JENNIE
Nanibago pa ako na wala sa tabi ko si Thirdy ng magising ako sa thailand.
Crap! Nasa Seminar pala ako.
Feeling ko ang tamlay ko dahil malayo ako sa mag ina ko. Wow big word. Mag ina.
Kaya kahit bored na bored ako. Nang araw ng uwian na ay parang sumigla ulit ang dugo ko.
Mommy! Mommy!
Namiss kita.
Agad kong kinarga si Thirdy kahit mabigat itong bata.I miss you too Mommy.
Pinaghahalikan pa niya ako sa mukhaSweet naman ng baby ko. Naging good boy ka ba dito?
Oo naman Mommy di ba Mamu?
Oo naman.
Nginitian ko lang si Seulgi. Alangan naman yumakap din ako. Feelingera lang? 4 na araw lang akong nawala.
Mommy punta tayo ng Enchanted Kingdom bukas ha. Kaya dito muna tayo sa hotel mo titira.
Napatingin naman ako kay Seulgi na agad namang nag iwas ng tingin.
Okay. Mukhang nakaplano na naman so i have no choice, have i? Tanong ko kay Thirdy
No Mommy. You don't have a choice. So you need to rest na. Pagod ka.
Siya na din ang nagdesisyon na pagod ako kahit hindi naman. Kaya sumunod na lang ako sa Maliit kong boss.
Pagdating sa hotel ay iniwan ko muna ang bagahe ko sa room at nagcheck na lang muna sa Baba.
Okay naman ang lahat, kasama ko pa din si Thirdy na akala din ng mg tao dito ay totoong anak ko talaga.
Magmula kasi ng maliit pa siya kasa kasama ko din siyang lumuluwas kaya kilala na sila dito ni Seulgi.
Maraming katanungan sila, i know that. Lalo at minsan kasama ko din si Mino.
Bumalik na agad kami sa kwarto dahil pinapahinga na niya ako. Kaya para walang gulo sumusunod na lang ako.
Diyan kayo ni Mamu. Dito ako sa maliit na bed.
Okay. Mukhang na training ito ng maayos sa mga gagawin niya. Pero sige, sasabay ako sa trip nila.
Alas tres palang naman ng hapon. Nanuod lang kami ng Cartoons sa TV.
Nagulat pako ng sa tiyan ko mismo nahiga si Seulgi. Ano naman kaya ang trip ng isang to.
Bakit? Tanong ko ng magtama ang mga mata namin
Wala naman. Bakit bawal bang mahiga dito?
Tinaasan ko lang siya kilay. Aba, bakit ang tapang naman ata niya ngayon.
Wala naman akong sinabing bawal. Sagot kona lang at nag iwas ng tingin
Mukhang siya ang pagod at puyat dahil ilang minuto lang narinig ko ng naghihilik siya..
Nak. Tawag ko
Yes po Mommy?
Ano bang pinanggagawa nitong Mamu mo at parang pagod at puyat?
Ahhh. She can't sleep well daw sabi niya kay Lolo.
Natigilan ako. Dahil ba sa wala ako sa tabi niya?
No! No! Ilusyonada na naman ako....
Pero bakit kasi ang sarap naman ng tulog niya ngayon? Nakatulog nga siya kaagad eh.. tanong ng isip ko
BINABASA MO ANG
GAME OF LOVE (TAGALOG)
General FictionHow will you play in a game called Love? Is it JenSeul? Seulrene? Wenrene? Jenlisa? SeulYeon?(seul, chaeyeon) Lirene?( Lisa, irene) Joygi? Gawong? Seulje? ( seul, jema) Wenjoy? Introducing: GAWONG DEANNA WONG, JEMA GALANZA Published: May 14, 2022