CHAPTER 110

44 2 10
                                    

SANA

Pinaligo ko na muna siya para bumaba yong tama niya. Basang basa din ito ng pawis at parang makakatulog na anytime.

Kamusta ang pakiramdam mo?
Tanong ko habang pinapatuyo ng towel ang mahabang buhok niya

Okay na naman.

Babalik pa ba tayo dun or matutulog ka na? Mukhang pipikit na ang mga mata mo. Bakit parang nay balak kang magpakalasing?

Hindi naman po. Nakailang shots palang ako pero pagod lang siguro ako kaya mabilis akong nahilo.

Dito kana lang matulog. Pangungulit na naman niya

No. kasi ayokong masanay. Sagot ko

Di dito kana tumira wala namang masama dun.

Wag ng makulit. Sige na magbihis kana at naghihintay na ang mga kaibigan mo.

Pero nanatili lang itong nakayakap sa bewang ko.

Mahiga kana lang kung inaantok kana.
Malumanay kong sabi

Nagpapahinga lang ako. 5 mins. Then balik tayo sa labas.

Huwag mo na kasing pilitin ang katawan mo if hindi na kaya. Maiintindihan kana man nila.

I'll be fine Sana.

Alam kong may katigasan siya ng ulo kaya hindi na ako nagpumilit sa gusto ko.

Uminom pa talaga ito ulit. Oh di ba, parang bato yong ulo. Napakatigas.

Mahihirapan ka diyan. Bulong ni Irene sakin

Kaya nga eh. Ayaw ko nalang sawayin at baka mag away lang kami. Reklamo ng reklamo na pagod daw siya pero kita mo naman, parang na recharge.
Napabuntong hiningang sabi ko

Mabuti naman at kaya mong intindihin ang katigasan ng ulo niya.

I have no choice. Ganyan na siya bago paman naging kami. Ayokong baguhin kung ano yong totoong siya.

Napatango tango lang si Irene.

Swerte ng damuhong yan sayo.

Mas ako ata ang swerte sa kanya. Kasi alam kong ng naging kami, she is inlove with someone else.

Ha? Takang taka naman si Irene

Nahirapan akong pasukin ang puso niya. Alam ko yun, baka nga nakulitan lang yan sakin kaya naging kami eh. Natatawang sabi ko

Hindi naman siguro. Kilala ko naman si Seulgi, hindi mo yan mapipilit if ayaw niya talaga. And seryoso yan when it comes to relationship. Kaya huwag mong iisipin na napipilitan lang siya.

Talaga?
Natuwa naman ako sa sinabi ni Irene.

Yun talaga ang concern ko eh. Na baka napipilitan lang ito sakin. Kaya hanggang ngayon natatakot akong ibigay ang sarili ko sa kanya.

Hindi naman ito nangungulit about dun, pero may pagkakataon namang alam kong gustong gusto niya.

Mukha lang loko loko yang bestfriend ko pero maaasahan mo yan sa lahat ng bagay. Kaya kung may agam agam ka sa isipan mo naku kalimutan mo na. Mahal ka niyan, maniwala ka sakin.

Hoy Irene. Baka sinisiraan mo na ako diyan kay Sana ha.
Napuna ni Seul na nagbubulongan kami

Tinatanong ko lang si Sana if maayos ba ang mata niya. Hindi ko kasi magets kong ano ba ang nakita niya sayo. Sagot naman ni Irene

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon