CHAPTER 139

42 2 0
                                    

DEANNA

Ako na naman ang nasisi.

Bakit kasi sa dinami dami ng tao si Jennie pa ang inimbita mo? Alam mong andun ako? Panglimang tanong na niya sakin

Beh naman. Kahit ano pa man ang issue ninyo magkapatid pa din kayo. Tsaka Birthday naman yun ng pamangkin ko, inaanak naman niya yun.

Kahit na. Alam mong hindi kami okay Deanna!

So dahil hindi kayo okay dapat bang magalit din ako sa kanya kahit wala naman siyang kasalanan sakin? Tsaka Beh, hindi naman siya ibang tao. Kaibigan naman siya ni Ate at ni Lisa.

Kahit kailan talaga hindi ka gumagamit ng utak mo!

Parang below belt na ata ang sinabi niya

Oo na Jema! Ako na ang bobo! Ako na ang tanga! Oo, ikaw na ang matalino! Ikaw na ang magaling! Ikaw na ang perfect! Ang liit ng issue pinapalaki mo! Problema yun ng pamilya ninyo, and hindi ko ugaling makisawsaw kahit na Girlfriend kita! Kung makapagsalita ka naman akala mo may pinatay na akong tao eh! Napakataas ng tingin mo sa sarili ko porket ikaw na ngayon ang CEO ng kumpanya ninyo!

Tinalikuran ko na lang siya.

Teka nga! Bigla niyang hinila ang braso ko

Kelan ba ako nagmalaki sayo Deanna? Lahat nalang ng sinasabi ko binibigyan mo ng ibang meaning.

Totoo naman eh! Akala mo ba hindi masakit sakin na tawagin mokong tanga? Na hindi ginagamit ang utak? Kulang na lang sabihin mo na napakabobo ko! Tao ako Jema, marunong naman akong masaktan! Kung stress ka sa trabaho ako na lang parati ang punching bag mo. Pero pag ako ang may concern sasabihin mo lang nag iinarte lang ako at tamad lang ako na gawin yun. Kung pagod ka sa trabaho, pagod din ako! Hindi lang naman ikaw ang katawaN eh! If your tired hinahayaan naman kita sa tuwing ayaw mong nagpupunta ako sa bahay ninyo, pero pag ako ang pagod at gusto kitang makita or makasama para mawala naman ang pagod ko ano ba ang parati mong sinasabi? Ang arte ko, ang dami kong alam. Ang OA ko. Hindi naman ako nagdedemand ng more time from you eh. Kahit konting oras lang naman okay na ako eh.

I'm sorry.

Sige na. Busy ka pala. Baka sisihin mo na naman ako na hindi mo natapos dahil mas ginusto kong makipagbangayan sa yo ngayon. Goodnight.

Mabilis na akong tumalikod. Umuwi muna ako sa bahay para ayusin ang mukha ko. Ayokong mapuna nila na galing ako sa iyak.

Si Jennie at Lisa lang nadatnan ko sa patio. Sa gilid na kasi ako dumaan, hindi na ako pumasok sa bahay.

Kayo na lang dito? Nasaan na si Seulgi?
Pinasigla ko na lang ang boses ko

Kausap ang Ate mo. Antagal mo naman. Ilang steps lang naman ang bahay namin. Sagot ni Jennie

Umuwi pako eh. Tumawag si Mommy.
Palusot ko na lang

Akala ko nga hindi ka na babalik eh. Sabi naman ni Lisa sabay abot ng baso

Pwede ba yun? Minsan na lang natin nakakasama si Jennis at Seulgi kaya hindi pwedeng palampasin.

Kamusta naman kayo ni Jema? Hindi na ba kayo nag aaway?

Mapait akong napangiti sa tanong ni Jennie.

Same same. Yong away namin hindi na mawawala yun. Part na yun ng daily life namin. Sagot ko

Natawa na lang sila. Nasanay na naman ako, pero minsan nakakapikon na din kasi. Parang ang toxic na kasi eh.

Ikaw ba? Tanong ko naman kay Jennie

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon