JEMA
Napakunot noo na naman ako, anim na buwan na kasi akong nakakatanggap ng flowers sa office. Wala itong note or whatsoever kaya wala akong alam kung kanino nanggaling.
Mukhang seryoso ang secret admirer mo Maam ah. Sabi ng Executive Assistant kong si Henry
Wala pa din bang note? Tanong ko
Wala Maam eh. Ayaw ding magsabi ng delivery boy kung sino ang nagpadala. Baka daw mawalan siya ng trabaho.
Hayaan mo na lang. Baka may nagtritrip lang sakin. Kamusta nga pala yong meeting ninyo ni Jennie?
So far so good. Wala naman akong masyadong ambag dahil magaling naman talaga si Madame Jennie.
Ginalingan na naman pala niya? Nakangiti kong tanong
Ay Naku Maam. Nakatulala na lang yong mga koreans na kausap namin. Aba, hindi ko na imagine na marunong pala yun mag korean noh. Pati pala ako natulala.
Natural marunong yong mag korean eh korean/chinese si Daddy noh. Tsaka bookworm yun noon. Pinag aralan talaga niya yong language na yun dahil korean ang unang syota niya. Kwento ko
Talaga. Kaya naman pala. Pero nakakatakot yong Si Madame. Ni hindi ngumingiti.
Hayaan mo na lang at heartbroken yun. Sige na, bumalik ka na sa table mo. Unahin niyo palang pasahudin yong Maintenance Team ha. Nag request kasi silang mag Cash Advance, pero yong sahod na lang ibigay ninyo.
Yes Maam. Tawagan ko ang HR na e ready na papers.
Tinabi ko na lang ang flowers. Wala na kasi akong paglagyan dahil fresh pa yong iba. Nagmukha na tuloy flower shop itong office ko.
Kinuha ko na muna ang files na ididiscuss ko kay Jennie tsaka binitbit ang bouquet.
Good Morning Maam. Bati ni Ivy
Good Morning. Busy ba ang boss mo?
Hindi naman po masyado Maam. Kausap niya si Mia sa loob about her schedule for today. Pasok na lang po kayo
Salamat Ivy. Paki arrange na lang to at ilagay mo sa loob ng office ni Ruby Jane. Para magkabuhay naman ang ambiance.
Natawa lang ito.
Knock!knock! Sabi ko sabay silip
Good Morning Maam. Bati ng EA niya
Good Morning.
Bakit ikaw pa mismo ang nagdala niyan? Busy na ba ang mga tauhan mo?
Hindi naman. Natatakot lang silang humarap sayo dahil feeling nila mangangain ka ng tao anytime. Masyado ka kasing seryoso.
Nginitan ko ulit si Mia ng palabas na ito
OA ka. Tugon lang niya
Nagdala ka na naman ng basura mo dito. Puna niya sa dalang flower base ni Ivy at inayos yun sa taas ng mesa
Don't tell me hanggang ngayon naghihintay ka pa din?
Nagpunta ka ba dito para maki marites lang Jessica? At sino ang hinihintay ko aber?
Maglilihim ka na rin lang sakin pa ba? Tsaka namimiss ka na ni Dad, bakit hindi ka nagpasyal nitong weekend.
Alam mong may pinuntahan ako sa Manila di ba. Nag uulyanin ka na ba Jessica?
Masyado ka kasing workaholic kaya nagwoworry na si Daddy. Para ka ng si Jin na hindi na alam ang way pauwi.
Marami lang akong inaasikaso. Alam mong under renovation yong hotel di ba? I need to supervised para matapos yun ng naaayon sa schedule. Every minute counts. Madaming staff ang nawalan ng kita because of the renovation. Kaya kailangan kong e assign yong iba sa Manila.
BINABASA MO ANG
GAME OF LOVE (TAGALOG)
General FictionHow will you play in a game called Love? Is it JenSeul? Seulrene? Wenrene? Jenlisa? SeulYeon?(seul, chaeyeon) Lirene?( Lisa, irene) Joygi? Gawong? Seulje? ( seul, jema) Wenjoy? Introducing: GAWONG DEANNA WONG, JEMA GALANZA Published: May 14, 2022