CHAPTER 08

51 2 0
                                    

SEULGI

Tahimik lang ako sa loob ng kotse.

Bakit badtrip ka ata? Puna ni Irene

Kasama ko sila ni Jema at Jennie. May kotse naman kasi si Joy kaya doon na sumabay si Nayeon at Solar.

Wala lang ako sa mood. Sagot ko

Nasa frontseat si Jema.

May sakit ka ba? Tanong naman ni Jennie

Umiling lang ako.

Hindi ko din maintindihan sa sarili ko kung bakit mainit ang ulo ko ngayon.

Ano'ng oras ba meeting natin bukas? Tanong ko kay Jema

Alas 3. After class.

Tumango lang ako, sumandal na lang ako at pumikit.

Ano'ng pakulo yun Jen? Tanong ni Jema sa kapatid

Pakulong alin?

Yan. Tinanggap mo yong flowers, tsaka pa meryenda.

Lalo akong nabadtrip ng ipinaalala pa ni Jemalyn.

Walang gana akong pumasok sa kwarto pagdating sa bahay. Kinapa ko ang puso ko... Nagseselos ba ako?

Napabuga na lang ako ng hangin at naligo. Baka sakaling mawala ang pagkabadtrip ko..

Ginawa ko na muna ang homework ko. Maaga pa naman kaya mamaya ko na lang ipagpapatuloy yong research paper na project ko.

Nang biglang may kumatok....

Yow, may naghahanap sayo.

Sino?

Babain mo or papasukin ko dito? Tanong ni Kuya

Sino nga?

Si Jennie.... Nakangiti ang sabi ni Kuya, crush kasi niya si Jennie

Mabilis akong napatayo at agad na tumakbo palabas ng kwarto ko...

Hi. Sorry nakaistorbo ba ako?

Ah, hindi naman. Ano yan? Tanong ko dahil may bitbit siyang pagkain

Banana Cake. Di ba nagrequest ka sakin?

Agad na namilog ang mga mata ko. Si Mommy kasi mahilig magbake noon, pero naging busy na ngayon. Mataas siguro ang standard ko sa Banana Cake dahil wala pa akong namain na kasingsarap sa gawa ni Mom.

Ahhhmmm. Gusto mo bang umakyat sa kwarto ko? Nahihiya kong tanong. Ayoko kasing madatnan kami ni Mommy

Okay lang ba? Nahihiya din niyang sagot

Oo naman. Kuha lang ako ng kutsilyo. Teka.

Parang naging si The flash ako sa bilis kong tumakbo.

Tara. Kinuha ko muna ang dala niya at nauna ng umakyat

Ano yan? Hinihintay pala kami ni Kuya sa labas ng kwarto ko

Banana Cake. Pero mamaya ka na. Akin to eh. Sagot ko

Basta Banana Cake ang damot mo. Sabi lang ni Kuya at nahihiya pang tumingin kay Jennie

Ano pang ginagawa mo dito? Sama ka sa loob? Tanong ko para mahiya lalo siya

Ahhh. Hindi ah .. sige Jen.

Salamat nga pala Kuya.

Naubo ako bigla dahil tinawag niyang Kuya si Kuya. Napakamot tuloy ng batok si Kuya. Na Kuya zoned....

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon