JEMA
Nag eempake nako ng gamit ko dahil bukas babalik na kami ng Manila. Magsta start na kasi ang Professional League na sinalihan namin.
Magkasama kami ni Deanna sa iisang team na pagmamay ari ng Company nila. Nagpatayo si Tito ng Team last year lang kaya syempre hindi na kami nag renew ng kontrata sa dating team namin.
First Year palang namin sa League for this New Team. Kaya maaga kaming pinapareport para mas makatraining kami ng maayos at makapag bonding na din.
Kaya na naman ni Dad at Jennie ang kumpanya. 3 months ang training namin. With free Board and Lodging, iisang bahay lang ang tutuluyan namin para maging familiar kami sa isa't isa.
Lumabas ako ng makatapos, naisip kong magbinyag ng halaman sa labas ng gate namin dahil nabobored ako ng makita kong bumukas ang gate nila Seulgi.
Nanay Lucy!
Jema.
Mabilis kong pinatay ang gripo at tinulongan ito sa mga dalang bag.
Saan po kayo ngayon Nay? Ihahatid kona lang po kayo.
Dun sana sa apartment. Mahinang sagot niya at nagpalinga linga pa
Nagtext sakin si Seulgi. Huwag ko daw ipaalam kung saan ako pupunta lalo na kay Senyora kaya hindi nila ako masundo dahil baka may makakita. Luminga na naman ito
Ano po ba ang sabi ninyo kay Tita? Saan kayo pupunta?
Sabi ko uuwi akong bicol.
Naku Nay Lucy, parang iba naman kayo. Malapit lang naman dito ang Terminal ng Bus papuntang Manila eh.
Nagulat pa ito ng biglang lumakas ang boses ko. Pero parang nagets na din niya kung ano ang ginagawa ko.
Pumasok na po muna kayo at kukunin ko pang yong bag tsaka susi. Sabi ko pa
Tinawag ko muna si Rigor dahil mabigat ang dala ni Nanay Lucy.
Kumuha na lang ako ng jacket para ipating na lang sa tshirt ko
Samahan mo kami Rigor. Ihahatid natin si Nanay kina Seulgi.
Ah sige po.
Nang palabas na kami ng village ako nag usisa sa kanya.
Bakit po parang napakarami naman ng dala ninyo? Sa inyo po lahat yan?
Mga gamit nila ito. Isang bag ang akin. Magtataxi naman sana ako.
Ah ganun po ba. Akala ko naman sa inyo lahat yan Nay. Ang bigat kasi. Saan ka daw nila susunduin?
Naghihintay na sila sakin sa labas ng Apartment. Wala bang nakasunod satin?
Napatingin naman kami sa likod. Pati si Rigor naging mapagmatyag na din.
Parang wala naman po Nay. Pero para makasigurado tayo, mag ikot ikot muna tayo para makita natin kung may nakasunod nga satin.
Mabuti pa nga hija. Andun kasi si Senyora ng umalis ako. Nag aayos din ng gamit. Hindi ko lang alam kung natutunugan niya, dahil nakita naman niya akong umaakyat.
Wala namang kaduda duda na sasakyan kaya dumiretso na ako sa short cut papunta ng Apartment.
Napakunot noo ako dahil andun din si Irene at nakapambahay. Kumaway naman silang apat ng makilala ang kotse ko.
Nay! Nag group hug pa talaga sila sa harapan namin
Hindi ko alam na tagadito kana din pala. Sabi ko kay Irene
BINABASA MO ANG
GAME OF LOVE (TAGALOG)
General FictionHow will you play in a game called Love? Is it JenSeul? Seulrene? Wenrene? Jenlisa? SeulYeon?(seul, chaeyeon) Lirene?( Lisa, irene) Joygi? Gawong? Seulje? ( seul, jema) Wenjoy? Introducing: GAWONG DEANNA WONG, JEMA GALANZA Published: May 14, 2022
