CHAPTER 66

31 1 0
                                    

IRENE

Nag empake na muna ako ng gamit bago pa ko magpaalam. Bahala na.

Saan ka pupunta? Tanong agad ni Mommy

Mom, kailangan ako ni Seulgi ngayon.
Sinabi ko na lang ang totoo dahil ayaw ko talagang magsinungaling.

Nasisiraan kana ba talaga ng bait anak? Pagkatapos ng ginawa niya sayo?

Just this once Mom. Promise after na maging okay na siya makikipagbreak na ko.

Bakit? Kayo pa ba? Alam ba niya? Kilala kita Irene baka ikaw lang talaga ang naghahabol sa kanya.

Mom please. Magalit man kayo sakin ngayon , okay lang. Kailangan ko lang talagang gawin to.

Bahala kana nga sa buhay mo. Huwag kang iiyak iyak pagbalik mo ha. Andaming lalaking nababaliw sayo bat sa isang..

Sa isang ano mOm? Bakit hindi niyo sabihin? Nakalimutan niyo bang may ganun din kayong anak? The way you talked parang diring diri din kayo kay Deanna.

Ayusin mo yang pananalita mo ha. Bakit parang nahawa ka na talaga sa kapatid mo? Ganyan ba ang epekto sa inyo ng pakikipaglapit dun sa Koreanang yun?

Hindi na lang ako sumagot dahil hahaba lang ang argumento namin.

Hindi ko alam kung kailan makakabalik. Pero magrereport ako sa office everyday.
Bilin ko na lang

Agad na akong umalis at baka kung ano pa ang marinig kong ikakasama lang ng loob ko.

Good Evening po. Bati ko ng makita sila sa sala kasama si Tito Nathan

Andito kana pala Irene. Nakadinner kana ba? Tanong ni Tito Gero

Tapos na po. Gising po ba si Seulgi?

Akyatin mo na lang. Kasama niya dun si Jennie. Sagot ni Tita Sofia

Sige po. Akyat po muna ako. Paalam ko na

Nasa hagdan palang ako parang ang lakas ng kaba ko. Pero ayokong maging malisyosa. Bukas naman ang pintuan ni Seulgi kaya napahinga ako ng maluwag.

Pero napatigil ako sa pintuan ng makita kong parang ang sweet naman nila. Nasa mukha ni Jennie ang isang palad ni Seulgi, yong isa naman nakahawak sa braso.

Andito ka pala Jen.
Napagpasyahan kong putulin na lang kung ano man ang ginagawa nila

Sabay pa silang nagulat. Ambilis ding tumayo ni Jennie na nakaupo sa gilid ng kama.

Yeah. Pinasyalan ni Dad itong pasyente natin. Nakapagpaalam ka ba? Tanong ni Jennie

Yeah. Don't worry alam naman nilang dito ako pupunta.

Mabuti naman. Pano, maiwan ko na kayo. Paalam na niya

Salamat Jen. Sabi ni Seulgi

Ikaw pa. Sige na. Rene, mauna nako.

Salamat. Sagot ko din

Kinuha ko na lang ice pack na iniwan niya. Hindi ito umiimik kaya hindi din ako nagsasalita.

Ouch..

Sorry. Masakit ba banda dito?

Yeah. Matulis ata yong ice. Reklamo niya

Tiningnan ko naman ang ice at inayos na lang ang pagkakasalansan.

Yong kamay mo kung saan saan na. Saway ko ng nasa bewang ko na ang isang kamay niya

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon