CHAPTER 54

36 1 0
                                    

JENNIE

Pauwi na ako ng Bulacan galing sa isang Conference sa Manila. Nang makaramdam ako ng gutom. Nasa Valenzuela palang ako and mga 30 to 40 mins pa bago ako makarating ng bulacan kaya nagpasya akong mag stop over sa Puregold Paso De Blas.

Mag CCR na din ako para isang stop over na lang. Plano kong mag take out na lang sana sa Mcdo pero parang natripan kong mag dine in.

I ordered chicken ng nuggets with fries for my Dine in. Sinamahan ko na lang din ng Cookie Dough Oreo Sundae.

Napapangiti na lang ako when i saw a Family na masayang kumakain, may magjowa, may mag isa ding katulad ko, magtotropang nagtatawanan, then i saw a couple na dumaan sa labas

Bakit parang pamilyar sakin ang bulto ng mga katawan nila. Hindi ko na lang pinansin muna dahil wala akong maisip kung sino.

Masaya akong nagdidip ng fries sa ice cream ko ng dumaan ulit yong familiar na couple sakin.

And this time. Kitang kita ko ang mga itsura nila. Then para silang nakakita ng multo when our eyes locked. Wala akong expression sa mukha habang nakipagtitigan sa kanila, subo lang din ako ng subo.

Fancy meeting you here? Lumayo pa talaga kayo. May Puregold naman sa Bulacan. Sita ko ng lapitan ako nila

Maybe you're mistaken. But we are just.

What? You are just what? I am not blind, and as far as i know my vision is still clear. And friends don't walk like that. Linking arms, sweet smiles. Putol ko sa sasabihin niya

And ikaw Babae. Sino'ng malandi? Wah, ganyan ka ba kakati talaga? Kahit sino na lang?

Wala kang pakialam. Nakangiti niyang sabi

Alam mong meron. But okay bibigyan kita ng chance. 2 option lang, ikaw ang magsasabi or ako. Timer starts now. Lucky you, pabalik na ako ng Bulacan ngayon.

Agad ko silang tinalikuran. Agad naman niyang tinranslate ang sinabi ko kay Bogum at nakita ko pa kung pano sila nagmadaling umalis.

Sorry Girl. Nakalimutan kong kailangan ko pa palang mag grocery. Sabi ko habang nakatanaw sa kanilang dalawa

Pero mas nagulat ako ng pagtalikod ko, nabunggo ako sa isang tao.

I'm so sorry. It's...
Naputol ang sasabihin ko ng makita kong sino

What are you doing here? Tanong ko

Dito lang kasi my stock yong whipped cream at soy milk na kakailangin sa café eh. Kaya napabyahe ako. Ikaw?

Parang wala naman itong ibang expression sa mukha. Hindi galit or ano pero alam kong nakita niya ang tinatanaw ko kanina.

Are you okay? Tanong ko na lang

Hindi naman ako mawawalan ng chicks. And hindi siya kawalan sakin. So yes, i am okay.

Ahh. Tapos ka na bang mamili? Tanong ko na lang

Kakadating ko lang. Nakita ko ang kotse mo sa parking kaya naglibot muna ako para hanapin ka. Then i saw them. Looking at someone. Then i found you. Pauwi kana ba?

Ah. Mag grocery ako. Dun ka naman pupunta right? Sabay na lang tayo.
Pinilit kong makapag casual. Kasi naalala ko ang nangyari ng gabing yun

After that kasi, back to being casual kami. Last na nag usap kami ng tulongan siya namin ni Jema na maglinis ng apartment.

Tara. Sabi niya at nauna ng naglakad

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon