CHAPTER 129

36 2 0
                                    

JENNIE

Maaga akong nagising kaya maaga akong nagpunta sa Paraiso. Nakita ko ang kotse ni Seulgi sa bahay nila Irene kaya alam kong wala pa ito dito kaya mabilis akong umalis kaagad.

Mommy!
Ang lawak ng pagkakangiti ni Thirdy ng mamulatan niya akong nasa tabi na niya

Hello Baby.

Agad itong napatingin sa kama namin ni Seulgi. Agad na nawala ang ngiti niya ng hindi niya makita ang Mamu niya.

Hindi pala umuwi si Mamu.

Andun siya sa Ninang Irene mo. NAgkita kami kagabe. Pinasigla ko ang boses ko

Talaga? Nag usap na po ba kayo ni Mamu? Alam niyo na po bang aalis tayo?

Nawala naman ang ngiti ko. Oo nga pala, yun pala ang kundisyon niya para sumama siya sa Cebu

Anak, baka hindi kasi ako makasama. Di ba may trabaho din si Mommy? Hindi kasi pwedeng hindi ako magwork eh. Hindi ko mabibili yong mga gusto mong toys.

Hindi ko naman kailangan ng maraming toys. Malungkot na niyang sabi

Anak, hindi pwede kasing wala si Mommy sa Company namin. Malayo kasi ang Cebu dito, okay lang kung dito sa paraiso dahil malapit lang ang office ko. Naiintindihan mo naman si Mommy di ba?

Napipilitan lang ata itong tumango.

Pero naniniwala ka naman na mahal ka ng Mommy di ba?
Tumango lang ulit ito

Tama si Mamu. Mas mahal mo si Tito Mino kesa sa kanya.

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Huwag ka pong mag alala Mommy. Mukhang mabait naman si Tito Mino. Kaya okay lang kung siya ang pipiliin mo. Andito naman si Mamu. Sabi niya kaya naman niya akong palakihing mag isa. Mag ingat na lang po kayo parati ha. Mamimiss ko po kayo.

Umiyak ito bigla. Kaya napaiyak na lang din ako. Napapitlag pako ng biglang bumukas ang pinto.

Andito ka ba para kunin ang ibang gamit mo? Nasa kabilang kwarto yong mga maleta mo. Makisuyo ka na lang kay Kuya.

Walng emosyon na sabi niya at dumiretso sa banyo.

Thank you Thirdy. Mahal na mahal ka ni Mommy. Huwag mong kakalimutan yan, hindi kita iniwan okay? Magkikita pa tayo ulit. Bibisitahin naman kita dun.

Tumango lang ito.

Thirdy halika na. Kumain ka na ba?

Hindi pa po.

Di ba sabi ko sayo ang tunay na lalaki hindi iyakin?

Mabilis namang pinahid nong bata ang basang mukha niya.

Seul.

Ano?!

Bakit ba ang init ng ulo niya? Ke aga aga.

Halika na bilis!
Sigaw na naman niya sa bata

May sasabihin ka ba? Tanong niya

Wala.

Agad niyang sinira ang pinto ng makalabas na sila. Nanghihina na lang akong napaupo sa kama

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwartong naging tahanan ko ng mahigit 3 taon. Malapit na pala ang 3rd Birthday ni Thirdy.

Aalis ka ba talaga?
Usisa ni Sunmi, tinutulongan niya akong mag impake

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon