CHAPTER 06

61 2 0
                                    

LISA

Pasalampak akong naupo sa sofa namin ng makarating ako galing sa galaan.

Saan kana naman galing?

Dumagundong ang boses ni Daddy sa kabuuan ng sala namin kaya napatayo ako bigla.

Dad. Kelan ka napa.. luwas? Nauutal kong tanong

Ang tanong ko ang sagutin mo! Uwi ba ito ng matinong 15 yrs old na highschool student?!

Dad, may pinuntahan lang po ako.

Kailan ka ba titino ha? Kinse kana pero nasa first year ka pa din! Hindi ka ba nahihiya Lalisa?!

Dad. Andito po pala kayo. Buti na lang at lumabas si Chaeyeon

Kakarating ko lang anak. Naging iba ang boses niya, naging malambing

Magpahinga na kayo Dad. Ala una na ng madaling araw. Nagising ako dahil sa sigaw mo. May pasok pa kami bukas.

Sinenyasan na ako ni Chaeyeon na umakyat na sa kwarto ko kaya pasimpe akong naglakad.

Sorry anak. Sige na bumalik kana sa kwarto mo.

Narinig ko pa ang boses ni Daddy bago ko sinara ang pintuan ng kwarto ko.

Whew! Sabi kona lang dahil na save na naman ako ng kapatid ko

Buti nalang at hindi nahalata ni Daddy na nakainom kung hindi malamang mapapalo na naman ako sa pwet or makakaltasan ang allowance ko.

Mabilis na lang akong nagshower dahil inaantok na din naman ako.

Hey Jen. Goodnight. See you tomorrow.
Nakangiti kong nilagay sa gilid ng unan ko ang cellphone pagkatapos kong maisend ang mensahe

Nakangiti pa akong pumikit.....

Lisa anak, paabot nga ng ketchup. Utos sakin ni Mommy

Mabilis ko namang inabot yun sa Mommy ko.

Ano po ba ang ginagawa niyo?

Sauce ng favorite french fries mo. Minimix lang naman itong ketchup at Mayonaise anak. Dyaraaan! Tapos na

Wow. Ganun lang po pala yun.

Ganun lang kasimple yun anak. Natatandaan mo ba?

Opo naman Mommy. Ako kaya ang top 1 sa klase namin.

Naku, napakatalino talaga ng anak ko. May mga kaibigan ka ba sa school?

Madami po. Gusto nilang kaibigan ako dahil mabait daw ako Mommy. Sabi pa nga ng isang kaklase ko, cute daw ako at mukhang manika.

Totoo namang mukhang manika ka anak. Sige na, kainin mo na yang french fries. Hindi mainit yan. Pagkatapos mong kumain isama mo na ang kapatid mo na maligo dahil pupunta tayo sa bahay ni Senator Pimentel. Doon tayo magdidinner.

Opo Mommy.

Excited kong pinaliguan si Chaeyeon.

Bakit pa tayo kasi isasama Ate. Matatanda lang naman ang aattend dun

Wala tayong magagawa kung hindi ang sumunod. Bilisan mo na at magbanlaw ka na.

Nakangiti na lang ako habang nagdadabog si Chaeyeon. Ayaw na ayaw kasi nitong sinasama kami nila Daddy dahil boring daw.

Sabi sayo Ate eh. Boring dito. Bulong ni Chaeyeon

Shhhh. Baka may makarinig sayo. Saway ko

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon