CHAPTER 82

28 2 0
                                    

LISA

Marahan kong hinilot ang batok ko. Ilang buwan na pero hindi pa din madakip dakip si Yushinmoto.

Having a hard time anak?

Mommy. Napangiti ako

Ibigay mo na sa mga kinauukalan yang pag iimbestiga. Wala tayong magagawa kung ang mismong Japan ay tinatago sila. Dating Prime Minister nila yun kaya pinoprotektahan nila not because of that, but because masisira ang bansa nila sa mata ng ibang nasyon.

I know Mommy. Pero, naniniwala ako na nasa Japan din si Jennie.

Don't ever think of setting foot there young lady. Na expose na kayo ni Wendy, malamang kilaka na nila kayo. Do you think they'll gonna welcome you there with a warm welcome?

Hindi naman ako aalis Mom. Iniintindi ko lang itong report. Alam ko naman na hindi sila nakaalis sa Japan.

At isa pa, mahina daw ang ebidensiya ninyo laban sa hapong yun dahil walang may lakas na loob na tumayo bilang witness sa mga nasakote na. Meaning takot silang lahat sa hapong yun.

Lalo atang sumakit ang ulo ko.

Lisa...
Napatingin kami ni Mommy sa tumatakbong si Wendy papalapit samin

Bakit?

Hinintay muna naming makahinga na ito ng maayos.

Tumawag si Jema sakin. Nakatakas daw si Seulgi at Jennie. May kumukopkop sa kanila ngayon sa Japan, isang Korean din pero dito din lumaki sa pilipinas.

Napatayo ako bigla. Did i hear her right?

Pano nalaman ni Jema?

Yong nakakita kina Jennie, kilala si Jin. Siya ang nagsabi kay Jin na nasa mabuting kamay na sila. Pero ang problema, hindi sila makaalis sa Japan, dahil pinalabas na Wanted silang dalawa dun.

Are they okay? Ano na ang itsura nila?
Sunod sunod na tanong ni Mommy

Okay naman daw sila Tita, may mga minor bruises lang sila. Nakakita sila ng pagkakataon na tumakas at parang 5 to 6 hours silang nagpalaboy laboy sa daan hanggang sa makita nga sila ng tumulong sa kanila and thankfully pusong pinoy din. Excited na sagot ni Wendy

We have to make a plan. Pero kailangan nating mag ingat. On the run pa ang Hapon at si Pacita. Malamang may mga bantay na sa lahat ng posible nilang daanan palabas ng Japan. Hindi ito magiging madali para sa kanila lalo at masyadong strikto ang opisyal ng Japan. Sabi ni Mommy

Yun nga ang sabi ng tumulong sa kanila Tita. Dahil matagal na itong nagtatrabaho sa Japan. Lalo at may nakapagturo pa na siya ang tumulong. Buti at may underground yong bahay niya dahil marami palang akyat bahay dun sa lugar nila. Sa ngayon dun sila nagtatago sa baba.
Sabi pa ni Wendy

Mahihirapan nga tayo. Lalo at kilala din tayo ng mga tauhan ni Pacita. Napakadelikado. Sagot ko

Kelan pa sila nakatakas? Tanong ni Mommy

10days ago pa Tita. Natayming din na pauwi ng pilipinas yong tumulong sa kanila. Nasa iisang industry sila ni Jin kaya hindi ito nahirapang makipag usap kay Jin.

We need to protect that person. Baka kung ano'ng gawin sa kanya if ever na matuklasan nga na andun sina Jennie sa kanila. But we don't have a person in Japan. Sagot ni Mommy

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi nga ito magiging madali.

Pero atleast nasa safe place na sila ngayon. Hindi pwedeng madaliin ang pagplano ng rescue sa kanila. Dahil once na mga hapon ang makauna sa kanila, siguradong mas matatagalan sila sa Japan.

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon