CHAPTER 19

47 1 1
                                    

JEMA

KAhit medyo tumagilid kami sa 2nd set. Hindi pa din kami sumuko.

Yang number 25 nila yong parating nakakascore. 2 lang sila yong mas binibigyan ng setter nila. Kaya dapat diyan kayo mas maging focus. Tingnan mo.
Sabi ni Coach habang nanonood kami

Pinag aralan ko yong kamay ng spiker nila. Magaling nga siyang kumontrol ng spike niya.

Nice one!!! Sigaw ni Coach ng sa sunod sunod na combination play

Napakunot noo ako kay Seulgi. Bakit parang may iniinda itong sakit. Ilang ulit ko na siyang nakitang napapangiwi.

Nang mag 2nd technical time out. Kinausap ko siya.

Ano'ng nangyari? Bulong ko sa likod niya

Out of balance. Pero kaya ko to.

Ayan kana naman. Baka mas lumala yan pag sinabak mo ng sinabak.

Inakbayan lang niya ako at nakinig na kami sa instruction ni Coach. 16- 13. 3 na lang ang lamang ng kalaban.

Ibabad ko kayo, Jo, huwag masyadong sa harap dahil yong likod mo ang tinatarget ng 25 nila. Huwag kang mag alala at nandiyan si De leon sa harap mo. Cover lang kayo, kaya niyo to! Kang, nababasa na nila ang combi natin. Go for a quick play.

Okay Coach. Sagot naman ni Seulgi

Ready sa next set Wong. Sabi ni Coach kay Deanna

Agad na namutla si Deanna. Isa pa tong dagain eh.

Magwarm up ka. Baka himatayin ka. Sabi ko ng napatulala pa siya

Good Job!!!! Sigaw ng mga ka Team.

Hindi ko nakita kong ano'ng nangyari basta nakascore kami. Hahahah

Kim. Sub! Napatayo ako bigla

Akala ko kasi sa next set na ako papasok.

Nang tumingala ako. Patas na pala ang score namin. Nawala ata ako kanina.

Minalas ata ako dahil hindi pumapasok yong pasok ko.

Kalma. Sabi ni Seulgi sakin

24-21. Lamang ang kalaban namin.

Sorry... Sabi ko ng makuha ng kalaban ang 2nd set

Okay lang yan. Kalimutan na ang first at second set. Ngayon ko kayo kailangan Girls. Kunin natin tong first game natin. Huwag kayong magpaapekto sa kalaban. Matataas nga sila pero mas malakas tayo.
Kailangan natin ngayon gamitin ang diskarte, diskartehan niyo. Huwag magpanic. Kang, si Wong muna. Para new plays. Wong, huwag kabado! Enjoy niyo lang yong game, huwag masyadong seryoso.
Okay Go!!!!

Smile Deanna. Sabi ko na lang dahil halatang kabado talaga siya

Pero ngiwi ata ang nakita ko.

Go Deanna!!!! Sigaw naman ng mga kaibigan ko

Pero kabado talaga si Deanna, tatlong sunod sunod na error ang nagawa niya. Double touch palagi.

Boss D!!! Focus!!! Sigaw ni Seulgi

Yun lang ata ang hinintay niya. Encouragement from Seulgi. Dahil nag iba bigla ang mga mata niya.

Dinibdiban niya ang sarili niya sabay turo kay Seulgi. Eh di sila na ang sweet.

Pero olats pa din. 16-8 lamang ang kalaban.

Girls, nakuha na natin ang first set. Kaya alam kong kaya natin silang talunin.
Nasa mga kamay niyo nakasalalay yun hindi sakin. Kahit ano'ng sigaw ko dito or pagbibigay ng instructions sa inyo kung hindi niyo naman magawa ng tama wala ding silbi. Anupa't nababad kayo sa training kung hindi niyo naman magagamit ang mga tinuturo sa inyo? Maniwala kayo sa mga sarili ninyo, may tiwala ako sa inyo.

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon