CHAPTER 103

38 1 0
                                        

JEMA

Napailing na lang ako ng madatnan ko na naman si Jennie na umiinom. Ganito to ilang buwan na, hindi ko naman masita kasi kaya naman niyang magtrabaho kinabukasan.

Mukhang napapadalas na yan.
Umupo ako sa harapan niya

Pampatulog lang.

Akala ko ba graduate kana sa pag iinom. What happened?

Wala. Pagod lang.
Yan ang parati niyang sagot

So kailangan ko bang maniwala sa sinabi mo?

Jem, wala ako sa mood. Okay.

Nagiging secretive na ito ngayon. Hindi na ito gaya ng dati na nagoopen up pag may bumabagabag sa kanya.

Kailan ka pa naging secretive? Parang hindi ko na alam kung ano ba ang nangyayari sa iyo this past few months. Mukhang okay naman kayo ni Mino.

Wala naman kasi akong problem. Nahihirapan lang akong makatulog kahit na pagod ako kaya nagpapaantok ako every night. And yes, okay kami ni Mino.

Pero bakit parang ang tamlay tamlay naman niyang magsalita. Hindi ko na din siya masyadong nakikita sa Paraiso.

Teka nga, mukhang taga paraiso ang rasun kung bakit ito nagkakaganito. Bakit ngayon ko lang yun naisip?

Is it Irene? Seulgi? Lisa?
Sunod sunod kong tanong

Wala akong problema sa kanila. Masyado lang akong busy. Kaya huwag ka ng mag isip ng kung ano ano.

If masyado ka ng napapagod sa trabaho pwede naman kasing mag time out. Tama naman si Dad, maghanap ka ng Manager sa Center mo. Hindi yong araw araw kang nagchecheck doon. Talagang mauubusan ka ng lakas pag ganito yong Daily Routine mo. Andami mong hinahandle.

Don't worry may kinakausap na ako. Tinitrain ko na siya ngayon.

Mabuti naman kung ganun. Wala ka naman sigurong anak sa labas na pinapaaral di ba?

Natawa na lang ito.

Siraulo ka. Tugon niya

Eh daig mo pa ang may pinapairal na sangkatutak sa sobrang workaholic mo eh. Chill din paminsan minsan para balance lang. Okay na naman kasi ang Company thanks to you kaya dapat relax time na muna.

Oo na. ate.
Sagot naman niya sakin

Tsaka ayusin mo na ang Love Life mo. Kelan ba kayo magpapakasal ni Mino? Gusto ko na ding magkaroon ng pamangkin.

Bakit hindi ikaw ang magbuntis? Ako tong kinukulit niyo ni Daddy. Reklamo niya

Eh mas matanda ka sakin eh.

Di bakit hindi si Jin?

Buti sana kung may jowa yun noh. Eh single pa din hanggang ngayon. Sagot ko

Di hanapan mo ng jowa, tapos sabihan mong buntisin kaagad.

Ang sagwa lang pakinggan ng topic namin. Pero that's the reality.

Buntisin ko kaya si Deanna.

Napaubo naman si Jennie.

Do you think siya ang magbubuntis sa inyo? Tigasin kaya ng jowa mo.

Malay mo di ba? Mas gusto niyang magbuntis. Eh parang hindi ko nakikita ang sarili ko na malaki ang tiyan eh. Tapos maglilihi? Baka mag aaway lang kami if ako ang mabubuntis.

GAME OF LOVE (TAGALOG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon