CHAPTER 48

31 1 0
                                    

CHANYEOL

Hindi na ako nakabalik sa office ng hapong to dahil nakatulog ako. Masama kasi ang pakiramdam ko kanina kaya napauwi na lang ako.

Pababa na ako sa hagdan ng marinig kong may kausap si Mommy.

Tzuyu? Pilit kong kinikilala yong boses

Agad akong napatago ng makita ko sila sa sala.

What do you mean na hindi mo pa alam kung nasaan siya? Tanong ni Mommy

Tinatago siya ng mga kaibigan niya.

Mukhang uneasy ang mga ito. Ano ba talaga ang gusto ni Mommy kay Seulgi? Pinalayas niya tapos hahanapin niya? Hanep ng trip.

Sabi mo Tita hindi magtatagal at babalik din siya dito dahil you cut all her cards. Pero bakit 5days na hindi pa din siya bumabalik?

Maybe tinutulongan siya ng mga kaibigan yan.

Yun na nga ba ang sinasabi ko sa inyo eh. Mga mayayaman ang mga kaibigan niya kaya hindi tatalab yong pagpapalayas niyo lang sa kanya. Kailangang ipitin pa siya natin para matuloy ang kasal namin.

What do you want me to do? Kidnapin ko siya para hindi makalawa? You know i can't do that!

Mga pakialamera din ng mga kaibigan niya!
Sigaw din ni Tzuyu

What's with this two? Bakit ba atat na atat ang mga to na maipakasal si Seulgi?

Alam ninyong hindi ko makukuha ang 100 Million kung hindi si Seulgi ang pakakasalan ko Mom.

What? Mom?

Kumalma ka kasi at hindi ako makapag isip ng maayos!

Ano pa ba ang sekreto ng ina ko? At ng Pamilyang Chou. Alam kong kapatid ko si Tzuyu, pero akala ko sa ama lang? Ano ba talaga ang katotohanan.

Napakatuso din ng ina mo. Mamamatay na lang ang dami pang hanash. Bakit hindi niya na lang na ibigay sayo ang Mana mo? Pera naman yun ng ama mo! At yang ama mo din, bakit pumirma din sa Last Will and testament na yun.

Mamamatay na si Mrs. Chou? Parang ang bata pa naman niya at ang lakas the last na nakita ko

Sabi ko naman kasi sayo, suyuin mo si Seulgi. Hindi mo makukuha yun sa pananakot. Pero ano'ng ginawa mo, binigyan mo pa siya ng rasun na lalong lumayo sayo. At kaibiganin mo yong mga kaibigan niya, dahil mas kakampihan niya yun kesa sayo.

I don't like them! Masyado silang prim and proper. Akala mo mga santa. Hindi ko kayang makipagplastikan sa kanila. Sagot naman ni Tzuyu

Wait? So alam na din ni Tzuyu na magkapatid kami at hindi totoong anak ni Mom si Seulgi?

Humingi ka kaya ng tulong sa Kuya mo, mas malapit yun kay Seulgi.

Ayoko nga. Ayaw niya naman sakin noh.

Di bahala kang gumawa ng paraan.

Mabilis akong napatakbo palabas ng Veranda para hindi ako makita ni Mommy.

Tumambay na lang muna ako doon at nag isip. So, para lang sa Mana? Napaka Cheap naman ng Nanay at Kapatid ko. Parang akala mo naghihikahos na kami.

Nakaisip ako ng paraan kaya umalis na muna ako. Parang nawala ang masamang pakiramdam ko dahil sa maga natuklasan ko.

Good Afternoon po. Pwede ko po bang makausap si Mrs. Chou? Tanong ko sa guard nila

Sino po sila?

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon