CHAPTER 100

50 2 5
                                    

SEULGI

Nahulog ako sa malalim na pag iisip ng nahiga na ko sa tabi ni Irene. Aminin ko man or hindi tama naman lahat ng sinabi ni Jemalyn.

Maybe it's time naman na pagbigyan ko ang totoong Nanay ko na magpakananay sakin. Tama na siguro yong pagtikis ko sa kanya.

Saan ka galing?

Nahiga naman ito sa dibdib ko. Kaya inunan ko ang braso ko sa ulo niya.

Nag usap lang kami ni Jema. Nagising ba kita?

Hindi naman. Nagising ako kanina ng hindi kita makapa.

Matulog ka na ulit. Hindi na ako aalis.
Bulong ko naman

Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog. She is still so beautiful. Magiging napakagandang nilalang ng magiging anak nila ni Wendy

Sasama pala si Lisa bukas sa check up.

Okay. Sige na matulog ka na. Kulit.
Sinundot kona lang ang ilong niya

Nagugutom ako.
Napapikit na lang ako. Alas dos na ng madaling araw kasi

What do you want? Tanong ko

Balot. Tsaka something na maasim. Tapos Mani.

Napatulala na lang ako. Saan naman kasi ako maghahanap ng something na maasim? Suka?

Okay. Matulog ka lang at maghahanap ako.

No, gusto kong sumama.

Hindi ka pwedeng mapuyat.

Nakatulog na naman ako.

Tinawagan ko na lang si Jema. Gising pa naman ito kaya umalis kaming tatlo.

Ayon magbabalot Seul. Naeexcite na sabi ni Jema at tinuro yong nagbibisekletang Mama

Boss! Tawag ko sabay busina

Balot po ba Maam?

Yes po. Bale limang balot tsaka limang penoy.

Buti at may mangga din siyang tinda.

Kamusta po ang benta Boss? Usisa ko

Nako, matumal. Mahirap ngayon makabenta.

Sige. Ubusin ko na lang po ang benta niyo para makauwi na kayo.

Talaga Maam. Nako, hulog po kayo ng langit. Kailangan ko kasing kumita dahil may sakit ang anak ko. Hindi din namin madala sa hospital dahil wala kaming pambayad.

Bakit ba parang pinaglalaruan ako ng tadhana. Ang Bestfriend mo nabuntis, magiging magulang na, tapos heto, magulang din na namomoblema.

Sign na ata talaga to na makikipag ayos na ako sa tunay kong ina.

Ano po ba ang sakit? Usisa ni Jema

May lagnat siya, 3 araw nang hindi bumababa. Nag aalala na nga kami. Baka kasi hindi simpleng lagnat lang.

Naku Boss. Sana dinala niyo sa Hospital at uso po ngayon ang Dengue dito satin. Sagot ko

Gustuhin ko man mga Maam pero walang wala po talaga kami eh. Kahit pang paracetamol nga lang nahihirapan na ako. Wala na kasi akong asawa. Tapos 3 yong anak ko. Lahat highschool.

Ganito na lang Tay. Iangkas mo yong bisikleta mo sa likod, tapos sumakay ka dito. Puntahan natin ang anak mo. Baka kung malala na yong lagay niya. Sabi ni Jema

GAME OF LOVE (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon