CHAPTER 40

47 1 0
                                    

JEMA

Napabuntong hininga ako ng nadatnan ko siyang may hawak na baso ng alak. Nasa garden ito nila at ito ang favorite spot niya.

Medyo tago kasi, tahimik, tapos humahalimuyak pa ang bango ng mga bulaklak. Maganda din sa tenga ang tunog ng lagaslas ng fountain nila.

Alak na naman. Pukaw ko sa malalim na pag iisip niya

Jemalyn. Malungkot niyang sabi

Kagabe palang alam kong may gumugulo na naman sa isipan niya dahil sa boses niya.
Lumalabas ang tunay na siya pag kami lang.

Pero if my kasama kami, wala siyang ginawa kundi ngumiti at tumawa.

Pumapayat ka. Puna ko

Nahihirapan kasi akong makatulog this past few days. Maybe sa excitement?

Cut the crap Seulgi. Hindi ako ibang tao.
What is it? Bakit napakalungkot mo na naman?

Alam mo bang hindi pala kami magkadugo ni Kuya at Mommy? Patawa niyang sabi sakin

Pero ako, i was too stunned to speak. Now parang naiintindihan ko na kung bakit parang napakatigas ni Tita kay Seul.

Na solve na natin ang mystery. Mapait na sabi niya

Tumayo ako at niyakap siya. Hindi ko maimagine kung gano siguro kabigat ang loob niya ngayon.

Doon na siya bumigay. Hinayaan ko lang siyang umiyak ng umiyak. Dahil yun lang naman ang maitutulong ko sa kanya eh, ang damayan siya sa mga ganitong pagkakataon.

Pano mo nalaman?

I heard them talking. Sila ni Kuya. I dunno kung ano ang cause kung bakit sila nagkasagutan. Hindi nila alam na alam ko na. Dun naman ako magaling eh, ang mag pretend. Kaya i am just pretending na hindi ko alam. Na hindi ako nasasaktan.
Kasi hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko eh. Kaya pala pinatapon niya ako noon sa Canada, wala lang siyang choice ng gustong sumama sakin ni Kuya dun. Kaya pala napakabigat ng loob niya sakin.

Be positive Seul. Atleast di ba hindi ka naman niya tinuring na iba. Pagcoconcole ko na lang

Hindi nga niya ako tinuring na iba, pero hindi din niya ako tinuring na anak. Alam mo yong gustong gusto kong magwala, gusto kong sumigaw. Gusto kong maglayas, gusto kong mawala nalang dito bigla. Damn it!
Bigla itong tumayo at naglakad lakad

She's really stressed. Ganun ito pag stressed eh.

Hey, look at the bright side na lang. Atleast di ba hindi niya sinampal sa mukha mo na hindi ka niya anak

Niyakap ko ulit siya dahil nanginginig ang katawan niya

Calm down will you? Huwag mong pangunahan ang mga mangyayari Seulgi. Kilala kita, ayan ka naman sa mga advance mong negative thoughts. So what hindi kayo magkadugo? Pinalaki ka naman niya ng maayos. Hey, look at me. Kumalma ka.

Wow. What a nice view. Napabitaw ako ng may nagsalita bigla

Tzuyu. Sabi ni Seulgi

Kaya ba ayaw mo akong kausapin? Na ayaw mong makipag reconcile dahil my kalandian ka ng iba?

Excuse me ha. Pero napakamalisyosa mo naman. Sagot ko

I am not talking to you! Sumigaw ito

Naalala ko ang sinabi ni Kuya. Baks heto nga ang totoong kulay niya. Nawala kasi ang poise niya sa pagsigaw.

Don't talk to her like that Tzuyu. Binabalaan kita. Saway ni Seulgi

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon