IRENE
Hindi na muna ako nagpapakita kina Lisa at Wendy dahil napansin ng bodyguard ko na may nakamanman saming isang lalaki.
Sigurado ka bang hindi mo nakikita yong mukha? Tanong ni Wendy thru phone call
Masyado siyang malayo. Pero naging pamilyar na kay Vince(name ng bodyguard) yong motor niya. Don't worry hindi naman siya makakapasok sa Village. Naka alert na yong motor niya sa mga Guard.
Pero mag ingat ka pa din. Mukhang ikaw ang suspek nila sa pagtatago ng mga documento.
Mukha nga. Pero wala siyang makukuha sakin. Basta, hindi na muna ako sasama sa inyo. Mahirap na at baka mabulyaso pa kayo. Kayo din, mag ingat kayo malamang may nakasunod din sa inyo. Bilin ko
Alam ko. Kaya nga pinagawa ko na lang sa tauhan ko yong dapat ay gagawin ko. Kahit si Jema mukhang may sumusunod sa kanya kaya may bodyguard na siya ngayong apat.
Mas mabuti nga yun. Mahirap na at baka may mawala na namang isa satin. Tama ng umalis sina Joy.
Sabi koSabihan mo din ang kapatid mo na mag ingat. Naging bestfriend din sila ni Seulgi at baka pati siya pinaghihinalaan.
Huwag kang mag alala. May nakabantay sa kanya ng hindi niya alam. Ayaw kasi niyang may nakabuntot sa kanyang Bodyguard kaya sinikreto ko na lang ang paglagay.
Oh siya. Wala pa namang update. Sige na.
Sige Wendy. Bye
Hanggang ngayon nawawala pa din sina Seulgi. Mas lalo lang akong natatakot, dahil habang tumatagal na magkasama sila ni Jennie hindi malabong magkahulugan sila ulit ng loob.
Mahirap kalabanin ang First Love. Yun ang sabi ni Wendy. At mukhang tama siya.
Napaparanoid na naman ako. This past few days parang nawawalan na ako ng bilib sa sarili ko. At sa relasyon namin ni Seulgi
Kailangan ko na bang Bumitaw Seul?
Kausap ko sa picture niyaI really missed you honey. Okay ka lang ba? Hindi ka ba pinahihirapan diyan?
Tumulo naman kaagad ang luha ko. Ganito ako ngayon, nagiging iyakin. Nanghihina na kasi ang loob ko eh.
Buhay ka pa ba Seulgi?
--------------------
SEULGI
Pagod na pagod na kami ni Jennie sa kakatakbo. Nakakita kami ng pagkakataon na makalabas pero hindi namin kabisado ang Japan.
Seul, hindi ko na kaya. Reklamo na ni Jennie
Just a little bit. Sabi ko ng may parang maaninag akong bahay
It's so cold. Reklamo pa niya
Konting tiis pa Jen. Baka may nakaalam na na wala tayo doon. We need to go now.
Kahit naaawa ako kay Jennie kailangan naming makahingi ng tulong. Hindi ko kasi akalain na nasa dulo ng walang hanggan pala yong pinaglagyan samin.
Nakarating kami sa pinakabayan na siguro pero hindi pa din kami tumigil sa paglayo. Kung susumahin, siguro mga 5 oras na kaming lakad takbo at yong direksyon na natunton namin ay biglang umulan ng snow. Kaya kahit nanginginig na din ako, hindi ko pwedeng ipakita yun.
Halos maiyak na ako dahil ilang beses ng natumba si Jennie. Namumula na din ang pisngi niya dahil sa lamig.
Seulgi. Hindi ko na talaga kaya.
Parang maiiyak na sabi niya
BINABASA MO ANG
GAME OF LOVE (TAGALOG)
General FictionHow will you play in a game called Love? Is it JenSeul? Seulrene? Wenrene? Jenlisa? SeulYeon?(seul, chaeyeon) Lirene?( Lisa, irene) Joygi? Gawong? Seulje? ( seul, jema) Wenjoy? Introducing: GAWONG DEANNA WONG, JEMA GALANZA Published: May 14, 2022