SUNMI
Noon pa ako nacucurious sa bodega. Kung bakit parang ang laki laki ng itinayo nila. Yun pala ang nasa.
Nagulat talaga ako ng makita kong andaming biglang taong papasok ng paraiso. Yun pala alam na nila na incase of emergency, dito sila tatakbo.
Parang lalo akong nainlove sa asawa ko. Walang ulan ulan, bagyo, baha or malakas na hangin ang makakapigil sa kaniya.
Tart. Tawag ko sa kanya
Nasa kama na kami noon.
Hmmmm. Tugon niya
Matagal na ba kayong tumutulong? I mean if my sakuna?
Yeah. Maliit palang kami ni Seulgi ginagawa na ni Mom and Dad ito. Kaya nalakihan na namin ang tumulong. Napapansin mo siguro na mahilig magstock si Dad ng ilang sakong bigas every summer right?
Tumango akoKasi nireready niya na yun sa tag ulan. Pero ngayon lang talaga binagyo ulit itong bayan natin. Tapos si Seulgi di ba mahilig mag imbak ng medicine and other stuff? Para din yun sa mga ganitong event. Natayming lang na yong Fiance niya ngayon is Doctor. Kaya perfect timing.
Ngumiti nalang ako.
Lumaki kasi si Dad na hindi marangya ang buhay nila. Lahat daw naranasan na nila, masunugan, mabahaan, mapalayas sa lupang pinatayuan nila ng bahay, mabagyo, matulog sa evacuation center. Matulog sa karton lang. Kaya alam niya ang feeling.
Tumango ulit ako. Naranasan ko din yun noon kaya kayod kalabaw ako noon sa Japan.
Parati niyang sinasabi samin na maswerte kami dahil hindi kami naghirap noong mga bata pa kami. Na bahay kami, hindi kami nawawalan ng food sa table. Minulat niya kami na pag kaya naman naming tumulong huwag na huwag kaming magiging madamot. Kasi pera lang naman yun. And stable naman daw ang company namin, hindi namin problem yong pera. Kaya never kaming nagdamot lalo pag may mga ganitong sakuna. Mas importante daw ang buhay ng tao kesa sa pera. Kasi makikita naman ang pera pero hindi na maibabalik pa ang buhay ng tao. And masarap sa feeling ang alam mong nakakatulong ka. Masabihan ka lang ng salamat, ngitian ka lang nila hindi mo mafifeel yong pagod mo. Kasi malay natin di ba sa huli pag tayo naman ang mangangailangan sila din ang tutulong satin.
Nahalikan ko na lang ang asawa ko. Ang swerte ko naman pala sa Pamilyang to. Hindi talaga ako nagkamali. Kaya siguro ako ang naging way ng diyos para tumulong kay Seulgi noon.
Si Seulgi naman. Si Seul yong pinakamalambot yong puso samin. Lalo na sa mga bata at matatanda. Umiiyak talaga yun noon pag may nakikita siyang batang nasugatan sa pagmamadaling mag evacuate or lolang nabasa sa ulan. Nagkasakit, inubo. Mga ganun, kaya nag iimbak talaga siya ng gamot. Akala ko nga noon magdodoctor si Seulgi eh.
Ano ba talaga ang gustong course ni Seul? Di ba hindi naman pagiging Chef yong gusto niya? Tanong ko
Mas gusto niyang maging Boss ng company namin. Kaso ayaw ni Mom kasi nga panglalaki daw yun na job. Tapos maawain pa si Seulgi so akala ni Mommy baka mauto lang siya or mascam. Hindi kasi kilala ni Mommy si Seulgi dahil nga hindi naman sila naging close. Ang hindi niya alam, napakatalino ni Seulgi, she may looked vulnerable pero hindi mo yun basta basta maloloko. Matigas din kaya ang loob non.
Alam mo Tart. I am so proud of myself. Tugon ko
Why? Takang taka naman siya
Because i met Seulgi. Kaya nakilala kita. Nakilala ko ang pamilya ninyo. Akalain mo yun, maglilimang taon na tayong kasal pero ngayon ko palang kayo nakikilala ng deeper. Kasi hindi naman kasi kayo mayabang. Parang ganun. Nakikita ko na lang na ginagawa niyo na. Kaya nagugulat ako. Ni hindi ko alam na evacuation center pala yong taas ng bodega eh. Tapoa yong pag iimbak ni Dad akala ko para yun sa Food Park or sa Reataurant yun pala para yun sa mga tao.
BINABASA MO ANG
GAME OF LOVE (TAGALOG)
Ficción GeneralHow will you play in a game called Love? Is it JenSeul? Seulrene? Wenrene? Jenlisa? SeulYeon?(seul, chaeyeon) Lirene?( Lisa, irene) Joygi? Gawong? Seulje? ( seul, jema) Wenjoy? Introducing: GAWONG DEANNA WONG, JEMA GALANZA Published: May 14, 2022