SEULGI
Nakatulala pa din ako kahit wala na sina Atty. Iniwan na nila ang mga papeles na nakapangalan na sakin.
Private Resort sa Palawan, Rest House sa Cebu, mga titulo ng Lupa sa iba't ibang sulok ng Metro Manila. Yong Company nila, nakapangalan din sakin? Aanhin ko naman yong Textile Factory nila sa Bataan?
May share ka din pala sa JYP Network na 5% bunso. Basa ni Kuya
May yacht sila? Oh my God. Hindi lang isa Seulgi, 3! Napahampas pa si Kuya sa mesa.
Gusto mo ba? Tanong ko
Oo, akin na lang ang isa. Papangalanan kong Prince Chan. Sagot naman niya
Heto na pala ang cheque eh. Iniwan na din nila. Ready to Convert na to Bunso. 100k yong isang cheque. Hindi na tayo mahihirapan na ipaayos yong Kang's Paradise.
Hindi ba ako magkakasakit kung gagastahin ko yan Kuya? Nakangiwi kong tanong
Tsaka saan natin itatago itong mga papeles? Wala tayong safe place. Pabulong kong sabi sa kanyaNapaisip naman ito.
Ilagay natin sa lugar na hindi nila maiisip kong nasaan. Sa bahay nila Jennie.
Seryoso ba to?
Hindi ka nagjojoke? Tanong ko
Hindi. Siguradong meron si Tito na Safety Deposit Box sa bahay nila. Sino'ng mag aakala na andun sa kanila di ba? Iisipin nila it's either andito, sa apartment or sa Jowa mo. Di ba?
May point naman ito.
Dahil gipit nga kami wala akong choice kundi galawin ang pera. Lahat para sa Kang's Paradise. Pinasemento namin ang daanan papasok dun, nagpagawa ng malaking signage, Food Trucks, Bahay Kubo, Tent table, pader, and malalaking grills para sa mabanging bahagi, hindi kasi makikita ang magandang view kung ipapader namin. Hindi ko din ginalaw ang mga puno.
It's been 2 months na at malapit na itong magbukas. May parts pa kasi na basa pa ang semento sa parking area at nilalakad na din ang Business Permit.
At ang bahay naming pinapatayo doon ay hindi pa tapos. Kaya isasabay na lang yong pag blessing para isang bendisyon.
Andiyan na naman ang black car. Sabi ni Kuya samin ni Irene ng pauwi na kami
Sigurado ka ba Kuyz na sinusundan tayo? Baka dito lang din ang way niya. Sagot ko
Kanina pa yan ng paalis pa lang tayo ng Shop. napansin ko ng nakapark yan sa malayo.
Parang natakot na din si Irene dahil napakapit na ito.
Bakit di ka na lang magrequest ng Bodyguard sa Company nila Jennie? Iba pa din pag merong marunong makipaglaban. Sabi ni Irene
Nasusundan ba niya tayo sa Burol Kuya?
Noong isang araw. Pero di ba nag iba ako ng daan. Nawala ko siya. Sinabihan ko na din si Daddy, mukhang pati siya tinitiktikan din. Mahirap to dahil alam niya ang daily routine natin. Sabi ni Kuya
Huwag ka na lang muna kaya magsasama sakin Hon. Delikado kasi baka mapahamak ka din. Sabi ko kay Irene
Ayoko. Mas gusto ko pang magkasama tayo Hon. Sagot naman niya
Mahirap din sa apartment dahil nakikita agad tayo sa pagpasok at paglabas. Unlike sa Village natin. Hanggang sa gate lang sila
Kinakabahan din talaga ako. Lalo na at araw araw kong kasama si Kuya at Irene. Si Daddy, marunong naman daw siyang mag self defense sabi niya.
BINABASA MO ANG
GAME OF LOVE (TAGALOG)
Ficción GeneralHow will you play in a game called Love? Is it JenSeul? Seulrene? Wenrene? Jenlisa? SeulYeon?(seul, chaeyeon) Lirene?( Lisa, irene) Joygi? Gawong? Seulje? ( seul, jema) Wenjoy? Introducing: GAWONG DEANNA WONG, JEMA GALANZA Published: May 14, 2022