CHAPTER 81

31 1 0
                                    

JENNIE

6 months pinag aralan ni Seulgi ang routine ng mga bantay namin. Nakakalabas naman kami kasi ng bahay, yong sa Main Gate lang yong hindi kami pwedeng umabot.

Malayo ito kaya hindi namin alam kong ilang tao ang nagbabantay dun. Malaya kaming nakakarating sa likod ng Mansion, sa Garden na andun din.

Madaming tanim dun kaya nakakarelax ang isip namin. Pero ang totoo, huli ko ng nalaman na nag oobserve na pala si Seulgi.

The night before we escape.....

I check the main gate kanina.
Pabulong na sabi ni Seulgi ng nasa kama na kami

Ano'ng nakita mo?

Kaya siguro pinagbawalan tayong makapunta dun dahil walang nagbabantay.

Lumaki naman ang mga mata ko sa narinig.

Naka censor siguro yong gate or naka remote control. Pero yong maliit na gate mano manong binubuksan. Doon tayo dadaan bukas.

Hindi ka ba natatakot? Tanong ko

Natatakot. Pero kailangan na nating gumawa ng way para makatakas dito. Hindi ko na kayang nakikita kang binubugbog.

Yes you heard it right. Binubugbog nila ako para magsalita na si Seulgi about sa mga Documents. Nakita na kasi ang Dalawang abogado at ikinanta na nila na na kay Seulgi na lahat.

Pero sa sabi ko, kahit ano'ng mangyari hinding hindi siya aamin dahil siguradong papatayin din kami.

I am fine. Nasanay na ata ang katawan ko. Nakangiti ko pang sabi

Siraulo ka. Sagot lang niya

Nagsumiksik na lang ako sa katawan niya. Nasanay na ang katawan ko sa init ng katawan niya, when i am feeling cold isang yakap lang from Seulgi okay na ako.

Hinalikan naman niya ako sa noo. It became her habit too. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong nahahalikan sa noo sa isang araw.

Sabi ni Pacita samin, wala na sa Pilipinas ang Pamilya Kang. Naniniwala naman si Seulgi dun dahil noon pa nila gustong umalis, at naiintinidhan niya if ever totoo yun.

I missed Dad and Jema. Sabi ko

I missed you too.

Kinurot kona lang ang pisngi niya. Nasanay na din akong malandi talaga si Seulgi. Char. That's her charm. Ikaw na lang bahala kung magpapadala ka sa kanya.

Basta bukas Jen, after ng breakfast natin. Nasa loob pa ang mga bantay natin dahil kakain din sila. Basta promise me, pag nakalabas tayo ng gate hindi tayo hihinto sa pagtakbo.

I promise. I wilk never let go of your hands Jagiya.

Ganyan din ako sa kanya. Hindi din ako nagpapatalo when it comes to landian time.

Don't fall too hard on me Jagiya.
Sagot naman niya

Ang kapal talaga ng mukha mo noh. Ganyan ka ba talaga kabilib sa pagmumukhang to?
Sinundot ko lahat ng masundot ko sa mukha niya

Shhhhh.

May pumasok kasi sa bahay namin.

Andito kami! Sigaw naman ni Seulgi

May dala akong biscuits and warm milk.
Sagot naman ng nasa labas

Lalabas na. Sigaw na naman ni Seulgi

Napabangon kami ulit.

Heto, vitamins. Hindi pa bukas yan. Baka isipin niyong lason yan kaya yong sealed talaga ang binili ko.

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon