SEULGI
PERO MASAYA KA BA TALAGA???
NAG ECHO SA ISIP KO ANG TANONG NI IRENE
HOY!
Napapitlag ako ng kalabitin niya ako.
Masaya naman kahit papano. Napapasaya naman ako ng anak ko. Sagot ko naman
Yong totoo.
Alam kong hindi yun sapat na sagot koNapabuntong hininga na lang ako. Makakalusot ako sa iba, pero hinding hindi kay Irene
Alam mo yong feeling na masaya ka naman pero alam mo din na hindi totally? Na may kulang?
Sinabi ko na lang ang totoong nararamdaman ko.
Halata nga. Hindi ka pa din ba nakakatulog ng maayos?
Umiling ako.
Pero di ba may gamot kana man na pampatulog?
Meron. Pero hindi ko naman araw araw tinitake. Kasi iniisip ko minsan pano pag may biglaang emergency? Tapos hindi ako magising ni Thirdy?
Natahimik naman si Irene.
Kunsabagay. May point ka naman. Pero honestly Seul. Namimiss mo siya?
Napaismid na lang ako.
Halata ka. Huwag ako.
Kung di lang talaga to buntis pipikunin ko tong babaeng to eh.
I admit. Yes ofcourse, hinahanap hanap ko siya noong unang mga buwan. I really can't concentrate in everything. Feeling ko mabubuang ako. Parang gusto kong bumalik dito, sunduin siya, magmakaawa pero pinigilan ko. Dahil pagod na ako Irene.
Nalungkot naman ito.
Sa totoo lang Seul. Ngayon ko lang to aaminin sa yo ha. Noong tayo pa, naramdaman ko na siya pa din ang may ari ng puso mo.
Natameme ako.
Aminin mo man or hindi pero yun ang naramdaman ko noon. Naramdaman ko naman na mahal mo ako. Pero siguro hindi kasing lalim ng pagmamahal mo sa kanya. And i was right all along. Hindi mo siya nakalimutan. Kaya yes i felg guilty ng maging kami ni Wendy. Pero alam ko din kasi na hindi talaga ako ang makakapagpasaya sayo. Nagpaubaya ako. Pero nasayang nga lang dahil hindi kayo ang nagkatuluyan.
Napangiti na lang ako.
Kung ano ano ang sinasabi mo. Lika na nga, silipin natin si Sunmi at kinukulit na ako ni Kuya. Aya kona lang sa kanya
Nadatnan naming kausap ni Sunmi si Kuya sa phone.
Iwanan mo na lang dito si Cha cha. Sabi ni Irene
Oo nga. Sige na babye na. Andito na si Irene at Seulgi. Magpapaalam na ako.
Kayo na muna ang bahala sa anak ko ha. I really have to go.
Sumama na kami palabas sa kanya. Nagpaalam na ito sa lahat.
----
Dapat ako na ang sinabihan mo na ipagtimpla ka ng Hot choco Thirdy. Hindi alam ni Ninang na umiinom ka pala niyan bago ka matulog. May pinagmanahan ka nga. Dalawang tao pa. Sabi ni Irene ng makita niya kami sa kusina
Busy ka po kasi kay Cha cha at Kuya kaya nahiya na po ako Ninang.
Naku. Sakin ka pa talaga nahiya. Doon pala kayo sa kutson sa sahig ha. Hindi kayo kakasya sa kama ng Kuya mo. Dahil babae si Cha cha kaya siya na ang sa kama.
BINABASA MO ANG
GAME OF LOVE (TAGALOG)
Fiction généraleHow will you play in a game called Love? Is it JenSeul? Seulrene? Wenrene? Jenlisa? SeulYeon?(seul, chaeyeon) Lirene?( Lisa, irene) Joygi? Gawong? Seulje? ( seul, jema) Wenjoy? Introducing: GAWONG DEANNA WONG, JEMA GALANZA Published: May 14, 2022