CHAPTER 90

41 2 0
                                    

JENNIE

2days na lang at kasal na ni Sunmi at Chanyeol. Ako ang Maid of honor at si Jin ang Bestman.

Ngayon ang Ladies night ni Sunmi and makakasama ko si Seulgi at Chaeyeon, Jema at ibang kamag anak ni Sunmi.

Ready kana ba? Tanong ni Jema

Yap. Andun na ba ang iba?

Papunta na sina Seul. Nakausap ko na din ang kapatid ni Sunmi they are on their way na.

Okay. Tumayo na ako sa harapan ng mirror

Ako na lang din ang nagdrive ng kotse namin.

Ayan sila. Magkakasunod lang pala tayo. Sabi ni Jema

Mas kilala pa niya ang mga kapatid at kamag anak ni Sunmi kesa sakin. Siya din ang inasatan ni Sunmi na mamahala ng Bride Shower na to.

Nakipagbeso beso naman ako kay Chaeyeon at nginitian ng konti si Seulgi.

3 years na silang naninirahan sa Korea. Noong isang linggo lang sila umuwi para sa kasal.

And ngayon lang kami nagkita dahil hindi ako umaattend ng rehearsal.

Sa Hotel namin ginanap yong Bridal Shower, yong pinakamalaking room ang kinuhan ni Jema, regalo na niya kay Sunmi yong renta for tonight.

Kantahan, tawanan at sayawan. Umiinom lang ako sa sulok. Parang di naman mahulugan ng karayom ang pagkakadikit ni Seulgi kay Chaeyeon.

Hanggang sa lumalim na ang gabi. Isa isa ng binubuksan ni Sunmi ang mga paunang regalo namin. In short, Daring and Naughty yong theme kaya pahalayan ng regalo.

Ano to Seul?
NAluluha na sa kakatawa si Sunmi

Whipped Cream. Bakit? Hindi mo alam?

Siraulo ka talaga. Kung ano ano na tuloy yong naiisip ko.

Andumi ng utak mo. Ilagay mo sa kape or sa Hotdog.

Napatili naman si Sunmi sa pinagsasabi ni Seul.

Natry niyo ba to? Tanong pa ni Sunmi sa dalawa

Ay n....
Agad na tinakpan ni Chaeyeon ang bibig ni Seulgi

Wala akong kinalaman diyan sa regalo niya at hindi pa namin tinatry. Wag kang maniwala sa damuhong to. Sabi ni Chaeyeon

Itatry palang. Mabilis na sabi ni Seulgi

Napatakip na lang ng tenga si Chaeyeon.
Bumaha ng alak dahil wala namang uwian to.

Naunang bumagsak ang Bride dahil sa pagod ito. Sinamahan na lang ng mga kamag anak niya sa kwarto dahil mga mahiyain.

Si Jema parang lasing na din dahil kanina pa walang tigil sa kakasalita.

Halika na kasi at lasing ka na. Ilang besea ko ng narinig yun na sinabi ni Seulgi

Hindi ako lasing. Sagot din niya

Bahala ka na. Binitiwan na lang siya ni Seulgi

Kayo, kelan ba kayo magpapakasal ha? Akala ko ba mauuna kayo?
Tanong niya sa dalawa

Next year na. Busy pa kasi. Tsaka pinareresign ako ng loko lokong to kaya humingi ako ng hanggang next year. Europe na kasi ang flight ko ngayon kaya sayang naman. Sagot ni Chaeyeon

Huwag kang makikinig dito. Lolosyangin kalang niya.

Ang bunganga mo naman Jemalyn. Losyang kaagad? Palibhasa bitter ka. Pinitik pa niya si Jema sa noo

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon