CHAPTER 122

29 2 0
                                    

JENNIE

Numbness....

Yun ang nararamdaman ko sa kasal nila.

Bumalik na naman yang bisyo mo. Alam mong bawal sakin ang usok ng yosi.

Mabilis kong pinatay ang yosi ng marinig ko na ang boses ni Sunmi.

Bakit di kana lang tumira dito? Andito ka na rin lang tuwing gabi.

Natawa na lang ako ng mapakla.

Nagsasawa kana ba sa pagmumukha ko?

Hindi pa naman. Mas okay ngang ikaw ang nakikita ko para gumanda din ang anak ko.
Ilang araw ko ng napapansin na hindi mo kasama si Mino.

Ahh, nasa Korea siya ngayon. Pinadala siya ng Daddy niya para sa isang partnership. Baka next week pa ang balik niya.

Akala ko wala na kayo kaya ka nagkakaganyan.

Tahimik kasi sa condo kaya andito ako. Baka mabaliw lang ako dun. Kamusta naman itong si Baby, di ba nagpacheck up kayo kanina? Tanong ko

Yeah. Sabay kami ni Sana kaninang nagpa check up.

Mabubuo na nila ang pamilya nila.

Itong akin naman, ilang tulog nalang. So far wala namang nakikitang hindi maganda kaya okay kami. Alam mo na bang magkakababy boy na ang Ex mo? Itong akin baby girl naman.

mabuti naman.

Pano ba yan, bubuo na ng pamilya si Seulgi. Ikaw? Wala ka pa bang planong magpatali? Matagal na naman kayo ni Mino.

Pano ko ba sasabihin talaga na bakla si Mino? Na hindi naman talaga kami? Kahit ang pamilya niya naghihintay na lang na ma engaged na kuno kami.

Hindi naman kami nagmamadali. 34 lang ako. 36 siya.

So? Kailan mo balak? Pag kwarenta kana at mahihirapan ka ng magbuntis? Aba Jennie, sayang naman ang lahi mo. Maawa ka din kay Jema, naghihintay na lang yun na mauna kayo ni Jin.

Sinabihan na namin si Jema if gusto na nila then go lang. Pero wala pa naman silang balak. Kaya huwag ako ang sisihin mo. Ayaw lang talaga nila ngayon.

Hindi ko talaga alam kong bakit napakalungkot mo. Sabi mo okay naman kayo ni Mino, and alam ko ding hindi ka naman namomoblema sa office ninyo or kung ganun man hindi mo naman dinidibdib. Tell me Jen, what's wrong? Nag aalala na ako sayo. Nagyoyosi ka na naman, so it means na talagang malungkot ka.

Umiling lang ako at bahagyang ngumiti. Ayokong mastress ang buntis ng dahil lang sa problema ko sa lovelife na wala na namang patutunguhan pa.

I am just tired Sunmi. Ang narerelax talaga ako pag andito ako sa paraiso. So, chill okay. Bawal mastress ang buntis.

Sigurado ka ha? Nangangayat ka na din kung hindi mo napapansin. Tsaka sorry kung hindi na kita masasamahan muna sa pagsesenti mo. Baka manganak ako bigla.

Alam ko, kabuwanan mo na kaya dapat nagpapahinga kana ngayon. Sige na, okay lang ako dito. I am perfectly fine. Pagtataboy ko na

Okay sige. Goodnight.

Isang buwan na lang din at manganganak na si Sana. Buti pa sila.

Napabuntong hininga na lang ako. Nagsindi nalang ulit ako ng yosi ng wala na ang buntis.

Napapadalas ata ang yosi natin ah. Problem?

Jagiya. Nakangiti kong sabi ng malingunan ang pinakamamahal ko

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon