LISA
Akala ko magiging awkward kaming tatlo sa loob ng room. Pero nagkamali ako, napaka approachable ni Seulgi. Hindi niya pinaramdam sakin na iba ako, na hindi ako kaibigan.
Buti naman at nakasama ka. Tanong niya
Minsan lang naman ang may mga ganito tapos my kaibigan pa akong kasali.
Naks naman. I am touch. Sagot ni Deanna
Buti hindi kayo nahirapan dito. Sabi ko
Noong first day lang. Buong araw naman kaming nasa training kaya hindi na din kami naging maarte, importante may kumportable kaming tulogan. Sagot ni Seulgi
Ikaw Dean, hindi ka ba gumagawa ng gulo dito?
I am a changed man now Lisa.
Mabuti naman. Sagot ko
Parang ikaw lang din. Nakakapanibago ka kaya. Ang bait mo naman ata. Sabi pa ni Deanna
I am a changed man na din.
Iba talaga pag inspired ano. Kamusta naman kayo ni Jennie?
Napatingin din sakin si Seulgi.
Getting to know each other pa din. Sagot ko na lang
Nililigawan mo pa ba? Tanong ulit ni Deanna
Hindi na. Ayaw niyang ligawan ko siya. Kaya kuntento na muna ako sa friendship namin.
Mabuti naman. Ayusin mo muna ang pag aaral mo. Pati na sarili mo. Iba pa din tol pag may natapos tayo. Sabi pa ni Deanna
Kaya nga eh. Na realize ko din yun lately. Wag kang mag alala pagbubutihan ko na talaga. Kinausap ko na din ang mga titser ko na bigyan ako ng last chance. Buti nga at umokay naman, kaya baka makakaalis na ako sa first year.
Tama yan tol. Yan ang pinakada best mong decision. Sa huli kasi tayo din ang mahihirapan pag wala tayong alam. Syanga pala, manonood ka ba bukas ng cheerleader na contest? Kasali dun si Chaeyeon.
Syempre naman. Magagalit yun pag hindi ako manonood.
Nang lingunin namin si Seulgi, tulog na pala ito. Kaya pala ang tahimik na.
Okay na ba kayo? Turo ko kay Seulgi
Oo tol. Sobrang bait niya. Ikaw din, gusto mo bang tulongan kitang maging close din kayo?
Okay lang. Kaya ko namang gawin yun dahil mas nakakasama ko siya sa school.
Ganun naman pala. Iba pa din pag maraming friends. Kita mo sila di ba, ang saya nila.
Oo nga eh. Kaya nag eenjoy din akong kasama sila. Sagot ko
Sige na tol. Maaga pa tayo bukas.
Ayos. Sige goodnight. Sagot ko sa kanya
Nasa gitna namin ni Seulgi si Deanna.
Alas syete ng umaga ay kumakain na kami ng Breakfast. Maaga silang nagising dahil dalawa lang pala ang banyo dito.
Bilisan niyo na at nagtext na si Coach na dadaanan tayo dito anytime. Sabi ni Seulgi sa dalawang kasama
Kayo na bahala dito ha. Hindi na kami makakasama sa inyo sa lunch. Bilin pa ni Seulgi
7:30 ng sunduin na sila kasama na si Joy.
Kayo na bahala dito ha. Baka matulog lang kayo dito. Bilin ko sa apat na Bodyguards kong maiiwan, dalawa lang yong isasama ko
BINABASA MO ANG
GAME OF LOVE (TAGALOG)
General FictionHow will you play in a game called Love? Is it JenSeul? Seulrene? Wenrene? Jenlisa? SeulYeon?(seul, chaeyeon) Lirene?( Lisa, irene) Joygi? Gawong? Seulje? ( seul, jema) Wenjoy? Introducing: GAWONG DEANNA WONG, JEMA GALANZA Published: May 14, 2022