CHAPTER 04

57 3 0
                                    

SEULGI

Nakatingin lang ako sa grupo ni Lisa. Ewan ko kung bakit mainit ako sa kanila. Wala naman akong ginawang masama sa kanila. Lalo na sa kanya. Ni hindi naman kami close.

Chill ka lang. Masyado kang aburido. Bulong ni Irene sakin

Chill naman ako. Sagot ko

Chill eh kanina pa nakasalubong ang kilay mo. Hayaan mo na lang sila, wala naman silang ginagawa.

Hibintayin ko pa bang may gawin sila?

Seul, gusto niya si Jennie. Do you think may gagawin siyang masama sa taong gusto niya? Isa pa, kahit ganyan naman yan maganda naman ang feedback ng mga Ex niya sa kanya.

Kung magsalita ka parang type mo. Napipikon kong sabi

Bakit galit ka agad?

Yan ba ang mga type mo? Warfreak? Tanong ko

Kakasabi ko lang na chill di ba. Tsaka bakit iniisip mong type ko siya. Excuse lang ha, wala sa kalingkingan ng taong gusto ko si Lisa.

May gusto ka? Sino? Daya mo naman.
Nagulat ako na may gusto pala siya.

Basta. You don't have to know. Malabo namang maging kami. Sagot naman niya

Malabo? Bulag ba yun? Hindi ba niya nakikita kung gaano ka kaganda? Matalino?

Napakurap kurap ito na parang namaligno.

Okay ka lang ba? Tanong ko

Nagagandahan ka sa.. sakin? Nauutal pa niyang tanong

Bulag ka din ba? Hindi mo ba nakikita ang mukha mo sa salamin?

I mean. This is the first time kasi na narinig ko sayo na maganda ako. Tila nahihiya pa niyang sabi

Bakit namumula ka? Natatawa kong tanong

Hindi noh. Sadyang mainit lang.

Mainit? Naka aircon dito. Nagtataka kong sabi

Ewan ko sayo.

Napasunod na lang ako ng tingin ng tumayo ito para kumuha ng tubig.

Say aaahhh... Nabigla naman ako ng biglang may kutsara na sumagi sa bibig ko

Napabuka na lang ako ng bibig para tanggapin ang mango float na sinusubi ni Jema.

Antamis naman. Reklamo ko

Hindi kaya. Sagot naman ni Jema

Parang asukal yong kinain ko. Reklamo ko pa at inabot yong tumbler ko para uminom ng tubig pero wala na palang laman

Oh. Abot naman ni Irene ng tumbler niya na puno ng tubig

Kailan nga pala magstastart yong training niyo para sa Municipal Games? Tanong ni Joy

Next month pa. May 2 weeks pa kaming break para gawin ang mga advance projects. Haaay.. sagot ni Jema

Lahat ba kayo makakasama? Tanong pa ni Joy

Hindi eh. Selected lang. Yong mismong coach yong pipili ng magiging line up. Sagot ko

Pero sure na namang makakasama kayo di ba? Tanong naman ni Nayeon

Yeah. Sinabihan na kami na makakasama kami. Also, meron din sa ibang school as long na sakop ng Bulacan. Sagot ko

Di makakasama niyo pala si Deanna. Narinig kong nagsabi siya kagabi kay Mommy about that. Sagot naman ni Irene

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon