CHAPTER 76

32 1 0
                                    

SEULGI

Nahiya ako kay Jennie kay naggalit galitan na lang ako. Joke lang sana yong pagplay ko ng video eh, hindi ko akalain na action na pala agad yong makikita namin

Aware naman akong umiiwas siya sakin, hindi naman ako manhid. Kaya kahit ayaw kong matulog minsan pumapasok na lang ako sa kwarto para makalabas siya.

Sorry na. Please. Babe.

Babe. Babe. Parang batang panggagaya ko

Ang cute mo.

Alam ko.

Tinawanan naman niya ako kaya natawa na lang din ako.

Ayan na. Tumawa na siya. Ayieeh..
Sinundot sundot pa niya ako sa tagiliran

Mangnanakaw ka talaga!
Pinaghahampas naman niya ako ng unan

Gusto mo naman.

Slight. Antamis ng labi mo eh.

Arte mo. Sagot ko

Eh ano naman? Maganda ako eh.

Edi ikaw na ang maganda. Sagot ko

Pero cute ka. Infairness.

Ako pa ba! Napabulalas pako

Ay ang kapal din. Tugon niya

Syempre. Mana lang sayo. Pakanta ko pang sagot

Napahiyaw na lang ito ng mahina ng paghahalikan ko sa leeg niya.

Nakikiliti ako. Marinig tayo sa labas eh.
Saway na niya sakin

Jen.
Seryoso na ko

Hmmmm....

Sana kung safe tayong makabalik, sana ganito pa din tayo. Ayokong hindi moko pinapansin. Tugon ko

Seul, alam mo namang pinagseselosan ka ni Lisa. Sagot niya

Mahal mo? Tanong ko

Oo naman noh. Kahit kasingtigas kayo ng ulo ng kumag na yun hindi naman siguro ako magtatagal sa kanya kung hindi.

Sino mas mahal mo samin?

Ang landi mo talaga Seulgi. Napaka. As in.

Ako di ba?

Napakakapal din ng guts mo. Sagot niya

Bakit ayaw mo kasing sagutin?
Pang aasar ko lalo

Seulgi, break na kami ni Lisa.

nawala naman ang ngiti ko.

Talaga? Bakit?

Pinagseselosan ka nga. Paulit ulit?

Bakit ako? Ni hindi nga tayo nag uusap.

Yun na nga eh. Since nanood tayo nong game, noong binugbog ka niya hindi na kami nag usap. Ayaw na din ni Daddy sa kanya.

Unfair naman yun kay Lisa. Tugon ko

Panong naging unfair? She asked for a last chance. Pinagbigyan ko kasi nga mahal ko, pero sinayang niya lang. Paulit ulit na lang din na laging ikaw ang pinag aawayan namin. Nakakasawa na, nakakapagod na. I tried to save our relationship thou. Pero siya mismo ang sumisira nun. We are not a teenager anymore na away bati, away bati na lang parati. We are an adult now, all i am asking is for her to be more understanding and matured.

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon