JEMA
Haaaay....... Ungol ko ng sa wakas ay nakauwi na kami ng bahay
Papatayin talaga ata tayo ng Coach na yun. Reklamo na naman ni Seulgi
Konting tiis pa Master. Sabi naman ni Deanna
Nagpaunahan kaming sumalampak sa sofa.
Lalong naging close si Seulgi at Deanna sa loob lamang ng dalawang linggo. Bilib ako sa tyaga at dedication ni Seulgi sa pagtuturo kay Deanna ng mga nalalaman niya.
Ganoon din si Deanna. Mas lalo itong naging open kay Seulgi. Mas close pa nga ata sila ngayon kesa samin eh.
Minsan tungkol sa chicks yong topic nila, pero pag lumalapit ako nag iiba agad ang topic nila.
Mabuti na din at hindi na ako kinukulit ni Deanna ngayon. Although minsan nagpaparamdam pa rin pero hindi na ako naiirita.
Thank you lord at day off bukas. Sabi ni Seulgi
Hindi pa pala nalalabhan yong uniform natin. Naalala kong sabihin
Nalabhan ko na. Tuyo na nga siguro yun ngayon.
Thank Nay! Labyu! Sigaw naman naming tatlo
Magsitayo na kayo diyan at kakain na. Para deretso na yong pahinga ninyo. Yong mga labahin naubos ko ng labhan kanina. Sabi ni Nay Minerva
Nay naman. Nakakahiya naman po sa inyo. Sabi ni Seulgi
Konti lang naman kahit sinama ko na yong sa inyong tatlo. Parati kasi kayong pagod kaya alam kong wala na kayong oras na maglaba. Nagtanong pala ako diyan sa tindahan kanina, meron daw nagmamasahe dito. Taga diyan lang din. Kung gusto. Inyong magpamasahe naghohome service naman daw.
Ay salamat po ng marami Nay. Sagot ko naman
Ilang minuto pa at nagsiupo na kami sa hapag. Kasalo namin parati si Nay Minerva dahil apat lang naman kami dito.
Massage tayo bukas? Tanong ko
Sige ba. Mas mainam yon, preparado para sa game natin sa friday. Sagot ni Seulgi
Ikaw Dean?
Game ako diyan. Sagot din ni Deanna
Sa gabi na lang po Nay bukas para deretso tulog na. Siguro mga 6pm?
Pwede. Sang ayon naman ng dalawa
Wala pala akong Cash. Naaalala kong sabihin sa kanila
Ako na. Sagot ni Deanna
Ayiehh... Pasimple ah. Siniko pa ni Seulgi si Deanna
Shut up. Pinaningkitan ko ng mata si Seulgi
Konti na lang bibigay din yan. Sabi pa niya na parang wala ako sa harapan nila
Napapangiti na lang si Nay Minerva at Deanna.
Kailangan pala nating linisin yong bakanteng kwarto ha. Baka nakalimutan niyo na. Dito daw sila matutulog. Pagreremind ko
Kakasya ba sila dun? Tanong ni Seulgi
Pwede namang dun sila sa room natin Master eh. Tapos tayo dun sa isang room. Mas kakasya sila sa room natin. Tugon ni Deanna
And kasama din pala nila si Lisa. Dugtong ko
Pwede naman dito sa sala ang mga Bodyguards niya. Or dun sa apartment ninyo. Wala bang bakante? Tanong ni Seulgi
Puno. Andiyan kaya yong ibang delegates. Sagot ko
BINABASA MO ANG
GAME OF LOVE (TAGALOG)
General FictionHow will you play in a game called Love? Is it JenSeul? Seulrene? Wenrene? Jenlisa? SeulYeon?(seul, chaeyeon) Lirene?( Lisa, irene) Joygi? Gawong? Seulje? ( seul, jema) Wenjoy? Introducing: GAWONG DEANNA WONG, JEMA GALANZA Published: May 14, 2022