SANA
Napataas kilay ako ng makitang babae ang kliyente niya. Wala naman sakin yun kung hindi lang siya ganun makatingin.
Pinapasadahan niya kasi ng tingin si Seulgi na parang pagkain. Kaya parang umandar ang protective instinct ko.
This is the first time na feeling ko selos na selos ako sa isang babae kahit wala namang ginagawa kundi ang tumitig kay Seulgi.
Hmmm. Tama nga ang sabi nila. Masasarap ang mga pagkain dito.
Pero bakit ang arte ng pagkakasabi niya. Parang iba talaga ang dating sa pandinig ko. Is she seducing may fiancé in front of me?
Lahat ng chef dito dumaan sa training ng fiancé ko. Diniinan ko pa talaga ang fiancé ko
Really? So your a chef also?
Yeah. Sagot naman ni Seulgi
Interesting.
Interesting!? Ganun ba dapat ang sagot dun? Ano'ng interesting dun? At bakit ayaw niya akong tingnan? Na kay Seulgi lang talaga ang tingin niya
Parang mas na excite akong maging partner ka Miss Kang. And to try your cooking skills. If ganito kasarap magluto ang mga chef mo dito how much more yong trainor.
Mas masarap siguro.Ayan na naman siya sa ginagamit niyang words. She's playing her words. Ansarap hilahin ng dila niya.
Pinisil naman ni Seulgi ang hita ko. Nag uusap na kasi sila about sa magiging plano nila if ever na matuloy ang project nila.
They are exchanging ideas. This is the first na narinig kong makipag usap si Seulgi sa client. And she is amazing.
Cool lang ito. Parang lalong pumogi si Seulgi sa mga mata ko.
Teka, kung ganito ang tingin ko kay Seul don't tell me ganun din yong kausap niya? Kaya napatingin ako sa mukha ni Miss Kim.
She really look so impress habang nakikinig. Bakit ganun siya ngumiti? Parang iba yong tinatakbo ng isip niya habang nakatingin kay Seulgi.
Ang Hot kasi ni Seulgi sa suot niyang loose tshirt, nakalugay ang buhok.
Jisoo will keep you company. Sorry inaantok kasi ako. Kakarating lang namin kanina. Sabi ni Seulgi
It's okay. Magtatagal pa naman kami dito sa Cebu so i can go back here anytime. May bahay naman kami malapit sa airport. I'll you the details nalang about sa Business plan. See you around.
Kumulo ata ang dugo sa ulo ko ng dumukwang siya at halikan sa pisngi si Seulgi.
Thanks for the lunch. Maarte pa niyang sabi bago kumending na sumama kay Jisoo
Tinalukaran ko si Seulgi. Uminit talaga ang ulo ko.
I am sorry mahal. Agad na sabi ni Seulgi ng makarating kami sa bahay
Wala kang kasalanan. Pilit kong kinakalma ang loob ko
Pero namumula ka. Alam kong kanina ka pa nagtitimpi. Niyakap niya ako
Bakit kasi ganun yon magsalita? Parang lahat ng lumalabas sa bibig niya may ibang meaning?
Natawa naman si Seulgi. Isa pa to, aliw na aliw.
Binibigyan mo kasi ng ibang meaning kaya ganun ang dating sayo. Chill Mahal. Hindi ko balak na palitan ka.
Binatukan ko na lang siya dahil tuwang tuwa pa talaga siya.
Mahal naman. Ang cute mong magselos. Baka hindi na tayo makalabas dito pag ganyan ka kacute. Pambobola na niya sakin
Mabuti pala at sumama talaga ko. Kasi kung wala ako dito malamang iba na ang ginagawa ninyo.
BINABASA MO ANG
GAME OF LOVE (TAGALOG)
Ficção GeralHow will you play in a game called Love? Is it JenSeul? Seulrene? Wenrene? Jenlisa? SeulYeon?(seul, chaeyeon) Lirene?( Lisa, irene) Joygi? Gawong? Seulje? ( seul, jema) Wenjoy? Introducing: GAWONG DEANNA WONG, JEMA GALANZA Published: May 14, 2022