CHAPTER 55

41 1 0
                                    

IRENE

Napapailing na lang ako.

Anak, mukhang gusto ka naman ni Bogum. Bakit di mo pag isipan ulit? Tanong ni Mommy

Mom, hindi ako desperado na magkaroon ng boyfriend or fiancé. I am just 23 yrs old.

Pero anak, wala ka pang naging nobyo. May balak ka bang tumandang dalaga?

Mommy, ang OA mo.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Ayaw na ayaw ko talagang minamanduhan ako lalo na sa lovelife na yan. Naninindig kasi ang balahibo ko.

Tsaka Mom, may iba siyang gusto. Kaya please lang huwag niyo nang e push. Ayokong umasa kayo sa napaka imposibleng mangyari.

Nagtaka naman sila ni Daddy.

Napaka imposible? Si Seulgi na naman ba yan? Tanong ni Daddy

Bakit mo naman nasabi na napaka imposible? Maganda ka anak, edukada, wife material, may stable na trabaho. Ano pa ang hahanapin nila sayo?

Yun na nga eh. Wala na silang hahanapin pa sakin. Pero yong taong gusto ko, in love naman sa iba.

Tama na Dad and Mom. Tama ng about kay Seulgi or kay Bogum.

Syanga pala. Alam mo na bang wala ng nakatira diyan sa bahay nila Seulgi?

Nagtaka naman ako. Walang nakatira? Eh noong isang linggo lang kami nagkausap ni Chanyeol.

Panong walang nakatira Dad? Tanong ko

Nagkatinginan naman sila ni Mommy.

Hindi mo ba nakakausap si Seulgi?
Umiling naman ako

Naubos ang properties nila Anak. Pati yang bahay at lupa nila. Nawala na din sa kanila.

Shock. Kulang pa yun sa nadarama ko ngayon.

Aalis po muna ako. Mabilis akong nagbihis at agad na nagpunta sa apartment.

Oh hija. Nagulat pako ng si Tito ang nagbukas ng pinto

Tito, magandang gabi po. Andiyan po ba si Seul?

Wala siya dito ngayon eh. Baka nasa shop pa. Gusto mo bang pumasok?

Pwede po ba?

Oo naman.

Naupo naman ako sa sala. Kumaway naman si Chanyeol sakin ng malaman na andito ako.

Napasugod ka ata? Tanong ni Tito

Nabalitaan ko po kasi ang nangyari. Alam ko pong hindi kayo okay. May maitutulong po ba ako?

Okay lang kami. Salamat. Lumakas na ang loob namin dahil sa inyong mga kaibigan ni Seulgi. Sa totoo lang, andito din kanina si Jennie naunahan ka na.

Napayuko na lang ako. Naunahan na naman ako. Bakit ba kasi nahuli ako sa balita?

Ganun po ba. Mabuti naman po pala. Sige po, puntahan ko na lang si Seul sa shop. Paalam ko bigla

Parang nagtaka naman si Tito pero nagmadali na lang akong umalis. Napasubsob na lang ako sa manibela ng nasa kotse na ako.

They still love each other. Yun ang totoo. Pero bakit pa ba ako umasa? Dahil lang sa sinabi niyang mahal niya ako?
Napakatanga ko na man.

Hon?

Napaayos ako ng upo ng marinig ko ang boses niya sabay na may kumatok sa bintana ko.

Ako ba ang ipinunta mo dito? Tanong niya ng maibaba ko ang bintana

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon