back?" Naiinip na tanong ni Zion.
Lahat kami ay napakibit balikat dahil sa tanong niya. Wala kaming ideya kung kailan.. hanggang ngayon ay talagang pinag sisisihan pa rin namin ang nangyari. Masyadong nag focus sa pag kapanalo habang si Yna ay gulong-gulo na.
Maya't maya pa ay sabay-sabay na may tumunog sa mga notifications ng phone namin. Agad ko din tinignan ang message na iyon at ito'y galing kay April.
From: April
You are invited to Maria April De Vera's sweet sixteen!
May 9 at residence of De Vera's.
We are hoping to see you there!
Agad kaming nag katinginan. Birthday nga pala ni April bukas.. at kung kaarawan niya man ay malamang pupunta si Yna.
"Are you guys thinking what I'm thinking?" Tanong ni Zion.
"I don't think so.. I'm thinking how handsome I am." Mayabang na sabi ni Harvey na kaagad naming binato ng unan at tumawa ito.
"What if dumating bukas si Yna? Hindi pwedeng hindi siya pumunta sa birthday ng kaibigan niya" sabi ni Dave na ikinatango naman nila.
"Pero paano kapag hindi niya alam?" Tanong naman ni Lhester.
"Yun lang. Pero sigurado naman akong alam niya iyon.. like what Ice said nakausap niya na si Yna. So it means makikita na nito mga message sakanya." Sabi ni Zion kaya tumango naman ako.
"Paano nga kapag hindi siya pumunta?" Tanong ni Harvey habang hawak ang baba at napapaisip.
"That will never happen.. imposibleng mawala si Yna sa importanteng event na 'yon." Sabi ko rito.
Tama. Imposible. Sobrang close na siya kila April. Ito ang una niyang naging kaibigan dito sa campus at unang nag malasakit sakanya ng siya ay nag iisa. Imposibleng hindi siya pumunta..
"Kung pupunta si Yna.. then we will be there" sabi ni Lhester saka ngumiti.
"Pero paano kung mag pakita si Yna kay April lang?" Tanong muli ni Harvey.
Agad siyang binato ni Zion ng isa pang unan na ikinatawa niya.
"What?" Natatawang tanong ni Harvey dito.
"Stop making fun of us. You're making me overthink about it" sabi ni Zion rito pero tinawanan lang siya ni Harv.
"Sana lang ay nandoon si Yna." Bulong ko sa sarili..
YNA'S POV
Abala ako sa pag iimpake ng lumapit sakin si Tita Rosalinda. Hinawakan niya ako sa kamay at ngumiti siya sakin.
"Sigurado ka bang ayaw mo ng mag pahatid sa mga pinsan mo sa terminal?" Nakangiting tanong nito at tumango naman ako.
"Ayos na po ako. Alam ko naman na ang pabalik, tsaka maaabala ko pa ho kayo" nakangiting sabi ko rito.
"Basta.. ang sabi namin sayo. Sundin mo lang 'yang puso mo" aniya sabay turo sa dibdib ko sa may bandang puso. "Hindi madali pero malalaman mo rin kung sino sakanila. Nakakalito talaga.."
Napangiti naman ako saka hindi mapigilan na mapayakap sakanya.
"Aba, may yakapang nagaganap bakit hindi ako kasali diyan, ah?" Singit ni Tita Marie na pareho naming ikinatawa.
Lumapit siya samin at niyakap ako. "Alagaan mo rin ang sarili mo doon ah? 'Wag puro love life" sabi nito na ikinatawa ko.
"Oo naman, Tita"
"Osya, baka maiwan kapa ng bus" nakangiting sabi ni Tita Rosalinda.
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...