YNA'S POV
"A-aray ko.." naiiyak na sambit ko ng biglang diniinan ni Dave ang pag lapat ng bimpo sa kamay kong may sugat.
"Dapat binugbog pa namin iyon eh, kung hindi mo lang kami pinigilan." Sabi ni Dave habang busy sa pag gamot ng sugat ko sa kamay.
"Sinabi ko naman sayo.. kanina pa 'yang umaga pag breakfast ko. Hindi naman nila ako nasaktan, 'diba dumating naman kayo on time? Hehe" pinipilit kong palitan ang mood nila pero seryoso pa rin ang mga ito.
"Hindi mo dapat nilalagay sa pahamak ang sarili mo. Nandito naman kami, tawagin mo kami kapag kailangan" sabi ni Zion saka tumabi sakin. "Just call me Love at darating ako on time.." nakangiting sabi niya at tinaas baba pa ang kilay.
Dahil doon ay iniripan ko siya at umiwas ng tingin dito. Nandito kami sa kabilang building. Ang akala ko ay de-deretso kami sa classroom dahil nag ring na ang bell but sadly dinala nila ako dito tapos nakita pa ni Lhester itong sugat ko kaya naman pinagamot niya ito kay Dave.
"Umayos ka nga!" Singhal ni Harvey kay Zion sabay batok dito kaya natawa na lamang ako.
"Bakit ba?! Selos ka naman!" Inis na sabi ni Zion dito sabay ingos at hindi ito pinansin.
"Para kayong mga bata. Ang mabuti pa tumigil na kayo at ihatid na natin 'to si Yna sa room niya.." sabi ni Lhester habang busy sa pag punas ng sarili niyang sugat sa kamay dala ng pakikipag suntukan kanina.
"Psh, ihatid? Eh, late na ako paano niyo pa ako magagawang ihatid sa room ko, ha? Gusto niyo bang mapagalitan ako?" Taas kilay na tanong ko sakanila.
"Pwede 'yon.." singit ni Ice na nakaupo sa kabilang table habang ang paa nito ay naka patong sa mesa.
"As long as kami ang kasama mo.." sabi ni Zion at ngumiti.
——
Nakapikit akong mariin habang nasa likuran ako ni Lhester at Dave. Kinakausap kase nila si Miss Sandoval dahil na late ako sa klase ko. Si Ice naman ay nakahawak sa braso ko habang bahagyang pinipisil iyon upang pakalmahin ako.
"I told you, we're just having an urgent that's why she missed a few minutes." Matapang na sabi ni Lhester na para bang wala lang sakanya at kasing edad namin ang kausap niya.
Lumapit naman si Zion doon sa unahan at siya ang nakipag usap sa teacher ko.
"May problema lang ho kanina, baka pwedeng papasukin niyo na si Yna kase kung hindi kayo ang hindi papasok simula bukas." Sabi ni Zion dito sabay tumawa ng sarkastiko. "Ayaw niyo?" Nilingon niya si Ice. "Favor please? Pakisabi kay Tito may sasabihin ako." Aniya patukoy sa Tito niyang Principal ng school na 'to.
Nang tinignan ko ang teacher ko ay parang natauhan siya at tumango. Parang natakot siya bigla sa sinabi ni Zion. Nang tinignan ko naman ang mukong ay nakangiting kumindat ito sakin kaya napailing iling na lamang ako.
"Hindi ka naman pala mahirap kausap eh.." sabi ni Dave sabay talikod na paalis ng kwarto.
Tinapik naman ni Harvey ang balikat ko at nag paalam ng aalis na sila. Ngumiti na lamang ako saka dahan- dahang naupo sa upuan ko at walang imik. Tinignan ko ang teacher ko na ngayon ay nahihiyang tumingin saamin saka nag simula ulit mag lesson.
Napakamot ulo na lamang ako saka nakinig ng lesson. Umabot ng uwian at hindi na ako nakapag hintay, sasamahan namin si Victor sa mall para naman malibang ito. Pag labas namin ng building ay saktong nakasalubong namin yung lima.
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...