CHAPTER 104

36 2 0
                                        

DEANNA

Kumakain kami ng dinner ngayon sa bahay. Nakikinig lang ako sa usapan nila Mommy and Daddy.

Tama naman kasi si Dad. Kailangan mo ba matatanggap si Seulgi Mom?

Tigilan niyo kong dalawa. Pag may nangyari na naman sa anak ko huwag niyong sabihin na hindi ko kayo pinagsabihan.

Mommy, tapos na po yong kung anuman ang sinasabi ninyong mangyayari. Sagot ko

Ewan ko ba diyan sa ina mo. Nakakaya niyang matulog ng mahimbing samantala ang Ate mo, buntis at nakikitira sa ibang tao na dapat tayo ang nag aalaga sa kanya. Kelan pa naging matigas yang puso mo? Inuuna mo pa ang sarili mo kesa sa kapakanan ng anak mo.

Napabuntong hininga na lang ako. Parati na lang silang nagbabangayan.

Aalis na muna ako. Paalam ko na lang dahil naiirita akong makinig sa kanila

Oh Deanna. Pasok.

Si Ate? Tanong ko kay Lisa

Nasa kwarto niya. Pasukin mo na lang. Kumain ka na ba?

Mamaya na. Silipin ko muna si Ate.

Kumakain kasi sila ng dumating ako.

Napasyal ka. Ginabi ka ata. Nagulat naman si Irene ng makita ako

Kakamustahin lang kita. Kelan ba lalabas yang pamangkin ko?

Anytime na daw sabi ni Doc kaya kita mo naman ang dalawang bantay ko, fullforce na sila ngayon. Kumain ka na ba? Sumalo ka nalang muna sa kanila. Halika.

Inalalayan ko siyang bumangon.

Kumain kana ba? Tanong ko

Nauna na ako. Light meal lang naman ako.

Napatayo naman ang dalawang bantay ni Ate ng makitang kasama ko siya

May nangyari ba?

Napailing na lang ako. Sino ba kasi ang totoong Tatay ng pamangkin ko?

Wala. Sinamahan ko lang si Deanna, hindi pa siya nagdidinner.

Ah ganun ba.

Buti pa dito, positive lang yong energy.
Naunang tumayo si Seulgi, tapos na naman kami pero parang wala ito sa mood kasi kaya napasunod na lang kami ng tingin.

May problema na yun? Tanong ko kay Irene

Masanay ka na. Ganyan talaga yan ngayon. Tuliro.

Nagpupunta pa din ba si Chae?? Huli ko ng naalala na kapatid pala ni Lisa si Chaeyeon

Oo, nanggugulo pa din sa mundo ni Seulgi.
Napatawa na lang si Lisa kaya tumawa na lang din ako

Hindi ko din magets ang kapatid ko. Noon, akala ko aayaw na talaga kay nakialam ako. Yun pala nag iinarte lang. Kay ayan ang napala. Iniwasan na tuloy.

Baka mahal lang niya talaga si Seul. Tugon ko

Nananakal na kamo. Ang laki na ng pinagbago ng kapatid ko kahit ako parang hindi ko na siya kilala. Tama nga siguro yong kasabihan ng iba na minsan sa mga barkada mo din yong pagbabago mo. Masyado kasing mga liberated ang pinagsasamahan niya ngayon unlike noon sa grupo nila ni Sana. Kaya pati si Sana parang nawalan na din ng Amor sa kanya.

Napatango na lang ako.

Matigas na ang ulo, ayaw ng masabihan. Kahit si Daddy sumuko na lang din kay Chae. Ayaw naman kasing sumunod. Kaya hinayaan na lang. Bahala na siya pag nag super saiyan na si Seulgi.

GAME OF LOVE (TAGALOG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon