CHAPTER 74

36 1 0
                                    

LISA

Hindi ako nagsasayang ng oras ko sa pag upo at paghintay lang. Lumipad kaagad ako ng thailand. Hindi ako dumiretso sa Taiwan at baka may nagmomonitor sakin.

Nagstay ako ng 2 days doon bago ako nagtravel pa Laos. Another 2 days then hongkong. Hanggang sa makarating ako ng Taiwan.

Tzuyu.
Nataymingan ko din siya sa isang restaurant

Lisa.
Napangiti naman ito

Kamusta? Fancy meeting you here. May photoshoot ako nearby. Sabi ko

Oh, oo nga eh. Have a seat. May kasama ka ba?

Andun yong staff. Nagpaiwan. Lumabas ako para makita ko naman ang ibang parts ng taiwan. Sagot ko

Bakit hindi ko man lang siya nakitaan ng uneasiness? Parang sumaya pa nga ito sa pagkikita namin.

Order moko ng food. Sabi ko sa kanya

Oo bah.

Pinag aaralan ko ang lahat ng galaw niya. Wala naman akong nakitang kaduda duda.

Alam kong may itatanong ka sakin. Puna niya

Gusto lang kitang kamustahin after what happened. Tanong ko muna

Well, heto trying to live a normal life dito sa Taiwan. Ni hindi ko na nadadalaw si Dad at Ate Eugene.

Napatigil ako sa pagnguya. Wala ba talaga siyang alam? Or pinaglalaruan niya muna ako.

Naiintindihan naman nila siguro na nasa malayo ka ng lugar. Sagot ko

C'mon Lisa. Why just get to the point. Alam kong gusto mong ibalita sakin na nakatakas si Ate. May nagsabi na sakin, Kapatid ni Dad. Si Aunt Pacita, dumalaw kasi siya kay Daddy few months ago. She even take a pic of me para ipadala kay Dad. Pinaprint niya daw. Natawa pa ito

So, hindi totoong nakidnap siya? Picture lang yong ipinakita nila sa video? Wait, naalala ko nga. Nakaupo lang ito, ni hindi ito nakagapos.

Aunt Pacita? Kapatid ng Dad mo?

Yeah. She's one of the blacksheep. Well, dalawa sila ni Dad. Kaya hindi siya nakatira dito. She's based in Thailand now. Nandoon ang businesses niya. She's just here twice a month para kamustahin ako. Binigyan niya din ako ng pansimula kaya nakapagtayo ako ng Cosmetic Brand ni Bogum.

Wow. Good for you. Buti hindi ka pinababayaan ng Aunt mo.

Nagulat nga din ako na bigla siyang nagpakita dito. She's not welcome here. Kaya tuwing magkikita kami it's either sa resto or sa Hotel room niya.

I see. Kamusta naman ang Business?
Pagliliko ko na lang at baka mahalata nya ako

So far so good. You know mas tinatangkilik dito ang gawa sa Korea na mga cosmetic thing kahit na nga lotion or sabon patok na patok dito.

So, wala ka ng balak bumalik ng pilipinas? Tanong ko

For vacation lang siguro. Dadalaw lang kay Dad and Mom. Pero yong dun ako titira mukhang malabo na, marami ng kasalanan ang pamilya ko dun kaya wala na akong mukhang maihaharap pa. Atleast dito, walang nakakilala sakin, i am free here. Walang nagdidikta.

Kunsabagay. Atleast your happy naman?
Tanong ko

Well, noong una mahirap. Pero ngayon i can tell na naka adjust na din ako. Siguro dito talaga ang lugar ko.

Mukhang masaya nga ito dito.

Lovelife? Usisa mo

Passed muna. Hindi pako nakakamove on sa kaibigan mo. Nahihiya pa niyang sagot

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon