YNA'S POV
Nakasakay ako sa motor ni Harvey. Papunta kami ng mansyon nilang lima kuno. Tinawagan ko si Mawiee na maya't maya pa ako makakauwi mabuti na lang pinayagan din ako nito.
Nakayakap ako ng mahigpit sa bewang ni Harvey habang nasa byahe. Kahit nung bata pa ako ay hindi ako sanay na sumakay dito, paminsan minsan lang noon sa probinsya kapag niyayaya ako ng mga pinsan kong yayamanin.
Nauna na yung apat doon, sinundo lang talaga ako nitong si Harvey-tsokolate.. bakit chocolate? Kase kanina pinabitbit niya yung bag niya sakin ng pababa kaming hagdan tapos ayon hindi ko mapigilang hindi buksan yung bag niya kase amoy chocolate. Pag bukas ko ang daming chocolates sa bag, pero yung dairy milk at galaxy talaga yung gusto kong kunin. Hihi.
Ilang street lang naman at medyo malapit nga lang din saamin bago namin marating iyon. Grabe, talaga nga namang mansyon 'yong bahay. Ang laki, tapos minsan lang sila pumunta diyan kapag nag bo- bonding lang ang mga ito.
"Uy Yna!" Pag tawag sakin ni Ice ng makita akong pumasok sa main door kasama si Harvey.
"Dito tayo.." sabi naman ni Dave at sinamahan ako papuntang sala.
Napangiwi nalang ako ng pag pasok ko pa lang naamoy ko na ang alak sa maliit na mesa.
"Tss. Maupo ka na, minsan lang kami uminom" sabi ni Lhester.
Napatingin naman ako sakanya. Mukhang badtrip ang pareng Lhester niyo ngayon, ano kayang nakain nito.
Napakibit balikat na lamang ako at naupo sa tabi ni Zion na ngayon ay walang imik habang kumakain ng dingdong na chichiriya.
Binuksan ko nalang ang cellphone ko at unang bumungad sakin ang mga notifications sa Facebook ko. Kaya naman iyon ang una kong binuksan pero imbes na matuwa sa dami ng messages ay nagulat ako at hindi nakaimik ng makita ang mga negatibong komento sa profile ko. Mga message through pm and about doon sa nag post ng nasa roof top ako na nag pupulot ng basura.
Comments...
: WHAHAHA feeling naman niya ang ganda niya tapos namumulot din naman pala ng basura, iw 🙄
:Ay omg!😲 Si Yna ba 'yan? Takte HAHAHA go girl, support ako sa katangahan mo sa buhay 😂
:Ayan kasi binabangga yung lima, akala niya naman cool siya
: Dzuh masyadong pasikat 😒
:Hay nako, wag kayo mag aksaya sa isang tulad niyang gold digger 🤑
:TIGNAN NIYO TIMELINE KO NANDOON LIVE KANINA NG PAG SABUNUTAN NILA NI AIRA! ANG INTENSE GRABE, ANG YABANG NG YNA PORKET SAKANYA KAMPI YUNG LIMA! 😠
Napapikit nalang ako ng mariin at hindi namalayang may mga butil ng luha na tumulo mula sa mga mata ko. Pinunasan ko ang pisngi ko at tinignan ang lima, nakita ako ni Dave kaya napakunot noo ito.
"Hey, are you crying?" Takang tanong ni Dave at lumapit sakin saka hinawakan ang baba ko para iharap sakanya.
Umiling ako. "H-hindi, napuwing lang ako"
Nakita ko namang pinukol ng masamang tingin ni Lhester si Harvey.
"Anong ginawa mo sakanya bakit umiiyak 'yan?" Seryosong tanong ni Lhes kay Harvey.
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...