YNA'S POV
Nandito kaming lahat sa isang malapit na coffee shop. Kasama ko yung lima at nag ke-kwentuhan kami, napag pasyahan kase namin na 'wag munang umuwi pag katapos ng klase. Maaga pa naman kaya pumayag ako.
"Pero sino ba yung nakaisip 'non, ha? Para kayong mga timang hindi ba kayo napapagod kakasunod sakin kanina?" Natatawang tanong ko sa mga ito.
"Well.. it's supposed to be my idea for myself! Pero dahil gusto rin nila mag sorry ay sinamahan na nila ako sa plano ko." Napapakamot ulong sabi ni Zion na ikinatawa ko.
"Pftt. Hay nako.."
"Ubusin muna 'yan. May pupuntahan tayo.." sabi ni Lhester na ikinakunot ng noo ko.
"Saan naman?"
"Sa amusement park!" Natutuwang sabi ni Ice, parang bata itong excited na excited.
"W-what?! You know I'm afraid of heights!" Reklamo naman ni Dave na ikinatawa namin.
Hmm.. afraid of heights?
May naisip na naman akong kalokohan kaya tumango ako at mabilis na tumayo na ikinagulat niya. Itinaas ko ang dalawang kamay at tumalon.
"Tara naaa!" Natutuwang sabi ko sa mga ito na bahagyang ikinatawa ni Harvey dahil sa itsura ko.
Pano ba naman kase maraming tao tapos para akong shunga dito. Sa wakas ay tumayo na rin sila. Pumapalakpak pa ako ng palabas kami dahil sa excited na akong maka sakay sa rides.
Sumabay ako kay Ice at agad kaming tumungo sa pinaka malapit na amusement park. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa labi sa ganda nito lalo na pagabi na, marami- rami na rin ang mga tao. Hinihintay namin sila Zion at Dave dahil ang tagal ng dalawa. Napanguso na lamang ako ng ilang minuto pa kaming nag hintay.
"Bakit ba ang tagal niyo?" Nakangusong tanong ko sa mga ito.
"W-wala.. may binili lang ako" naiilang na sabi ni Dave saka nauna ng pumasok ng gate.
Nag lakad na sila at sumunod sakanya habang ako ay tulala at gulat na nakatingin sa nahulog na gamot sa bulsa niya.
Teka.. pampaalis ng hilo?
Pftt. Bumili siya nito para lang makasakay rin? Alam niya na siguro na pipilitin ko rin naman siya kaya ata napabili ito. Mahina na lamang akong natawa saka sumunod na sakanila.
Marami kaming booths na sinalihan at ang saya ko ng nabigyan ako ng dalawang teddy bear nila Lhester at Ice. Nanalo kase ito doon sa palaro, lahat ng balloons ay napaputok nila kaya naman yung prize ay ibinigay sakin.
Sumakay kami ng caterpillar, yung sa barko- barko thingy tsaka yung perris wheel. Sobrang nag enjoy ako lalo na si Lhester at Dave na ngayon ay tinatawanan namin dahil panay ang suka sa isang tabi.
"Hahahaha! Ang saya!" Natatawang sigaw ko saka humarap sakanila. "Oh, ano suko na ba kayo?" Natatawang tanong ko sa mga ito.
Ngumisi si Ice. "Doon tayo sa isang booth" nakangiting sabi niya sabay turo sa may bandang dulo.
Kumunot ang noo ko dahil hindi kupa nakikita kung anong mga nandoon. Pero dahil gusto kupa naman ay tumango ako, muli akong nag taka ng tumawa si Ice at Harvey dahil sa pag tango ko.
Anong meron?
———
"WAAAAAAAAHHHH! WAAAAAGGG! WAAAAAHHH!" Umiiyak na sigaw ko ng halos mahawakan nako ng white lady.
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...