CHAPTER 02

79 4 1
                                    

JEMA

Nakikinig kami sa pa speech ng Coach namin sa locker room. Nakapikit akong nakikinig dahil ngayon ko lang naramdaman ang pagod.

Ouch.

Napadilat ako dahil my pumitik sa ilong ko.

Maligo kana at amoy araw ka.

Mabilis ko namang inamoy ang sarili ko.
Pero alam kong niloloko lang ako ni Seulgi ng malakas itong tumawa.

Tangina ka. Sabi ko sa kanya na walang sound

I love you too. Sagot lang niya na malokong ngumingisi

Infairness kinikilig ako. Pero hindi ko yun dapat ipakita sa kanya.

Nagshower na ako ng marealize kong hindi na pala nagsasalita si Coach. Kaya siguro pinitik ako ni Seulgi, dahil nakaidlip ako ng hindi ko alam.

Matagal ko ng crush si Seulgi. Siguro noong maliit pa kami. Kaya ako nahilig sa Volleyball dahil sa kanya, dahil gusto kong kunin ang atensiyon niya.

Pero hindi ko akalaing magiging ganito ako kagaling. And i owe it to her. Ang tiyaga niya kasi sa pagtuturo sakin.

Saya natin ah. Dahil ba yan sa naging MVP ka? Inakbayan niya ako habang naglalakad kami palabas ng Arena

May dinner celebration kasi kami sa isang restobar. Bitbit niya din ang Bag ko.

Hindi ka ba masaya na nanalo tayo? Tanong ko

Syempre masaya. Ginulo pa niya ang buhok ko at nauna ng maglakad

Ganyan siya, turing niya kasi sakin nakababatang kapatid. Dahil nag iisang babae siya sa pamilya nila.

Hintayin mo naman ako. Paglalambing ko sa kanya at huminto talaga ako

Tinawanan niya naman ako pero binalikan naman niya ako at inakbayan ulit.

Kaya tayo napagkakamalang magjowa dahil napaka clingy mo sakin. Pero okay lang. Cute ka naman. Sabi pa niya sakin

Cute lang? Reklamo ko

Hmmmm. Okay. Cute ka. Panloloko niya ulit and this time tumakbo na ito at agad na sumakay sa kotse niya

Iiwanan ka namin ni Mang Nestor! Sigaw niya ng ibinaba niya ang bintana

Kaya napatakbo na lang ako at agad na tumabi sa kanya sa backseat.

Sundan niyo na lang po yong school bus Mang Nestor. May celebration po kami. Bakikan niyo na lang po kami mamaya. Mukhang matatagalan po kami. Bilin niya sa Driver

Okay po Maam. Sagot naman ng Driver

Alam mo Mang Nestor, alam kong hindi ka pa po senior citizen eh. Ilang beses ko po bang kailangang ulitin na ayokong tinatawag akong Maam. Nakakapanget po. Reklamo niya

Eh kasi baka mapagalitan ako pag narinig ako nila Madame na tinatawag ka sa pangalan mo Maam. Katwiran naman ni Mang Nestor

Wala naman sina Mommy. Kami lang ni Jema ang andito. Sagot naman ni Seulgi

Nakakabawas pa sa pagiging pogi niyo yong Maam? Natatawang sabi ni Mang Nestor

Oo naman po. Parang ang tanda ko pati. Seulgi na lang po. Nagkakaintindihan ba tayo?

Opo Seulgi. Sagot naman ni Mang Nestor na napapangiti na lang

Parang mga nakawala ang team mates namin ng bilhan ni Coach ng Red wine at Champagne ang grupo.

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon